Chapter 45

5.7K 189 3
                                    

Alexus

"You exactly know what you need to do little bro." Ani Alexander.

Nanatili akong tahimik. Alam ko ang tinutukoy niya.

"Baka hindi pa siya handa Alexander, at isa pa ay kakaalam niya lang na siya ang nawawalang prinsesa baka mabigla siya kung magpapadalos dalos tayo ng desisyon." Ani Amelie.

Alam na rin namin ang totoong pagkatao ni Bella.

"Seriously? Wala na tayong panahon. You see, kumikilos na ang limang emperyo, sigurado akong bukas o mamaya ay may mga kawal ng pupunta rito sa palasyo para kunin si Bella." Sambit ni Agatha.

"Mamamatay muna ako bago nila makuha si Bella." Sagot ko na ikinatahimik nila.

"Ngayon ay lalaban na tayo. Sigurado akong hindi papayag ang Magno Imperial na mawalan sila ng prinsesa." Ani Gabriel.

Matapos ang Masquerade Ball sa Quinoa at mawala si Bella ay halos mabaliw ako kakahanap sa kaniya ni hindi ko namalayang naiuwi na ako nila Gabriel at Amelie sa Magno.

Pagkarating namin ay agad kong ibinalita sa kanila ang nangyari. Oo at alam kong mahigpit na bilin sa amin ang huwag gagawa ng bagay na ikapapahamak namin at inasahan ko na ang galit ni ama ngunit nabigla ako ng sinabi niyang "Wala kang dapat ikahingi ng tawad. Gayunpaman ay pinagmamalaki kita Anak."

At sinabi rin nilang tutulong sila sa paghahanap kay Bella.

Matapos non ay nagkaroon ng vision si Amelie, sinabi niyang "Nasa panganib si Bella at may magbabalik."

Kaya't agad akong nagtungo sa Imperial gaya ng sinabing lugar ni Amelie at tinungo ang talon kung nasaan si Bella.

Ngayon siya ay nasa aking silid. Maayos na ang kaniyang kalagayan at hinihintay nalang namin siyang magising.

Nagpunta ako dito sa Balkonahe ng palasyo para sana magpahangin at makapag isip ng maayos ngunit hindi ko namalayang sumunod pala ang mga kapatid ko sa akin.

"Mamayang gabi ay kabilugan ng buwan. Magandang pagkakataon ito upang gawin ang ritual." Ani Agatha.

Tuwing sumasapit ang kabilugan ng buwan ay mas tumitindi ang pagkauhaw namin sa dugo at bukod doon ay mas lumalakas ang aming kapangyarihan.

"Hindi ko pa maaaring gawin iyon Agatha. Isang kalapastanganang gawin ko iyon ng hindi ipinapaalam kay Haring Augustus at Reyna Eliza." Sagot ko.

Bahagyang umawang ang bibig nila sa naging sagot ko.

"Seriously Little bro, didn't you do it with Bella?" Ako naman ngayon ang napakunot noo.

"You shut up Alexander."

"Pero totoo nga Alexus? Ni minsan ba ay wala pang nangyayari sa inyo ni Bella?" Tumingin sila sa akin tila naiinip na naghihintay ng sagot.

"Wala" maikling sagot ko. Tuluyang umawang ang bibig nila.

"Hindi ko inakalang kinaya mong hindi gawin iyon Alexus. Sa pagkakakilala ko sayo ay papalit palit ang babaeng kasama mo araw araw, ngunit ng dumating si Bella ay wala na rin ang mga babaeng lumalapit sayo. Akala namin ay matagal niyo ng ginagawa ang bagay na iyon." Hindi makapaniwalang sagot ni Gabriel.

"Sa palagay ko ay kailangan mo ng sabihin ito kay Bella, dahil ang ritual na iyon ay maaaring siya ring maging dahilan para lumabas ng tuluyan ang kapangyarihan niya." Sambit ni Amelie.

Isang buntong hininga ang naging sagot ko.

"Pag isipan mong mabuti kapatid." Ani Agatha at isa isa silang nagsi alisan. Matapos ang ilang minuto ay napagpasyahan kong bumalik na sa aking silid.

Tama sila. Kailangan kong subukan.
__________

Isabella

Nagising ako sa isang pamilyar na kwarto. Mula sa mga gamit at disenyo nito na wala pa ring pinagbago.

Matagal na rin mula ng huli akong tumapak dito.

Agad hinanap ng mata ko si Alexus at nakita ko siyang nakatanaw sa balkonahe ng kwartong ito.

Mukhang malalim ang kaniyang iniisip.

Pupuntahan ko na sana siya ng agad siyang lumingon sa akin at sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya.

"Bella... gising ka na, kumusta ang kalagayan mo? May masakit b-"

Kahit medyo nahihilo pa ako ay agad akong bumangon at iniyakap ang sarili sa kaniya. Natigilan siya sa ginawa ko ngunit kalaunan ay yumakap rin pabalik.

"Alexus" sumilay ang ngiti sa aking labi. Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko na siya ulit.

"Bella, akala ko ay mawawala ka na sa akin." Ramdam ko ang lungkot sa boses niya.

Nang humiwalay siya ay nakita kong bumukas sumara ang bibig niya na para bang may nais sabihin. Sa huli ay pinili niyang manahimik.

"Ano yon Alexus?"

Alam kong may mahalaga siyang sasabihin sa akin.

"Ha?"sagot niya.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at tumitig ng diretso sa mga mata niya.

"Alam kong may sasabihin ka... ano iyon?" Napaiwas siya ng tingin sa akin.

"W-Wala naman." Sagot niya.

"Pakiusap Alexus"

Muli siyang tumingin sa akin at napabuntong hininga.

"Alam kong naguguluhan ka pa tungkol sa pagkatao mo ngunit nais kong sabihin na... M-Maaaring ang ritual ang sagot para tuluyang lumabas ang pagiging bampira mo."

Nawalan ako ng imik sa sagot niya.

Biglang naalala ko ang ritual na minsan na naming pinaghandaan noon na hindi na natuloy dahil naglayas ako.

"P-Pasyensya na... alam kong hindi ito ang tamang oras para sabihin ito sayo dahil alam kong nanghihina ka pa ngunit pakiramdam ko ay nawawalan na ako ng oras. Hindi natin alam kung kailan kikilos ang limang emperyo para makuha ka ngunit alam kong kailangang magising ang pagiging bampira mo, sa ganitong paraan ay hindi ka nila maaaring patayin." Pagpapaliwanag niya.

Bumakas ang sakit at lungkot sa mukha niya ng  wala pa rin akong imik sa mga sinabi niya.

Ako naman ngayon ang bumukas sumara ang bibig ngunit walang salitang lumabas mula rito.

Humakbang siya paatras na siyang ikinabigla ko.

"Alexus-"

"Sorry Bella, pero ayokong marinig ng personal ang magiging sagot mo, ngunit kung pumapayag ka ay magkita tayo sa lupaing malapit sa sikretong lawa, ngunit kung hindi ka makakapunta ay alam ko na ang naging pasya mo at naiintindihan kita." Saglit siyang humalik sa noo ko at walang sabi sabi siyang umalis.

Ilang minuto ang lumipas saka ako natauhan sa sinabi niya at wala sa sariling napaupo sa kama.

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon