Jemimah Remington-Maxwell
"THERE are seventeen set of bones found," imporma ni Jemimah sa team. "Sa ngayon ay nasa forensics pa ang mga remains para alamin ang identity ng mga iyon. It could take a while but let's hope that they'll find something."
"Seventeen?" Hindi makapaniwalang ulit ni Paul. "It's a hidden mass murder grave, right? Iyon ang dahilan ng paghihiganti ni Ash. Siguradong may kinalaman doon ang mga pinatay niya... ang mga may-ari ng lupa."
Iyon din ang naisip ni Jemimah. Pero hindi sila makakapagbintang nang walang matibay na ebidensya o statement.
"How about Albert Gaces? Hindi ba natin siya puwedeng makausap?" tanong naman ni Mitchel.
"He's not accepting interviews or interrogations," sagot niya. "Kailangan nating kumuha ng subpoena para mapapunta siya sa headquarters. Nakausap ko na si Director Morales tungkol doon."
"Theia," ani Ethan, nakatingin sa babae. "Sinabi mong may importante kang nakita sa USB flashdrive na ibinigay namin sa'yo."
Tumango si Theia. "Ang flashdrive na iyon nga ang kinalagyan ng virus na once ma-install sa isang computer, maipapasok na ang codes na puwedeng gamitin para ma-hack ang isang server. Masasabi ko na ganito ang ginawa nila dahil hindi nila kayang i-hack ang SCIU server without getting inside first." Umismid ang babae. "Something I can do pero hinding-hindi ko gagawin."
Sinulyapan ni Jemimah si Mitchel. May pagmamalaki sa mukha ng binata habang nakatingin kay Theia. Napansin niya ang pagiging malapit ng dalawa at masaya siya para doon.
"The good news is I found a bug in the virus script," pagpapatuloy ni Theia. "It was not highly encrypted kaya madali kong napasok ang codes. Those codes were familiar to me. I successfully entered the system the hacker uses and I found a location. The signal is still on kaya siguradong ginagamit pa rin nila ang lugar na iyon."
Kinuha ni Jemimah ang inabot na isang papel ni Theia kung saan nakasulat ang address na nakuha. It was in Parañaque City.
"Sinabi mo na pamilyar sa'yo ang codes na ginamit ng hacker," ani Ethan. "Bakit?"
Yumuko si Theia. "I saw it before. Kilala ko kung sino ang gumagamit ng ganoong codes. Kasamahan ko siya noon sa VOTP. Ako ang nagturo sa kanya."
Gulat na napatingin si Jemimah sa babae. "Sino, Theia?" Malakas ang pakiramdam niya na kapag nakilala nila kung sino ang hacker na ito, mapapadali na rin ang paghahanap nila kay Ash.
"She was the same age as me," ani Theia, may lungkot na sa tinig. "Mahusay siya sa computer programming kahit alam kong hindi naman iyon ang focus ng pag-aaral niya. Mabilis siyang matuto. Her name is Cyrille... Cyrille Gabo. Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon. Pero alam ko na nahuli rin siya noon sa raid."
"Cyrille?" ulit ni Jemimah. Tumingin siya kay Ethan. "Ang nanny ng kapatid ni Danny Abellana?" Hindi nila alam kung ano ang apelyido ni Cyrille na ipinakilala sa kanila ni Danny. "I'll look her up."
"Hindi na kailangan," pigil ni Theia. "Ginawa ko na 'yan." Inabot nito sa kanila ang isang papel na naglalaman ng profile ni Cyrille Gabo.
Pinakatitigan ni Jemimah ang picture ng babae. Bata pa ito doon pero hindi siya magkakamali na iisa ito at ang Cyrille na ipinakilala sa kanila ni Danny. Hindi niya lubos maisip na ang babaeng iyon ay isang dating miyembro ng VOTP at ang hacker na hinahanap nila.
Kung sakali nga na si Cyrille ang hacker na katulong ni Ash, ibig sabihin ay malapit lang dito si Ash. At bakit nagtatrabaho ito bilang nanny ng anak ni Albert Gaces? Hindi ba at isa si Albert sa mga target ni Ash? Who was Ash, then? Was it really Albert Gaces? Or someone else.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood
Misteri / ThrillerCops, government officials and businessmen were being killed. Kasabay ng matinding pag-iingat, kailangan ding kumilos ng mabilis ng team ni Jemimah para mahuli ang killer na tila may galit sa gobyerno at sa mga nasa awtoridad. Bomb threats everywhe...