Jemimah Remington-Maxwell
TAHIMIK na nakasunod lamang si Jemimah kay Ethan hanggang sa makapasok sila sa penthouse. Kakalabas niya lang ng ospital at simula pa kanina ay kaunti lang ang salitang sinabi ng asawa. What was wrong? Pakiramdam niya ay galit ito.
Napahawak siya sa ulo. Hindi maalala ni Jemimah kung ano ang nangyari sa kanya. Nagising na lang siya na nasa loob ng isang hospital room at pinagmamasdan ni Ethan. He said he lost cosciousness because of the drugs in the flowers delivered for her. Pinipilit niyang alalahanin iyon kanina pa.
"May masakit pa ba sa'yo?" tanong ni Ethan, nag-aalala.
Umiling si Jemimah. "W-wala na." Humakbang siya palapit sa asawa, hinawakan ang mga kamay nito. "A-ayos ka lang ba, Ethan? K-kanina pang parang malalim ang iniisip mo."
Nag-igtingan ang mga panga nito. "I'll never be fine when you're hurt, Jemimah."
Nangilid na ang mga luha ni Jemimah. Hindi niya gustong makitang nagkakaganito ang asawa. "I... I'm fine now, Ethan. W-wala namang malalang nangyari sa akin."
May sumiklab na galit sa mga mata ni Ethan na ikinagulat niya. There was something different in him now. The coldness of his blue eyes was back. Ganitong-ganito ito noong unang beses na makilala niya.
"Pagbabayarin ko ang gumawa nito sa'yo, Jemimah," mariing sabi ni Ethan. "I won't let him get away with this."
Binitawan ni Jemimah ang mga kamay ng asawa. She could see the monster in him at that very moment. Ganito ang nakikita niya noon sa mga kriminal na nahuli nila, ang mga naghihiganti dahil sa ginawang kasamaan sa kanila noon.
No. Ipinangako ni Jemimah na hindi niya hahayaang mapatulad si Ethan sa mga halimaw na iyon. Hindi puwede. "E-Ethan... a-aalalahanin ko ang itsura ng delivery boy na 'yon para... para mahanap natin kung sino ang—"
"Ginawa lang ng delivery boy na 'yon ang trabaho niya. Hindi niya alam na may halong ketamine ang mga bulaklak na kapag nalanghap ng kahit sino ay mawawalan ng malay," ani Ethan. "Nakausap ko na siya. Sinubukan ko na, Jemimah. Hindi ko gustong mag-aksaya ng oras sa mga taong ginamit lamang. Kailangan kong hanapin ang pasimuno ng lahat ng ito."
Iniyuko ni Jemimah ang ulo. "S-si Ash ba... a-ang gumawa nito?" tanong niya.
"Don't mind yourself with this, Jemimah," malamig na wika ni Ethan. "It's my responsibility to protect you."
"Ethan... we'll protect each other together, right?" paalala niya dito, umiiyak na. "H-huwag mo namang—"
Napatigil na sa pagsasalita si Jemimah nang yakapin siya ng mahigpit ni Ethan. "I love you," bulong nito. "And I'll protect you."
Ginantihan niya ang yakap ng asawa. "I love you too, Ethan. Alam mo 'yon. At hinding-hindi 'yon magbabago." Bahagya siyang lumayo dito, ikinulong ang guwapong mukha sa dalawang kamay. "Huwag ka nang mag-alala, okay? I'll be more careful now. I will keep on living. For you."
Hinaplos ni Ethan ang pisngi niya. Pero hindi mabasa ni Jemimah kung ano'ng emosyo ang nasa asul na mga mata nito. "I'll hold on to that promise, Jemimah. You need to keep on living no matter what."
Hindi na nakasagot si Jemimah nang lumayo na si Ethan. May kinuha itong isang brown envelope sa mesita.
"Umalis ako kahapon dahil may pina-check ako," anito. Inilapag nito sa mesita ang ilang mga larawan.
Pinakatitigan ni Jemimah ang mga pictures na naroroon. Ang nasa kaliwang parte ay ang mga pictures na ipinadala noon ni Ash kay Leo Parfan – mga larawan ng anak nitong si Rick Parfan na nakalagay sa trunk ng kotse, nakagapos ang mga kamay at paa, walang malay. Ang mga pictures naman sa kanang parte ay ang mga pictures na hiningi noon ni Ethan kay Danny Abellana – mga larawan na kinunan ni Danny sa crime scene noong sumabog ang isang sasakyan sa Supreme Court.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood
Mistério / SuspenseCops, government officials and businessmen were being killed. Kasabay ng matinding pag-iingat, kailangan ding kumilos ng mabilis ng team ni Jemimah para mahuli ang killer na tila may galit sa gobyerno at sa mga nasa awtoridad. Bomb threats everywhe...