Douglas Ilagan
PABALIBAG na isinara ni Douglas ang pinto ng kanyang apartment. Damn it. Sinasabi niya na nga ba na hindi magtatagal ay may mapapansin na ng mga kasamahan sa team na may itinatago siya. Mitchel Ramos was one of the best profilers in this country. Madali lang para dito ang malaman kung may pilit itinatago ang isang tao. Pinag-aralan ng lalaki ang propesyon nito sa loob ng mahabang panahon. Imposibleng malinlang niya ito habang-buhay.
Napatigil si Douglas sa tangkang paghuhubad ng police uniform na suot nang makita ang girlfriend na si Karine Santos, nakatayo at nakasandal sa dingding.
"Karine... h-hindi ko alam na nandito ka pala," aniya, humakbang palapit sa nobya.
"You gave me duplicate of your keys." Karine crossed her arms. "What happened? Mukhang masama ang mood mo, ah?"
Ngumiti si Douglas, hinaplos ang nagtatampong mukha ni Karine. "It's nothing. Pagod lang ako, ang daming lugar naming pinuntahan ngayon."
"Mali ba ang timing ko?"
Inabot niya ang nobya at niyakap ito ng mahigpit. "No. I'm glad you're here. Ilang araw din kitang hindi nakita."
Ginantihan ni Karine ang yakap niya, malambing. "I've missed you. Naging busy din ako sa trabaho, ngayon lang ako nagka-off."
Pinakatitigan ni Douglas ang nobya sa loob ng mahabang sandali. He should stop lying and pretending. Darating din ang araw na malalaman ng mga tao ang tunay na pagkatao niya. Bakit hindi niya na lang tigilan ang pagpapanggap? Pagod na pagod na rin siyang maging magalang at masunurin.
Pinaglandas ni Karine ang mga kamay sa kanyang dibdib. "Are you really tired? Gusto mo bang i-massage kita?" malambing na tanong nito.
Naalala niya nang makita si Karine sa unang pagkakataon noong nagte-training siya sa Philippine National Police kahit hindi naman seryoso ang training na iyon para sa kanya. She was still in college that time and she was so beautiful. Hanggang ngayon naman ay napakaganda pa rin nito sa paningin niya.
Hindi na gustong ipagpatuloy ni Douglas ang pagpapanggap. Magagawa niya naman ang misyon para kay Chairman Tony Gonzalvo kahit hindi na nagpapanggap.
Ikinulong ni Douglas ang mukha ni Karine sa magkabilang kamay. "May gusto akong ipagtapat sa'yo, Karine." Ginagawa niya ito dahil pagod na pagod nang magsinungaling. At mahal na mahal niya ang babaeng ito para ipagpatuloy pa ang pagpapanggap.
Kumunot ang noo ng nobya, may bumahid na takot sa mga mata. "A-ano 'yon?"
Tumikhim muna si Douglas bago nagpatuloy. "About myself."
Iniiwas ni Karine ang tingin, nangilid na ang mga luha. "W-why are you scaring me, Douglas? H-huwag mo sabihing... may... may iba kang girlfriend... o may pamilya ka na?"
Mahinang tumawa si Douglas. May pagka-childish pa rin talaga ang nobya, kahit sa pag-iisip at paglabas ng emosyon. Normal lang naman iyon. Karine was only twenty-three. "Hindi."
"Then what?" Tumingin na sa kanya si Karine. "Ano'ng kailangan kong malaman tungkol sa'yo?"
Humugot muna ng malalim na hininga si Douglas. "Gusto kong magpakilala uli sa'yo. Pero bago 'yon, gusto kong malaman mo na nagpanggap lang ako dahil sa isang misyon na inutos sa akin. Hindi ko na sasabihin kung sino ang nag-utos, at kung ano'ng misyon. I don't want to endanger you."
Hindi nagsalita si Karine, nakatitig lang sa kanya na tila hindi pa rin maintindihan ang lahat.
"I'm Douglas Ilagan. Ipinanganak ako dito sa Pilipinas pero matagal nang ulila sa magulang. I am not twenty-seven years old like what's written on my birth certificate and other id's. I am turning thirty-one this year, Karine."
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood
Mystery / ThrillerCops, government officials and businessmen were being killed. Kasabay ng matinding pag-iingat, kailangan ding kumilos ng mabilis ng team ni Jemimah para mahuli ang killer na tila may galit sa gobyerno at sa mga nasa awtoridad. Bomb threats everywhe...