Chapter 49

5.8K 205 26
                                    

Her Truth

Isabella

Biglang pumasok sa ala ala ko ang minsa'y naging panaginip ko. Kung saan natagpuan ko ang sarili sa isang madilim na bulwagan habang naka kadena ang paa't kamay ko.

Kaya ba pamilyar ang boses niya?

Siya ang babaeng iyon?

Ang babaeng galit na galit sa akin sa panaginip ko?

Hindi ko man nakita ang mukha niya sa panaginip kong iyon ngunit hindi ko malilimutan ang boses niya.

Kung gayon ay tama ang hinala ko...

Ang babae sa panaginip ko at ang Dark Witch...ay iisa.

Nakaramdam ako ng sakit na gumuhit mula sa leeg ko dahilan para magmulat ako ng mata.

Nasa gilid ako ng kagubatang sakop ng isang palasyo.

Parang pamilyar ito...

Tuluyan akong nawalan ng lakas ng makilala ko ang lugar kung nasaan ako ngayon.

Quinoa Grendin.

May itim na usok ang siyang kasalukuyang nakagapos sa kamay at paa ko. Sinundan ko ang pinagmumulan ng itim na usok at nakita ang babaeng nakatayo hindi kalayuan sa hinihigaan ko.

Tumaas ang isang sulok ng labi niya ngunit blanko ang mga mata "Hindi ka na muling makikita ng mga magulang mo. Hindi ako papayag."

Nanginginig ako sa kaba ngunit pilit kong tinatagan ang loob ko.

"B-Bakit ba labis ang galit mo sa akin?    S-Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong ginawang masama sa iyo" tanong ko.

"Walang ka ngang ginawang masama sa akin. Ngunit ang mga magulang mo ang mayroon... Namatay siya ng dahil sa inyo!"

"S-Siya???"

"Tutal naman ay mamamatay ka na rin... hayaan mong sabihin ko sa iyo ang dahilan."

"Ang iyong amang si Augustus... Siya ang nag iisang lalaking minahal ko, at ang pag iibigang iyon ay nagbunga ng isang sanggol na babae. Masaya kami sa piling ng isa't isa... ngunit nagbago ang lahat ng makilala ng iyong ama ang itinakda sa kaniya." Mula sa kaniyang mga mata ay nakita ko ang paglandas ng lungkot, sakit, galit, at pangungulila.

"Ang itinakda sa kaniya ay ang matalik kong kaibigan... si Eliza. Sa isang iglap ay nawala ang pagmamahal ni Augustus sa amin ng anak niya at lahat ng atensyon at pagmamahal niya ay nabaling kay Eliza hanggang sa tuluyan na niya kaming kinalimutan at dahil doon ay namatay ang anak ko. Ang pag iibigan nila ay nagbunga ng isang batang lalaki, ang magiging hari balang araw, at ikaw... ang nag iisa nilang prinsesa. Gusto kong maranasan nila kung gaano kasakit mawalan ng anak..." pumatak ang isang butil ng luha sa mata niya at agad niya itong pinunasan.

"Kung ang kamatayan ko ang magpapasaya sa iyo... sa tingin mo ba ay ito din ang magpapasaya sa anak mo?"

Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng lakas para magawa ko pang makapagtanong sa ganitong sitwasyon ngunit isa lang ang alam ko...

May damdamin siya at nasasaktan din, ngunit mas nangingibabaw ang galit at poot sa puso niya.

Sandali siyang napatitig sa akin bago sumagot. "Wala na akong pakialam, dahil ilang minuto nalang ay maaamoy na ng mga kawal ang dugo mo at dadakpin ka na nila." Sambit niya.

Muling nagbalik sa akin ang sitwasyong kinalalagyan ko sa mga oras na ito at agad nagbalik ang kaba sa dibdib ko dahil sa tinuran niya.

Nagawa niyang ngumiti sa akin bago niya ginamit ang kapangyarihan niya upang maglaho.

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon