Chapter 43

1.5K 53 3
                                    

Theia 'Red' Mendoza

HINDI mapaniwalaan ni Theia ang narinig mula kay Mitchel. Bakit? Bakit isinasakripisyo nito ang trabaho para lang sa kanya? Yumuko siya. "N-nababaliw ka na ba, Mitchel? Kailangan ka nila."

"Kailangan kita," sabi naman nito. "Don't get mad at me, Theia. Pero iyon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko."

Bumilis ang tibok ng puso ni Theia. Nambobola lamang ito, iyon ang patuloy na sinasabi ng kanyang isipan. But her heart wanted to believe.

Ini-angat niya ang tingin sa binata. Isang pagkakamali. Dahil ngayon ay nakatingin na siya sa seryosong mga mata ni Mitchel. Theia never saw this kind of seriousness in his face.

"I... don't want to lose you, Theia," bulong ni Mitchel, hindi inaalis ang pagkakatitig sa mukha niya. "I don't want you to hate me. Pero hindi ko na mapipigilan ang sarili ko." Iniiwas nito ang tingin. "H-hindi mo ba puwedeng bigyan ako ng pagkakataon, Theia? To show that I'm serious. To show that I can... take good care of you."

Why? Why was he saying all this things? At bakit hindi siya makapagmaldita sa binata katulad ng madalas na ginagawa? Sa halip ay nakakaramdam ng kasiyahan sa puso?

Theia wanted someone to take good care of her. Kahit pilit itinatanggi sa sarili ay alam ng pusong pagod na siyang mag-isa. At ano bang masama kung si Mitchel iyon? Oo, posible siyang masaktan. He was a womanizer. Pero sa kabila niyon ay gusto pa rin niyang subukan.

No, she must be crazy. Hindi tama ito. Hindi niya— Natigil siya sa pag-iisip nang haplusin ni Mitchel ang kanyang pisngi. That touch sent waves of electricity all over her body. Ano na bang nangyayari sa kanya?!

"Please, don't get mad at me, Theia," Mitchel begged, his eyes smoldering. "Please..." Bumaba na ang tingin ng binata sa kanyang mga labi.

Tila na-engkanto lamang si Theia na nakatitig sa guwapong mukha ni Mitchel. Patuloy pa rin sa pagtatalo ang kanyang puso at isip. Mitchel's face moved closer to hers.

He was going to kiss her. Alam iyon ni Theia pero bakit ayaw gumalaw ng mga kamay para itulak ito palayo? She was a fool!

Nabibingi na siya sa malakas na kabog ng puso nang lumapat ang mga labi ni Mitchel sa kanya. Hindi ito ang kauna-unahang hinalikan siya ng binata. The first time was harsh and forced but she still liked it. Hindi niya lang inaamin sa sarili, lalong-lalo na sa lalaki.

"So sweet," anas ni Mitchel. He sipped on her lower lip. "Oh, your lips taste so good, Theia."

Unti-unti nang pumikit ang mga mata ni Theia at hinayaan ang mga labi ni Mitchel sa paggalaw. She jerked when his one hand went to her back, pulling her closer. Ang mga kamay niya ay lumapat na sa mga dibdib ni Mitchel.

She should push him away but the heat coming from his body felt incredibly good. Theia could feel the beating of his heart. Hanggang sa hindi niya namamalayang tinutugon na pala ang halik ng binata.

Mahinang umungol si Mitchel, higit na pinalalim ang halik. He slipped his tongue inside her mouth and swirled around hers. Theia shivered. Hindi niya maintindihan kung bakit nakakaramdam ng kakaibang init, kakaibang kiliti sa parte ng pagkababae.

Umakyat ang mga kamay ni Theia sa balikat ng binata, napaungol pa nang ilayo nito ang mga labi sa kanya. Nilalamon na siya ng matinding pag-iinit ng katawan at hindi na mapigilan iyon.

Pareho silang naghahabol ng hininga ni Mitchel. Ilang sandaling nakatitig lamang sa kanya ang binata. She wanted to kiss him again... or more. Hindi niya na maintindihan ang sarili. Tila hindi na rin gumagana ng ayos ang kanyang isipan.

[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon