Ash
"HINDI ko na siya ma-kontak," wika ni Rain, ibinaba ang cell phone na hawak. Tinutukoy nito si Adrian Baltazar na siyang inuutusan nila para bumili ng mga components ng gagawing bomba sa black market. "Sa tingin mo ba nahuli na siya ng mga pulis?"
"Siguro." Ngumiti si Ash. This was getting interesting. Hindi niya akalain na magkakaroon ng butas ang kanyang mga ginawa. Masyado niyang minaliit ang mga nagtatrabaho sa SCIU.
"Ano nang plano mo? Saan ka bibili ng components para sa mga bombang gagawin mo pa?"
Inabot ni Ash ang pisngi ni Rain at hinaplos iyon. "Don't worry, babe. I have a plan B. May ipapagawa rin ako sa'yo."
Tumango si Rain. "Kailangan mo ba uli ng mauutusan? Tatawagan ko ang grupo ko para—"
"No, hindi ko na gustong mag-utos ng iba at mag-iwan ng mga butas. Hindi puwedeng malaman ng mga awtoridad na unti-unti uling nabubuo ang grupo niyo."
Umismid si Rain. "Mabuti nga ang malaman nila na bumabangon uli ang Voice of the People. Katatakutan na uli kami ng gobyerno."
"Not yet, babe." Ikinulong ni Ash ang mukha ng nobya sa magkabilang kamay. "Kapag nalaman ng mga nasa awtoridad na nagsisimula uli kayo, hahanapin nila kayo. Hindi ka pa puwedeng mawala sa akin. I need you. I love you."
Kumislap ang mga mata ni Rain, tumango. "I love you too, Ash. Tapusin na natin 'to, okay?"
Tumango rin siya at mariing hinagkan sa mga labi ang nobya. Pagkatapos ay tumayo na siya at dinala ang isang backpack na kinalalagyan ng bombang kagagawa lamang.
"Makikipaglaro na ako sa mga bago kong alaga," excited na wika ni Ash. "Hinihintay na nila ako."
Inihatid siya ni Rain hanggang sa labas ng apartment nito. Ash drove off towards an abandoned warehouse in Pasig City. Ipinarada niya ang sasakyan sa labas niyon.
Binuksan ni Ash ang pinto ng warehouse at lumapit sa isang lalaking nasa sahig. Naka-kadena ang mga paa nito sa isang poste, nakagapos ang mga kamay at may duct tape sa bibig.
"Nagutom ka ba?" Itinaas ni Ash ang dalang burgers na binili sa McDonald's. "Kahapon ka pa hindi kumakain, 'di ba?"
Nagpumiglas si Felix Cruz sa pagkakatali, nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sa kanya. Hindi naging mahirap ang dukutin ang lalaking ito. Pinag-aralan niyang mabuti ang schedule ni Felix. Tuwing Miyerkules ng gabi ay nagpupunta ito sa Blaze Power Club at tanging ang driver lamang ang kasama.
Doon siya kumilos. Hindi mahirap na paalisin ang driver ni Felix. Nagbayad lang siya ng isang prostitute para landiin ito at ilayo sa lugar na iyon ilang oras bago lumabas ng club si Felix.
Nang makaalis ang driver ay si Ash na ang pumalit sa sasakyan. Ni hindi napansin ni Felix na siya na ang nagmamaneho ng sasakyan nito dahil sa pagkalasing. And now here he was, chained like a helpless fool.
"Gusto mo bang kumain?" tanong ni Ash kay Felix, tinanggal ang duct tape sa bibig nito.
Sunod-sunod ang murang ibinato ni Felix sa kanya. Tinawanan lang naman ito ni Ash. Naupo siya sa tapat nito at sinimulang kainin ang burgers na dala. Inubos niya iyon nang hindi binibigyan ang lalaking halatang gutom na gutom na.
"P-parang awa mo na... p-pakawalan mo na ako..." pagmamakaawa ni Felix, nanghihina. "A-ano bang... ano bang kailangan mo? Ang lupa? Gagawin ko ang lahat para maibigay iyon sa'yo kahit—"
"Enough," putol ni Ash dito. "Ang ingay mo pa rin."
"Hayup ka! Wala kang—" Hindi na naituloy ni Felix ang sinasabi nang ilabas niya ang baril mula sa likod ng pantalon.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood
Mystery / ThrillerCops, government officials and businessmen were being killed. Kasabay ng matinding pag-iingat, kailangan ding kumilos ng mabilis ng team ni Jemimah para mahuli ang killer na tila may galit sa gobyerno at sa mga nasa awtoridad. Bomb threats everywhe...