Chapter 41

1.3K 48 5
                                    

Jemimah Remington-Maxwell

"NA-ANALYZE na ng SCIU ang CCTV ng Grand Casa Hotel sa Makati kung saan sinabi ni Adrian Baltazar na doon siya nakikipagkita para ibigay ang mga pinamiling components ng bomba sa black market," panimula ni Jemimah. Nagre-regroup ang team nila sa opisina ng SCIU. Sumulyap siya sa kinauupuan ni Mitchel, kanina pa itong seryoso lang at hindi nagsasalita.

Hindi alam ni Jemimah kung ano ang nangyari nang iwan nila ang lalaki sa apartment ni Theia kagabi. Hindi rin naman ito nagkukuwento.

"May nakita ba sa parking area?" tanong ni Paul.

Ibinalik na ni Jemimah ang atensyon sa pagrereport. "Totoo nga ang sinabi ni Adrian Baltazar na doon sila nagkikita ng pinagbibigyan niya ng bomb components. Dalawang beses iyong nangyari. Adrian's face was caught on the parking's CCTV." Inilapag niya sa mesa ang mga larawan. "There was also a pick-up truck na may plate number na VC 2869. Pero ni minsan ay hindi bumaba ang driver ng truck. Inilagay lang ni Adrian sa likod ang mga kahon. The driver's face was not caught on camera."

"Puwede bang ipahanap ang sasakyang ginamit?" tanong naman ni Douglas.

"It was not registered," sagot ni Ethan. "Malamang ay pinalitan lamang ang plate number niyon."

Sandaling nag-alangan si Jemimah bago nagpatuloy. "Pero... hiningi rin namin ang CCTV footage sa loob ng hotel para magbaka-sakaling may makitang makatutulong na impormasyon. And we found this."

Lahat ng mga kasamahan sa team ay tinignan ang larawang inilagay niya sa table. It was a photo of Theia entering the hotel. Sinabi niya sa mga kasama ang date at oras na nasa CCTV footage. "That's twenty minutes before makita si Adrian sa parking ng hotel. Pumasok siya sa loob ng isang hotel room at lumabas matapos ang labin-limang minuto. Wala na namang nakuha sa CCTV na ibang lumabas ng kuwarto."

"Hindi ibig sabihin nito ay may kinalaman na siya sa lahat ng ito," narinig nilang wika ni Mitchel, may mahihimigang inis sa tono. "This is just a coincidence."

"That's too much of a coincidence," ani Douglas. "Ano'ng gagawin niya sa loob ng isang hotel room sa loob ng fifteen minutes? Eksaktong oras na nahuli naman sa CCTV footage si Adrian Baltazar sa parking."

Tiningnan ni Mitchel si Douglas, umismid. "So pinaghihinalaan niyo si Theia? Dahil diyan? Dahil lang Red ang codename na nakalagay sa hacking? She's one of the best hackers. Bakit hindi niya nagawang i-hack ang CCTV footage na 'yan kung may itinatago siya?"

May punto si Mitchel. Iyon din ang naiisip ni Jemimah nang makita iyon. Hindi pa rin siya naniniwala na may kinalaman si Theia sa mga nangyayaring insidente ngayon. But they needed to investigate thoroughly. Wala dapat maiwan na kahit anong butas.

"Para makasigurado, bakit hindi na lang natin tanungin si Adrian Baltazar kung may naaalala siya sa babaeng kinatagpo noon?" suhestiyon ni Paul. "Nakakulong pa rin naman siya dito sa headquarters, 'di ba?"

Pumayag na rin si Jemimah. Pagkarating nila sa interrogation room na kinaroroonan ni Adrian Baltazar ay siya lang ang humarap dito.

"Mr. Baltazar, hindi mo ba talaga maalala ang mukha ng babaeng kinatagpo mo noon sa Grand Casa Hotel para ibigay ang mga bomb components na binili mo?" direktang tanong ni Jemimah.

Bumuntong-hininga si Adrian. "Sinabi ko na nga, 'di ba? Nakasuot siya ng face mask. Hindi rin naman siya tumitingin sa akin kapag nakikipag-usap, nasa loob lang ng sasakyan. May suot din siyang sunglasses."

"Any features that you can remember," pamimilit ni Jemimah. "Kahit ano."

Ilang sandaling nag-isip si Adrian. Tumingin ito sa kanya nang tila may maalala. "Oh, ang buhok niya. Kulay pula ang buhok niya."

[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon