Jemimah Remington-Maxwell
LAHAT ng mga miyembro ng team ni Jemimah ay nakatutok lang ang pansin sa screen ng T.V. Pinapanood si Lauren Jacinto na kasalukuyang nagbabalita sa DP News.
"At ngayon lumipat naman tayo sa isa pang balita... isang babaeng nagngangalang Kristina Lopez ang naging panibagong biktima ng serial killer na si Destroyer... Ayon sa mga investigators, nakita ang putol-putol na katawan ng biktima na nakasilid sa isang garbage bag... Muli na nga bang bumalik si Destroyer? At ano na nga bang nangyayari sa imbestigasyon ng NBI? Hanggang ngayon ay wala pa ring naririnig ang pamilya ng mga biktima kung umuusad ba ang kaso... kung makakakuha pa ba ng hustisya para sa naging biktima ng walang pusong serial killer na ito...
"It had been more than twenty years since Destroyer first killed pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nahuhuli. Gustong malaman ng pamilya ng mga biktima kung kumikilos ba ang mga investigators na may hawak sa kaso... High profile case? Iyon ang palaging sinasabi sa interview. Ano ba talaga ang katotohanan? Alamin natin lahat ngayon mismo sa DP News..."
Pumalit sa screen ang isang babae na blurred ang mukha, pinalitan din ang boses nito. Nakalagay sa ilalim na caption na kapamilya ito ng isa sa mga naging biktima ng Destroyer.
"Hanggang ngayon po ay pabalik-balik lang kami sa police station para itanong kung kumusta na ang kaso ng pagkamatay ng anak ko... pero pinapaalis lang nila kami at sinasabing tatawagan. Hindi namin matatanggap na walang maibigay na hustisya... Gusto naming malaman kung kumikilos ba talaga silang mga alagad ng batas..."
Bumalik sa screen si Lauren, may binabasa na itong isang folder. Ipinakita nito ang folder. "May ipinadala sa amin ngayon na isang folder na naglalaman kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring naririnig sa imbestigasyon ng Destroyer Case. Ito ang nakasulat sa note mula sa anonymous sender: Never give this to the NBI."
Ipinakita ni Lauren sa camera ang isang sheet ng paper. "These are all bank account transactions of Director Rene Magsaysay. Nakasulat sa isa pang note dito: Makikita n'yo na may malalaking halaga ang pumapasok sa bank account ni Rene Magsaysay simula nang taong sarilinin ng NBI ang pag-iimbestiga sa Destroyer Case." Humugot ng malalim na hininga si Lauren bago itinaas ang isa pang papel. Ipinagpatuloy nito ang pagbabasa sa note. "At nandito naman ang mga pangalan ng natanggal na agents ng NBI simula nang maupo sa puwesto si Rene Magsaysay bilang director. All of these agents were once involved in investigating the Destroyer Case. Ever since then, itinuring ng cold case ang kaso ni Destroyer. Iyon ay dahil tumatanggap ng bayad ang Director ng NBI para lamang mapatigil ang kahit ano'ng imbestigasyon. Rene Magsaysay is not the Destroyer but he's being used by that killer."
Ibinalik ni Lauren ang tingin sa unahan. "Hindi natin alam kung totoo ang mga nakasulat sa note na ito na ipinadala sa akin. Mukhang kailangang magpaliwanag ng NBI, lalo na ng direktor nila. Why don't they do an investigation about this matter? Bakit hindi nila ilabas sa mga tao kung totoo bang itinuring na cold case na lang ang kaso ni Destroyer?"
"Ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito, Mitchel?" narinig nilang tanong ni Ethan. "Ikaw ang kumausap kay Lauren Jacinto, tama ba?"
Seryoso lang naman ang mukha ni Mitchel. "This is the only way I know, Maxwell. Use the media to stir up the issue. Siguradong nagkakagulo na ngayon sa NBI."
"Alam mo ba kung ano'ng ginawa mo?!" bulyaw ni Ethan. "That woman will be in danger. Hindi tamang ginamit mo siya para dito!"
"She wants it, Ethan. Hindi ko siya pinilit. Alam niya kung ano panganib ni Destroyer."
Napahawak na lang sa ulo si Ethan. Maging si Jemimah ay nag-aalala rin para kay Lauren.
Tumingin siya kay Mitchel. "Saan mo naman nakuha ang mga ebidensyang 'yon?"
![](https://img.wattpad.com/cover/220219276-288-k542148.jpg)
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood
Misterio / SuspensoCops, government officials and businessmen were being killed. Kasabay ng matinding pag-iingat, kailangan ding kumilos ng mabilis ng team ni Jemimah para mahuli ang killer na tila may galit sa gobyerno at sa mga nasa awtoridad. Bomb threats everywhe...