Chapter 7

8.7K 304 19
                                    

Alexus

Pangisi ngisi ako habang sinusundan si Bella na hindi manlang napapansin ang presensya ko. Alam ko na kung saan ang punta nya.

Sa sikretong lawa ng Magno Celestial.

Hindi maitatanggi kung gaano kaganda ang lawa na ito. Kaya't hindi narin ako nagulat ng makita ang pagkamangha sa reaksyon niya.

Maya maya ay nagulat nalang ako ng makitang hinubad na nya ang kanyang kasuotan.

Oh God!

Lahat ng pagpipigil sa katawan ay ginawa ko na wag lang akong lumabas sa tinataguan ko at sunggaban sya.

Mukhang sarap na sarap syang maligo.

Parang ang sarap ngang sumisid... sa katawan nya.

Titig na titig lang ako sa kanya at wala naman sana akong balak magpakita ngunit ibang usapan na ng makaamoy ako ng dugo.

Oh baby girl. You're making it hard for me.

So, I healed her. In my own seductive way.

How come that no one notices her arrival? Even me.

Well then... I just proved my theory.
__________

Isabella

Kinabukasan ay nagulat ako ng madatnan si lola Feli na nandito parin sa villa na tinutuluyan namin. Dapat sa ganitong oras ay nasa palasyo na sya hindi ba?

Kung tutuusin ay pabor ito sa akin. Sa tuwing magigising kasi ako sa umaga ay hindi ko na sya nadadatnan pa. Tuwing gabi lang kami nagkakasama ng matagal.

Lumapit ako sa kanya at yumakap. Binigyan nya ako ng isang matamis na ngiti.

"Alam kong nagtataka ka kung bakit sa mga oras na ito ay nandirito parin ako. Ngunit naaalala mo pa ba ang sinabi ko sayong nalalapit na selebrasyon sa palasyo?" Tumango ako bilang sagot.

"Ngayon ang araw na iyon"

N-Ngayon?! H-hindi maaari!

Pinilit kong ngumiti upang ipakita kay lola Feli na masaya ako.

Sa totoo lang ay matapos ang ginawa sa akin ng prinsipe ay napag desisyunan kong huwag ng dumalo sa selebrasyon na iyon dahil malaki ang posibilidad na magtagpo ang aming landas.

"Nais ko sanang makita kang suot suot ang damit na binili ko para sayo at tiyak na ito ay magugustuhan mo" kitang kita ko ang galak sa reaksyon ni lola Feli.

Labis labis ang saya ni lola Feli. Hindi ko kayang tanggihan sya.

"O-opo lola Feli. S-Sabik na sabik na po akong maisuot ang damit na binili ninyo para sa akin." Pagsisinungaling ko.

Oo sabik akong isuot ang damit na yon, ngunit hindi ang dumalo sa palasyo.

"Ahh lola. Ano nga pala ang inyong susuotin?" Lumawak ang ngiti nya.

"Nakabili na ako kasabay ng pagbili ko sa iyong damit." Mukhang pinaghandaan nga nya ito.

"Mamayang gabi ito magaganap  kaya may oras pa tayo upang makapag handa" hinila nya ako papunta sa kwarto upang magpalit ng damit. Mukhang alam ko na kung saan kami pupunta.
__________

Hindi ko inexpect na sobrang cool palang kasama ni lola Feli.

Nandito kami ngayon sa Parlor at nagpapa ayos. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko.

Ang galiiiinnng. Kahit dito sa mundo ng mga bamipra ay may ganito pala.

"Perfect" sabi ng baklang nag aayos sa akin.

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon