Chapter 55

1.2K 54 3
                                    

Ethan Maxwell

NAKATITIG lamang si Ethan sa TV screen kung saan makikita ang CCTV footage ng bawat parte ng bahay na ito. Nakahinga naman siya ng maluwag nang makitang nakalabas na ng bahay si Jemimah. Kanina pa siya nakakaramdam ng takot pero hindi ipinapahalata. Hindi siya natatakot para sa sarili kundi para sa asawa. Stepping in a house with a bomb was too dangerous for a risk.

"Ethan Maxwell, right?" narinig niyang wika ni Danny Abellana. "Pinag-aralan ko ang bawat impormasyon ng team n'yo. At alam kong hindi ka madaling kalaban. I know you can even disarm a bomb. Pinag-aralan niyo 'yon sa military, 'di ba?"

Nakatingin lang si Ethan sa lalaki, puno ng kalamigan ang mga mata. Hindi ito mukhang baliw. Siguradong alam ni Danny kung ano ang ginagawa nito.

"I was once in the military, too," pagpapatuloy ng lalaki, nagkibit-balikat. "Sumali lang naman ako doon para matuto ng paggawa ng bomba at kung anu-ano pa. It helped me a lot. Too bad you cannot go near that bomb." Ipinakita pa nito ang hawak na detonating device. "Isang pindot ko lang sa button na ito, sa impyerno na tayo magkikita-kita. Oh, I remember. Dalawa nga pala ang bombang nasa loob ng bahay na ito. Hindi ko lang maalala kung saan ko nilagay pero pareho lang ang timer ng dalawa."

"Hindi ko alam kung ano'ng gusto mong laro, Abellana," wika ni Ethan. "Pero masaya ka ba dito?"

"Sa paghihiganti ko?" Tumawa si Danny. "Oo naman. Bakit ikaw? Hindi mo ba gustong maghiganti? Kay Destroyer?"

Nag-igtingan ang mga panga ni Ethan. Hindi siya sumagot.

"Pinatay niya ang pamilya mo, 'di ba?" dugtong ni Danny. "These devils killed not just one family, but three. At para saan? Para lang sa isang lupa? Nagpapakasasa sila sa kayamanan at ibinaon lamang sa limot ang kasalanang ginawa!

"I... saw it with my own eyes." Naglumikot na ang mga mata ni Danny. "I can still hear their cries... I can still see their pains... I am cursed. At hindi mawawala ang lahat ng ito sa aking isipan hangga't hindi ko sila naipaghihiganti... Kailangan kong ipaalam sa mundo ang nangyari sa kanila..."

[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon