Chapter 1

15.4K 371 4
                                    

Isabella

Nagising ako sa isang lumang silid at napatingin sa paligid, hindi ito pamilyar.

"N-nasaan ako?" Binalot ng kaba ang sistema ko.

"Gising ka na pala" wika ng isang matandang babae, at lumapit sa akin.

"Ano ang iyong pangalan magandang binibini?" Tinitigan ko ang itsura nya na nag aantay sa magiging sagot ko.

"I-Isabella, pero Bella nalang po. Sino po kayo? Nasaan po ako? Ano pong ginagawa ko sa lugar na it-" hindi ko naituloy ang sasabihin ng magsalita ang matanda.

"Dahan dahan Bella" kalmado ang pagkakabanggit nya nito bago huminga ng malalim at umupo sa tabi ng kama na hinihigaan ko.

"Tawagin mo nalang akong lola Feli. Nandito ka sa mundo ng mga bampira dahil nandito ang iyong misyon, at ako ang gagabay sa iyo."

Mundo ng bampira? Kalokohan.

"M-mundo ng bampira? Ibig po ba ninyong sabihin ay b-bampira rin kayo???" Anong klaseng tanong yan Bella, malamang!

"Oo pero gaya ng sinabi ko, narito ako upang gabayan ka, at hindi ang patayin ka" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni lola Feli.

Andaming tanong sa isipan ko pero ni isa ay wala ng lumabas sa bibig ko, tanging pagtitig lang ang kaya ko.

Napaupo ako at mariing tinitigan si lola Feli, seryoso sya. Mas lalong sumasakit ang ulo ko.

"Alam kong nabibigla ka sa mga oras na ito Bella. Nitong mga nagdaang linggo ay nadadalas ang pananaginip ko sa pagdating ng magandang babaeng magmumula sa mundo ng mga tao. Kaya ka nandito ay may mahalaga kang papel na gagampanan sa mundong ito." Mahabang sabi nito. Mas lalo akong naguluhan.

"Mahalagang papel na gagampanan?" Hindi maiwasang mapa kunot noo ako sa mga sinasabi ni lola Feli.

"Kahit ako ay hindi ko alam. Ngunit gagawin ko ang aking makakaya upang protektahan ka, dahil darating ang takdang panahon, kakailanganin mong gawin ang misyon mo."

"Ipapaalala ko lang sayo na kapag nalaman nilang isa kang tao ay papatayin ka. Ito ay nakasulat sa Vampire Law kaya hindi dapat nila malaman ang totoo mong pagkatao."

Nawalan ako ng imik sa sinabi ni lola.
Ipapapatay ako pag nalaman nilang tao ako? Pero paano ko naman itatago ang totoo kong pagkatao?

"Wag ka mag alala. Ang suot mong singsing ang magkukubli sa iyong totoong pagkatao" singsing?

Napatingin ako sa kanang kamay ko at may nakalagay ngang singsing.

Napakasimple ngunit napakaganda.

"Ngunit tatandaan mong hindi ka dapat masugat, dahil sa oras na maamoy ang iyong dugo ang syang ikapapahamak mo"

"Paano po pag hindi ko ginawa ang misyon na sinasabi ninyo at paano po ako makakabalik sa mundo ko?" Kahit wala akong babalikan sa mundo ko ay may mga pangarap pa rin akong kailangang tuparin para sa sarili ko.

"Sa ayaw mo man o gusto, ito pa rin ay magaganap, dahil ito ay nakasulat sa propesiya at hindi ko alam kung paano ka makakabalik" sumisikip ang dibdib ko sa narinig, at mukhang kailangan kong gawin ang misyon ko sa mundong ito.

"Magpahinga ka na muna Bella. Marami ka pang kailangang malaman tungkol sa mundo na ito at kailangan mo rin ng lakas para harapin ito"

"Wag kang mag alala, hindi kita pababayaan" tumango ako at nahigang muli. Marami pa akong pagdadaanan sa mundong ito.

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon