Jemimah Remington-Maxwell
NAGISING si Jemimah dahil sa pagdampi ng mga halik sa buong mukha. Agad na sumalubong sa kanya ang nakangising mukha ng asawa. Nasa ibabaw niya ito.
Iniiwas niya ang mukha nang akmang hahalikan ni Ethan sa mga labi. "You're so heavy," ungot ni Jemimah.
Tumawa si Ethan. "Hindi ka na nasanay," pagbibiro nito.
Ibinalik ni Jemimah ang tingin sa guwapong mukha ng asawa, tumalon na naman ang puso dahil sa kasiyahang nakikita sa mga mata ni Ethan.
Ngumiti siya at hinagkan ito sa mga labi. Wala naman talagang pakialam si Jemimah sa bigat nito. She loved it – the way his hard body was pressed on hers. Kung puwede lang na manatili na lang silang ganito habang-buhay.
Pero alam ni Jemimah na hindi puwede. They needed to work. Katulad ngayon, naputol ang paghahalikan nila nang marinig ang malakas na tunog ng cell phone niya.
Naiinis na napabuga ng hininga si Ethan nang itulak niya ito palayo para abutin ang aparato sa bedside table. Tumawa si Jemimah, tiningnan ang cell phone.
Kumunot ang noo niya nang makita ang pangalan ng isang kaibigan na nakasabay din sa training sa police force. Nagtatakang sinagot ni Jemimah ang tawag.
"Jemimah," bati sa kanya ng nasa kabilang linya. "Nasa trabaho ka ba ngayon?"
"Wala, kagigising ko lang. Napatawag ka."
"Nabalitaan mo na ba ang nangyari kay Superintendent Abad?" tanong ng kaibigan.
Umayos ng upo si Jemimah. Si Superintendent Carlo Abad ang isa sa mga nag-train sa kanila noon sa police force. "Bakit? May nangyari bang masama?"
"He's dead," anito. "It's all over the news, Jemimah. Naisipan ko lang tawagan kayong mga kasamahan sa training."
Hindi pa rin maitago ang pagkagulat sa mukha niya hanggang sa tapusin na ng kaibigan ang tawag.
"What's wrong?" tanong ni Ethan, may pagtataka na sa mukha.
"We should watch the news," sagot ni Jemimah bago nagbihis. Sumunod lang naman sa kanya ang asawa hanggang sa makarating sila sa living area.
Magkatabi silang naupo ni Ethan sa couch. Agad na bumungad na balita ang tungkol sa pagkamatay nga ni Superintendent Carlo Abad sa isang pagsabog sa mismong residence nito.
"Kinompirma ng pulisya na isa sa tatlong na-recover na bangkay sa pagsabog ang katawan ni Superintendent Carlo Abad. Hanggang ngayon ay hindi pa rin masabi ng awtoridad kung gawa ba ng isang terrorist group ang pagsabog..."
Inihilig ni Jemimah ang ulo sa balikat ng asawa. "Isa siya sa mga senior officers na nag-training sa akin sa police force. He was a good man."
Inakbayan siya ni Ethan. Wala itong sinabi.
"Halos lahat ng mga kakilala ko, unti-unti nang nawawala," malungkot na dugtong ni Jemimah. Tumingala siya sa asawa. "Hindi talaga natin alam kung ano'ng mangyayari bukas."
Dinampian ni Ethan ng halik ang kanyang noo. "I'm here, baby. Gagawin ko ang lahat para manatili lagi sa tabi mo."
Nawala naman ang lungkot na nararamdaman ni Jemimah. Niyakap niya ng mahigpit ang asawa. Palagi niyang panghahawakan ang sinabing iyon ng lalaki.
"Sa tingin mo ba gawa ng mga terorista ang pagsabog na 'yon?" tanong ni Jemimah mayamaya.
"I've encountered some terrorist works noong nasa military pa ako," ani Ethan. "Mas preferred ng mga terorista na magbomba ng isang public place para nga naman katakutan sila. Base sa balita, ang residence lang ni Abad ang binomba. Tatlo lang ang namatay, siguradong kapamilya din ni Carlo Abad." Hinaplos-haplos nito ang baba. "Base sa nakita kong pictures ng bomb ruins sa balita, mukhang hindi ganoon kalakas na bomba ang pinasabog. The bomb was surely meant for the Abad residence only."
Pinakatitigan ni Jemimah ang asawa. Marami na ring naikuwento sa kanya si Ethan tungkol sa mga naging karanasan nito noong nagseserbisyo pa bilang commander sa Special Forces. Siguradong marami na itong naka-engkuwentrong mga terorista.
Niyakap niya ng mahigpit ang asawa, isinubsob ang mukha sa dibdib nito. "Kung gawa man ito ng mga terorista o hindi, sana wala nang sumunod. Bombing is no joke. Siguradong magdudulot iyon ng terror sa mga tao."
Hinigpitan ni Ethan ang pagkakayakap sa kanya. "Let's just hope that this won't endanger us."
Inabot ni Jemimah ang isang kamay ng asawa. She entwined her fingers on his. "Let's pray for that."
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood
Mistério / SuspenseCops, government officials and businessmen were being killed. Kasabay ng matinding pag-iingat, kailangan ding kumilos ng mabilis ng team ni Jemimah para mahuli ang killer na tila may galit sa gobyerno at sa mga nasa awtoridad. Bomb threats everywhe...