Chapter 32

1.3K 43 3
                                    

Jemimah Remington-Maxwell

HINDI maalis-alis ang galit sa puso ni Jemimah habang pinagmamasdan ang crime scene. Lumuhod siya sa lupa, katapat ng isang puting kumot na nakataklob sa katawan ng bangkay ni Mary Grace Cruz. Natagpuan ang sunog na bangkay ng kawawang bata sa may pinto ng bahay, may bisikleta pa sa tabi na nagkawatak-watak na rin.

Pinigilan ni Jemimah ang mapahikbi. It was just too painful. Paanong nagawa ni Ash na idamay ang isang kawawang bata? Napakawalang puso nito!

Napalingon siya sa likod nang maramdaman ang isang kamay sa balikat. Nakita niya ang asawang si Ethan, may kalungkutan din sa mga mata nito.

Tumayo si Jemimah at niyakap ang asawa. "This... is too much," garalgal na wika niya.

Hinaplos-haplos ni Ethan ang kanyang buhok. "We should go find some evidences. Hindi puwedeng makatakas lang si Ash matapos ang lahat ng ito."

Tumango siya at lumayo na sa asawa. Lahat sila ay naging abala na sa pag-iimbestiga ng crime scene. Tatlong katawan ang nakita.

Lumapit sa kanya ang isang pulis na rumesponde sa crime scene kanina. "Tiningnan po namin ang mga CCTV footage ng buong subdivision. It was hacked twenty minutes after the bombing. Nabura po ang footage ngayong araw."

Hindi na nagulat si Jemimah. Maingat si Ash. At tila madali lang para dito ang mang-hack ng CCTV footage o servers ng iba't ibang lugar.

"Ininteroga din po namin ang mga guards kanina. Hindi na nila napansin ang mga lumalabas na sasakyan dahil nga sa pagkakagulo ng mga tao. Some residents were trying to leave this place as soon as possible."

Nagpasalamat si Jemimah sa pulis na kausap at nagdesisyong maghanap ng ebidensya. Dahil mayroon nang mga nag-iimbestiga sa loob ng bahay kaya naisipan niyang lumabas.

Ilang metro pa lang na nakakalayo si Jemimah nang makita niya ang upos ng sigarilyo sa lupa. Malapit din lang doon ay mga tire tracks na para bang ang nakaparadang sasakyan dito ay nagmamadaling umalis.

Tumayo si Jemimah doon at tumingin sa harapan. Tanaw mula doon ang bahay ng mga Cruz. The killer's car must be parked here as he watched the explosion.

Kinuhanan muna niya ng larawan ang parteng iyon bago inilagay sa sampling bag ang isang upos ng sigarilyo. She took pictures of the tire tracks. Baka sakaling malaman ng forensics kung ano'ng klaseng sasakyan ang gamit ng killer.

Nalipat ang tingin ni Jemimah sa hindi kalayuang poste at nakita ang kulay asul na paint particles doon. Hinaplos niya iyon. Siguradong galing ang paint particles sa isang sasakyan. Nabangga siguro ang sasakyan sa posteng ito.

Inilagay niya rin sa sampling bag ang mga nakuhang paint particles. Sandali pa siyang nagtingin-tingin sa paligid bago bumalik sa crime scene. Inutusan pa ni Jemimah ang isang pulis na lagyan ng police tape ang parteng pinuntahan niya kanina.

Humugot siya ng malalim na hininga habang pinagmamasdan ang paligid. Naaalala pa ni Jemimah nang makapasok sa malaking bahay ng mga Cruz ilang araw lang ang nakalipas. But now everything had turned into ashes.

Humakbang si Jemimah patungo sa kinaroroonan nina Ethan at Douglas. Nitong nakaraang mga araw ay naiilang pa siyang pakitunguhan si Douglas dahil sa nalaman sa pagkatao nito. Pero miyembro pa rin ito ng team niya at alam na hindi naman ginusto ng lalaki na magpanggap.

"May mga nakita kaming interesting evidences," sabi ni Douglas sa kanya. Itinaas nito ang mga hawak na sampling bag.

Pinakatitigan ni Jemimah ang dalawang sampling bag - ang isa ay naglalaman ng pocket knife na sunog na. Hindi niya lang matukoy kung ano ang laman ng isa pang sampling bag. Pabilog iyon pero hindi perpekto ang hugis.

[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon