Prologue

18.2K 455 24
                                    

4 years ago ng mamatay ang parents ko sa car accident, at nag iisa lang akong anak kaya wala akong naging sandalan kundi ang sarili ko lang.

Dahil don ay naging working student ako para makapagtapos ng pag aaral. Naalala ko nung panahong kailangang kailangan ko ng pera at pumasok sa isip kong ibenta ang bahay pero paano ko yun magagawa kung bawat sulok ng bahay ay masasayang ala ala ang aking nakikita?

Naalala ko ng minsang napaaga ang uwi ko galing school at narinig ang pinag uusapan ng magulang ko.

"Kailangang malaman ni Bella ang totoo" narinig kong banggit ni mommy

"Malalaman nya rin ang lahat" maikling sabi ni daddy.

Hanggang sa araw na namatay sila ay hindi ko na nagawang malaman pa.

Iwinaglit ko ang mga iniisip at dumiretso sa kwarto nila, miss na miss ko na sila, kung sana ay narito sila upang masuklian ko lahat ng sakripisyo nila para sa akin.

Pagpasok ko sa kanilang kwarto ay bumungad sa akin ang pamilyar na itsura nito.

Umupo ako sa malambot na kama at inilibot ang paningin sa paligid. Napansin kong may aparador na mukhang luma na pero mababakas pa rin ang ganda nito.

Para bang may nagtutulak sa akin na buksan at tingnan kung ano ang nasa loob nito.

Pagbukas ko ay bumungad sa akin matinding liwanag.

Dahil sa pagkasilaw ay tinakpan ko ang mga mata ko, ngunit hindi ko inakalang sa pagbukas ng mata ko ay...

nasa mundo na ako ng mga bampira.

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon