Theia 'Red' Mendoza
"HINDI mo na dapat ako inihatid," sabi ni Theia kay Mitchel nang makapasok sila sa apartment niya. "Napakakulit mo talaga."
"Bakit? Gusto mo pang mag-stay kina Ethan para makipaglandian sa Jayden na iyon?" nang-uuyam na tanong ni Mitchel.
Napatingin si Theia sa lalaki, hindi inaasahan ang salitang lumabas sa mga labi nito. "You should really watch your words, Mitchel."
"Should I?" Umismid si Mitchel. "Hindi ba sanay ka na naman sa ganito?"
Nararamdaman na ni Theia ang unti-unting pag-init ng ulo. Ano ba ang gusto ng lalaking ito? Away? "Sinisira mo lang ang gabi ko, Mitchel. Puwede bang umalis ka na?"
"Sobrang ganda ba ng gabi mo dahil sa Jayden na 'yon? Do you like him that much? Bakit? Dahil mukha siyang isang lalaking hindi makakapanakit ng babae? Ganoon ba ang mga tipo mo? Good boy? Well, lahat ng tao ay may itinatagong—"
"Stop this, Mitchel!" sigaw na ni Theia. "Alright. Jayden is a nice guy. I enjoyed talking to him kahit nagkikilanlan pa lang kami. At ano bang problema kung ganoon ang tipo kong lalaki? I can even ask him for a date if I want. So please just—"
Hindi na naituloy ni Theia ang sasabihin nang ikulong ni Mitchel ang kanyang mukha sa magkabila nitong kamay at siniil ng halik ang kanyang mga labi. Her eyes widened because of the unexpected kiss. Sobrang diin ng pagkakalapat ng mga labi ng binata sa kanya, hindi na siya makahinga.
Theia's heart was beating so wildly in her chest. Pero pilit niyang pinapatigil iyon at pinagana ang isipan. Buong lakas niyang itinulak palayo si Mitchel, kasunod ng pagsampal sa kaliwang pisngi nito.
Makikita ang pagkagulat sa mukha ni Mitchel, tila noon lang natauhan. Tumingin ito sa kanya, may pagsisisi na sa mga mata. "T-Theia... I... I'm..."
Iniyuko ni Theia ang ulo. Hindi niya muna gustong makita ang lalaki. "Get out, Mitchel," mariing utos niya. "Please..."
Hindi na naman nagsalita si Mitchel at narinig na lang ni Theia ang paghakbang nito palabas ng apartment.
Hinang-hina siyang lumapit sa couch, naupo. Isinubsob ni Theia ang mukha sa dalawang kamay. What just happened? Ano bang nangyayari kay Mitchel at nagsalita ng kung anu-ano sa kanya?
Yes, para silang aso't pusa palagi dahil sa madalas na pag-aaway. But this time, Mitchel was different. He seemed mad. Dahil ba talaga kay Jayden? Nagseselos ba ito?
Marahas na ini-iling ni Theia ang ulo. Hindi niya dapat pinag-uukulan ng pansin si Mitchel. He was a womanizer. Siguradong nagagalit ito dahil hindi niya pinapatulan ang mga pambobola ng binata.
Tumayo na siya at lumapit sa kinapapatungan ng mga laptops. Marami pa siyang kailangang asikasuhin na mas importante. Binuksan ni Theia ang isang email sa kanyang account. Galing iyon sa isa sa mga kasamahan niya sa grupong VOTP noon.
Code Name: Red
This Saturday. 2PM. Grand Casa Hotel, Makati City.
Herlam Jr., Voice of the People Member
Mahabang sandaling nakatitig lamang si Theia sa email bago kumuha ng sticky note at inilista doon ang mga nakasulat sa message.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood
Mystery / ThrillerCops, government officials and businessmen were being killed. Kasabay ng matinding pag-iingat, kailangan ding kumilos ng mabilis ng team ni Jemimah para mahuli ang killer na tila may galit sa gobyerno at sa mga nasa awtoridad. Bomb threats everywhe...