Chapter 26

1.2K 42 1
                                    

Ethan Maxwell

"SALAMAT dahil tinanggap mo ang imbitasyon naming makipag-usap," wika ni Ethan sa kaharap na si Ricardo de Chavez – ang Chief ng SCIU. Naroroon sila ngayon sa isang coffee shop.

"Ano'ng kailangan niyo?" tanong ni Ricardo, seryoso.

"Tungkol 'to sa iniimbestigahan naming kaso ngayon, ang bombing ng serial killer na si Ash," sagot ni Douglas.

Uminom si Ricardo ng kape sa tasa nito pero hindi nagsalita.

"We want to talk to you about your late wife, Michelle," wika ni Ethan. Nakita niya ang pagkatigil ni Ricardo dahil doon.

Maingat nitong ibinalik ang tasa sa mesa. "Ano'ng gusto niyong malaman? Matagal na siyang patay."

"Was it really suicide?" tanong niya.

"Oo," tugon ni Ricardo. "Nakita na lamang namin siyang walang buhay sa kuwarto noon. She drank a poison."

"Ang asawa mong si Michelle de Chavez ay nakasulat na major shareholder ng Build Corporation, tama ba? Paano siya nakakuha ng shares sa malaking kompanya?"

"She was an architect. Dati pa siyang partner ng may-ari ng Build Corporation."

"Alam mo ba kung bakit nagpakamatay ang asawa mo, Mr. De Chavez?" tanong ni Douglas.

Umiling si Ricardo. "Hindi ko alam. Baka sobrang stress na siya sa trabaho o ano. Hindi naman siya nakikipag-usap sa akin ng tungkol sa mga personal na bagay."

Sumandal si Ethan sa kinauupuan, pinakatitigan lang ang lalaking nasa harap. There was something bothering Ricardo de Chavez. Sigurado siya na may itinatago ito sa kanila.

"Tatlo na sa major shareholders ng Build Corporation ay napatay ni Ash," wika ni Ethan. "Iniisip namin na baka ang mga shareholders ng kompanyang iyon ang target niya."

"Patay na si Michelle. Kung anumang nangyari noon, wala na kaming kinalaman doon," seryosong wika ni Ricardo.

Hindi nakita ni Ethan ang pagkagulat nang sabihin niya ang tungkol sa target ni Ash. Bakit? Dahil alam na nito iyon? O baka may kinalaman si Ricardo de Chavez sa mga pangyayaring ito?

"Kung wala na kayong itatanong, babalik na ako sa trabaho," ani Ricardo, tumayo na at nagpaalam sa kanila.

Inubos muna nila ni Douglas ang mga kape bago lumabas ng coffee shop. "Mukhang may itinatago siya," wika ni Douglas habang nagmamaneho.

Ipinikit ni Ethan ang mga mata. "Mukhang matagal niya nang alam kung ano ang target ni Ash. Hindi ako sigurado kung dahil iyon sa nakaharap niya na si Ash at pinagbabantaan ang buhay niya. O siya ang may kagagawan ng mga krimeng ito."

"Si Chief de Chavez?" tanong ni Douglas, hindi makapaniwala. "Pero bakit? Wala akong maisip na dahilan para gawin niya ang mga iyon."

Iminulat niya ang mga mata. "Kailangan nating makasigurado na suicide nga ang ikinamatay ng asawa niyang si Michelle de Chavez."

Tumango-tango si Douglas. "Sa Lucena nakatira ang mga anak nila, baka may alam sila."

Hindi naman na sumagot si Ethan hanggang sa makarating sila sa penthouse nila ni Jemimah. Sila pa lang ni Douglas ang naroroon. Unang pumasok sa loob si Douglas.

Nakatitig lamang si Ethan sa likod ng lalaki. Douglas looked back and Ethan immediately threw a punch towards the man. Pero mabilis na naitaas ni Douglas ang isang kamay para maiharang sa kamao niya.

