Chapter 15

1.4K 54 0
                                    

Jemimah Remington-Maxwell

BINUKSAN ni Jemimah ang pinto ng penthouse ni Ethan, nagulat pa nang makita si Jayden Sullivan sa labas. May kasama itong isang babae at isang lalaki.

"Good evening, Mrs. Maxwell," bati ni Jayden. "Pasensiya na sa biglaang pagbisita. Nakakaabala po ba kami?"

"Hindi naman," sagot niya. Her heart raced because of what he called her. "Nagdi-dinner pa ang team namin. May kailangan ba kayo?"

Inilipat ni Jemimah ang tingin sa babaeng kasama ni Jayden. The woman was wearing a white blouse and jeans. Maganda ito kahit na wala gaanong make-up ang mukha. Mahaba ang buhok at mukhang malakas ang confidence sa sarili. Medyo pamilyar sa kanya ang babae, nakita niya na ito sa TV minsan.

Ang isang lalaki naman ay nakita niya na rin minsan. Ito ang cameraman na kasama ni Jayden noong unang beses na makilala. Sandaling pinagmasdan ni Jemimah ang lalaki. Matangkad ito. He was also handsome with dark stubbles on the lower side of his face. He also had a small mole on his right cheek near the nose. May nakasabit ding DSLR camera sa leeg nito.

"Mga kasamahan ko nga pala sa trabaho," pagpapakilala ni Jayden. "Nakilala niyo na minsan si Danny Abellana, ang cameraman ko. Siya ang kumukuha ng mga pictures para sa mga articles ko. At siya naman si Lauren Jacinto, isa siya sa mga senior journalists ko, anchor din sa DP News."

Kinamayan ni Jemimah ang mga ito at inalok na sumalo sa kanila sa dinner. Pagkapasok sa loob, isa-isa niyang pinakilala ang mga ito sa miyembro ng team.

"Ano nga palang kailangan niyo dito, Jayden?" tanong ni Jemimah sa lalaki nang makaupo sa tabi ni Ethan.

Sandaling nag-alinlangan si Jayden. "N-nabanggit ko kasi kay Lauren na kilala ko ang team na humahawak ngayon sa bombing case ng Manahan at Abad. G-gusto sana niyang makakuha ng scoop kung puwede."

Napatingin si Jemimah sa mga kasama sa team bago tiningnan si Lauren. Her face was hopeful. "I'm sorry pero hindi kami makakapaglabas ng mga importanteng impormasyon habang nag-iimbestiga."

Napabuntong-hininga si Lauren. "Naiintindihan ko naman ang protocols niyo, Senior Inspector. I'm just here to clarify some things. Puwede niyo bang sabihin kung talagang mga terorista ang may pakana ng lahat ng ito? Or anti-government group?"

"Wala naman sigurong masama kung magbigay tayo ng ilang impormasyon sa media," sabi naman ni Mitchel. "First of all, maraming mga tao ang mas nakikinig sa media."

Hindi na naman tumutol si Jemimah. They needed some support as well. Hindi maganda na hayaan nilang patuloy na matakot ang mga tao sa kaisipang may nagbabantang terorismo sa bansa.

"Alam niyo naman siguro kung para saan ang SCIU, 'di ba? Hindi ibibigay sa amin ang kaso kung sigurado silang terorista ang gumawa niyon," panimula ni Jemimah. "Hindi namin alam kung anti-government group ang may pakana ng lahat ng ito."

"Kung gano'n, bakit inilipat sa inyo ang kaso?" curious na tanong ni Lauren. She had a very confident voice as well. Halatang sanay na sanay itong makipag-usap sa kahit kanino para kumuha ng impormasyon.

"Dahil may nakitang ebidensya na makakapagsabing posibleng isang serial killer ang hinahanap namin," sagot niya.

"Serial killer?" ulit ni Lauren, hindi makapaniwala. Inilabas nito ang isang notebook sa bag na dala. Ganoon din naman ang ginawa ni Jayden.

Ang kasama nitong si Danny ay inabot ang camera para sana kuhanan sila ng picture pero agad na napagbawalan ni Ethan. Sumunod naman ang lalaki, humingi ng pasensiya.

"May pattern ba ang serial killer na 'to?" tanong naman ni Jayden, may interes na sa tono. He was really interested in serial killers.

"Sa ngayon naghahanap pa kami ng posibleng pattern. Ang dalawang pamilya na naging biktima niya ay parehong may mga katungkulan sa gobyerno." Huminto si Jemimah, saglit na nag-alangan. "Kaya hindi pa rin namin inaalis ang posibilidad na may sangkot na anti-government group dito."

[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon