Destroyer
ASH, STRIKES AGAIN... KILLING ONE OF THE WEALTHIEST MAN IN THE COUNTRY...
SERIAL KILLER, ASH, KILLED A CHILD... WHY CAN'T THE POLICE STOP THIS MONSTROSITY?
ASH, HACKED DP NEWS, TALKING TO THE PUBLIC. ANG MGA GINAGAWA NIYA NGA BA AY ACT OF TERRORISM O REVENGE...
SERIAL KILLER, SERIAL BOMBER – ASH, FOOLED THE POLICE AND ALL THE BEST SECURITY IN THE NATION...
ASH, THE MOST DANGEROUS SERIAL KILLER NOW. BEWARE, PEOPLE! THE JUDGEMENT HAS COME!
Nakatitig lamang si Destroyer sa mga nakakalat na diyaryo sa sahig. Halos lahat ng headlines ng tabloids, maging ng news ay tungkol sa serial killer na nagngangalang Ash.
Naupo siya sa couch at inabot ang basong may lamang whiskey. He was getting curious as well. Who was this serial killer? Ano'ng karapatan nitong tanggalin ang titulo na pinakamapanganib na serial killer sa bansa?!
Nilagok niya ang alak bago tinungo ang isang metal cabinet na nasa sulok. Inilabas doon ni Destroyer ang isang maliit na kahon.
Binuksan niya sa kahon at kinuha ang larawan ng isang babae. Ilang linggo niya na ring sinusundan ang babaeng ito tuwing walang ginagawa. Tiningnan ni Destroyer ang likod ng larawan. Kristina Lopez.
Ngumisi siya. Ilang taon din nanahimik ang pangalang Destroyer. Ilang taon na rin mula nang huli siyang pumatay. Pero naaalala pa niya nang pagputol-putulin ang mga katawan ng Maxwell.
Gusto niyang malaman kung ano ang magiging reaksiyon ni Ethan Maxwell kapag nalamang bumalik na ang Destroyer. Would he be mad? Masyado nang masaya ang lalaking iyon.
Inabot ni Destroyer sa mesa ang isang lighter para sunugin ang hawak na larawan ni Kristina Lopez. It was about time to strike again. Para makita rin ng mga tao na siya lang ang dapat katakutan. Siya lang ang magbibigay ng judgment sa mundo. Siya lang ang tatapos sa kasamaan ng mga tao. Siya lang at wala nang iba.
Kinuha ni Destroyer sa loob ng metal cabinet ang kuwintas na may pendant na krus, isinuot iyon. He would be back soon.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood
Misterio / SuspensoCops, government officials and businessmen were being killed. Kasabay ng matinding pag-iingat, kailangan ding kumilos ng mabilis ng team ni Jemimah para mahuli ang killer na tila may galit sa gobyerno at sa mga nasa awtoridad. Bomb threats everywhe...