Jemimah Remington-Maxwell
NAKATITIG lamang si Jemimah sa cell phone, hinihintay na makatanggap ng tawag mula kay Director Morales. Nandoon lamang siya sa penthouse kasama sina Mitchel at Paul. Si Ethan naman ay kanina pang nagtungo sa bahay ni Danny Abellana sa Bulacan para maghanap ng mga ebidensya matapos makakuha ng search warrant. Si Douglas ang piniling isama ng asawa.
"Jemimah," narinig niyang banggit ni Mitchel sa kanyang pangalan. "Ayos ka lang ba? Parang kanina ka pang nakatulala diyan."
"Nag-aalala lang ako," aniya. "Hindi natin alam kung ano ang iniisip ni Ash, kung ano ang mga plano niya."
Napatingin sila sa pinto nang marinig ang tunog ng doorbell. Si Paul na ang nagbukas niyon. Nagulat pa si Jemimah pagkakita kay Jayden Sullivan, kasama nito si Lauren Jacinto.
"Hinahanap niyo raw si Danny," wika ni Jayden nang makapasok sa loob.
"Alam niyo ba kung saan siya posibleng magtago?" tanong ni Paul. "Matagal na kayong magkakakilala, 'di ba?"
Tumingin si Lauren kay Paul, naguguluhan. "May ginawa bang masaman si Danny? Ilang araw na namin siyang hindi nakikita ni Jayden. His phone is always unattended."
"Huli kong nakausap si Danny noong gabi bago bombahin ang casino na pag-aari ng daddy niya," sabi naman ni Jayden. "May nangyari bang masama sa kanya?"
Bumuntong-hininga si Jemimah. "He's the main suspect we're looking for. Si Ash."
Bumahid ang pagkagulat sa mukha nina Jayden at Lauren. "N-no..." sabi ni Lauren. "T-that's impossible. I knew Danny. He's not a bad person. Baka naman nagkakamali kayo."
"He's not a good person, as well, Ms. Jacinto," sabi naman ni Mitchel. "Hindi natin makikilala ang isang tao hangga't hindi nalalaman kung ano ang nasa puso nila. Danny might have witnessed something from his past that ruined his life. At ang ginagawa niya ngayon ay paraan para maiayos iyon. He's been wearing a mask all the time. He's around all the crimes he committed. Hindi lang natin napapansin dahil nagtatago siya sa likod ng kanyang camera."
Napayuko na si Lauren, puno ng kalungkutan ang mukha. Si Jayden naman ay seryoso lamang.
Sabay-sabay silang napatingin sa pinto nang bumukas iyon at pumasok sina Ethan. Nilapitan ni Jemimah ang asawa. "May... nahanap ba kayo?"
Tumango ito. "Nanggaling na rin kami sa forensics at hinintay ang results."
Naupo si Douglas sa couch, nag-inat. "May nakita kaming dalawang toothbrush sa kuwarto ni Angielyn Gaces. Kinuha namin pareho para magbaka-sakaling makakuha ng DNA. Ang isa sa toothbrush ay DNA ni Angielyn ang nakuha, ang isa ay kay Cassy. Patunay na nanatili doon si Cassy para itago ni Danny."
"Imposibleng makapagdahilan pa si Danny kung bakit naroroon si Cassy Abad," ani Paul. "Kilala niya si Cassy. Halos araw-araw ay nasa balita ang mukha niya bilang missing person."
Ipinakita naman sa kanila ni Douglas ang isang picture frame. "Nakita rin namin ito sa kuwarto ni Danny Abellana."
Tiningnan ni Jemimah ang larawan. It was a photo of Danny and Angielyn in front of a dark blue Mitsubishi Mirage. Naalala niya na ganito rin ang sasakyang nakaparada malapit sa bahay ni Felix Cruz noon.
"Sapat na ang mga ebidensyang 'yan para makapaglabas ng warrant of arrest kay Danny Abellana," wika ni Ethan. "At dahil nagtatago siya ngayon, kailangan din nating mag-request ng manhunt."
Danny Abellana was Ash. Sa loob ng pag-iimbestiga nila ay malapit lang pala sa kanila ang kriminal na hinahanap. Napapitlag si Jemimah nang marinig ang pagtunog ng kanyang cell phone. It was Director Antonio Morales.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood
Mystère / ThrillerCops, government officials and businessmen were being killed. Kasabay ng matinding pag-iingat, kailangan ding kumilos ng mabilis ng team ni Jemimah para mahuli ang killer na tila may galit sa gobyerno at sa mga nasa awtoridad. Bomb threats everywhe...