Ngumisi si Ethan. "I knew it. Hindi para sa isang simpleng police officer ang reflexes mo." He raised his left hand and threw another punch towards Douglas' face.

Agad ding nailipat ni Douglas ang kamay para harangan ang suntok na iyon. Pero hindi nito napaghandaan nang mabilis na nailipat ni Ethan ang kanang kamao para suntukin ang sikmura ng lalaki, malakas.

Napaubo si Douglas kasabay ng pagluhod sa sahig, hawak-hawak ang nasaktang sikmura.

"But not quite enough," seryosong dugtong ni Ethan. "Who the hell are you? Nakita ko nang barilin mo si Jimbo Cuello noon sa Pasay. You said it was a warning shot but I saw you aim. And you know how to shoot your target well, Douglas. Hindi madaling bumaril ng tumatakbong tao, lalo na at hindi mo siya gustong puruhan. Hindi ako maniniwalang nakuha mo 'yon sa training sa PNP. You have the lowest rank in the police force here."

Nakita niya ang pagkuyom ng mga kamao ni Douglas. Hindi pa rin ito tumitingin sa kanya, hindi nagsasalita.

"Where did you get your training, Douglas? Army? SWAT? Nag-usap kami noon ni Mitchel at nasabi niyang may itinatago ka. Hindi naman talaga totoo ang pagiging magalang at masunurin mo, 'di ba? Mukhang nagbago na rin 'yon nitong nakaraang mga linggo. Are you showing your true self to us now?"

Mahinang tumawa si Douglas. Tumayo ito at tumingin sa kanya, nasa mga mata na ng lalaki ang kaseryusohan. "Tama ka. I aimed at Jimbo Cuello's leg back then. And I never miss my target, Maxwell. Not once." Pabagsak itong naupo sa couch, hinahaplos ang parteng tiyan. "Kung reflexes ang usapan, ano bang magiging laban ko sa tulad mo. You were a commander in Special Forces. Mas marami kang experience sa combat skills kaysa sa akin."

"Who are you?" mariing tanong ni Ethan.

Humugot muna ng malalim na hininga si Douglas bago sumagot. "This was supposed to be my secret. But fuck that, alam ko rin naman na balang-araw ay may makakahalata din sa akin. I'm still Douglas Ilagan. Hindi nga lang isang simpleng police officer katulad ng pagpapakilala ko noon. I was a sniper for SWAT in the US before I came here."

Ngayon alam niya na kung paano nagawa ni Douglas ang pagbaril sa tumatakas na si Jimbo Cuello noon. He knew what he was doing. He was trained to shoot guns well.

Naupo si Ethan sa tapat ng lalaki. "Sabihin mo sa akin ang lahat, Ilagan. Ang katotohanan. Pagkatapos ay magdedesisyon ako kung mananatili ka pa sa team na ito."

Napuno na ng kaseryusohan ang mukha ni Douglas. "I came here for a mission. Hindi ko dapat sinasabi sa'yo ito dahil nakadepende dito ang kahihinatnan ng buhay at misyon ko. But because I look up to you, Maxwell, maniwala ka man o hindi. At sa pagdaan ng panahon ay unti-unti ko nan nagugustuhan ang mapasama sa team na ito, nakakaramdam ng konsensiya dahil hindi ako nagiging totoo. I'll take a risk. Ano ang misyon na 'yon? Isang misyon na ibinigay ni Chairman Tony Gonzalvo. Isang misyon na tungkol sa matagal mo nang hinahanap na serial killer – ang Destroyer."

Hindi naitago ni Ethan ang pagkagulat. Simula nang makasala sila ni Jemimah, iniwasan niya na ang lahat ng usapin tungkol sa Destroyer. He wanted to forget the past. Pero bakit? Bakit ang nakaraan pa rin ang patuloy na lumalapit sa kanya?

Hinayaan niya lang na ikuwento ni Douglas ang lahat-lahat tungkol sa pagkatao nito. Hindi alam ni Ethan kung totoo ang lahat ng iyon pero nakinig lamang siya.

[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon