Rain
ISINARA ni Rain ang laptop na nasa harap. Katatapos niya lang gawin ang ipinag-utos ni Ash. She did everything to hack the CCTV's around Felix Cruz' place. Hindi niya maintindihan kung bakit nakakaramdam ng kaba.
Kanina nang tumawag sa kanya si Ash ay nahimigan ang pagkabalisa nito. Ano kayang nangyari? Napahamak ba ito? May nagawa ba itong mali?
Tiningnan ni Rain ang orasan na nasa dingding. Mahigit thirty minutes na ang lumipas mula nang tumawag si Ash. Nasaan na kaya ang nobyo?
Binuksan niya ang T.V. para manood ng balita. Tamang-tama lang ang kanyang pagbukas. The breaking news was about the bombing made by Ash.
May panibago na namang naging biktima ang bomber na si Ash. Kaninang bandang alas-tres ng hapon ay binomba ang bahay ni Felix Cruz. Tatlong katawan ang na-recover kasama na ang bangkay ng adopted daughter nina Felix at Haidi Cruz na si Mary Grace Cruz.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng impormasyon ang mga awtoridad kung ano na ang nangyayari sa kanilang imbestigasyon. Gaano karaming buhay pa nga ba ang mawawala? Nasaan ang hustisya? At sino nga ba si Ash?
Natutop ni Rain ang sariling bibig. Hindi... Hindi ganito ang pinag-usapan nila ni Ash noon. Nangako ang lalaki na hindi magdadamay ng mga inosenteng tao.
Napapitlag siya nang marinig ang pagbukas ng pinto. Pumasok sa loob ng apartment niya si Ash, may dalang kahon na ipinatong lang sa sahig.
Tumayo si Rain para salubungin ang nobyo. Kitang-kita ang pagod sa mukha nito. Sumulyap si Ash sa T.V. Walang makikitang emosyon sa mukha ng lalaki maliban sa kalamigan.
"A-ano'ng... n-nangyari? N-nakita mo ba ang balita? B-bakit? I... I thought you'll spare the life of that child!" Hindi na napigilan ni Rain ang mapasigaw. This was not right. Walang alam ang batang iyon. Ni hindi nga ito kadugo ng mga Cruz.
"I... I..." Pabagsak nang napaupo sa couch si Ash. Nakatitig ito sa kawalan. "H-hindi ko alam na... h-hindi ganito ang... ang plano ko. B-bakit? H-hindi ko na siya napigilan. A-akala ko—" Isinubsob ni Ash ang mukha sa dalawang kamay.
Nilapitan ni Rain ang lalaki at niyakap ito ng mahigpit. Naramdaman niya ang panginginig ng katawan nito. Alam niyang hindi ginusto ni Ash ang nangyari. It was never on his plan to involve innocent lives. He took risks just to avoid that.
Tumulo na ang mga luha ni Rain. Napakasakit para sa kanya ang kaalamang nakapatay si Ash ng inosenteng bata. Pero siguradong mas mahirap para sa lalaki ang tanggapin iyon.
"H-hindi ba p-puwedeng tapusin na natin ang lahat dito?" tanong ni Rain, nag-aalangan. "Y-you've done enough. L-let's just stop. P-para hindi ka na rin nasasaktan."
"No..." mahina pero mariing sabi ni Ash. Hinawakan nito ang magkabila niyang balikat para marahang itulak palayo sa katawan nito. "Hindi ako titigil dahil lang sa insidenteng ito. Hindi mo ako mapapatigil hangga't hindi nalalaman ng mga halimaw na iyon kung ano ang ibig sabihin ng hustisya."
Iniling-iling ni Rain ang ulo, nagmamakaawa ang mga mata. "P-pero... d-delikado na... p-paano kung—"
"Hindi!" bulyaw ni Ash, tumayo at napasabunot sa buhok. "Hindi pa tapos ang lahat. Mayroon pa akong kailangang pagbayarin!"
Tumayo rin si Rain, tinangkang hawakan ang lalaki pero itinaas lang ni Ash ang mga kamay para patigilin siya. She could see nothing but anger in his eyes right now. Unti-unti ay nagbabago na ito, nilalamon na ng galit at paghihiganti.
"Hindi ako papayag na matapos lang sa ganito ang lahat." Nag-igtingan ang mga panga ni Ash. "I will fight until the very end. There will be more blood. At wala na akong pakialam sa kung ano'ng mangyayari. Pagbabayarin ko silang lahat."
Iniyuko ni Rain ang ulo. Her heart was breaking as he looked at him. Siya ang isa sa dahilan kung bakit ito nagkakaganito. Dapat noon pa lang ay pinigilan niya na ang lalaki para hindi ito nasisira ng ganito.
Humakbang palapit sa kanya si Ash. "Katatakutan nila ako," bulong nito. "I will not keep on standing by and watch them do monstrous things again. I will cause fear in this world." Ikinulong nito ang mukha niya sa dalawang kamay. "Tayo ang mananalo sa labang ito. Just promise me that you'll stay by my side always, okay? Ikaw na lang ang nagbibigay ng lakas sa akin ngayon."
Humikbi si Rain pero tumango rin naman. Niyakap niya ng mahigpit ang nobyo. Kahit na ano'ng mangyari, sa lalaki pa rin siya kakampi. Hinihiling niya lang na matapos na kaagad ang lahat ng ito. Hindi niya na gustong masaktan pa si Ash, mas lalong mapahamak ito.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood
Misteri / ThrillerCops, government officials and businessmen were being killed. Kasabay ng matinding pag-iingat, kailangan ding kumilos ng mabilis ng team ni Jemimah para mahuli ang killer na tila may galit sa gobyerno at sa mga nasa awtoridad. Bomb threats everywhe...