Chapter 40

5.5K 182 1
                                    

Isabella

Nagising ako ng maramdaman ko ang pagkirot ng leeg ko.

Dahan dahan akong nagmulat ng mata at agad nilukob ng kaba ng makitang pamilyar ang silid na ito.

Ito ang mismong silid kung saan pinatay ni Haring Esperon si Reyna Diana!

Sinubukan kong gumalaw ngunit napagtantong may nakapatong sa akin.

"Gising ka na pala"

"H-Haring...Emerson"

Ngumiti siya sa akin na nagbigay takot sa buong sistema ko. Nakikita ko ang namumula niyang mata na may bahid ng pagnanasa.

"P-Pakawalan mo ako"

Muli kong naramdaman ang pamilyar na sakit sa leeg ko at nakitang nagmumula ito sa hawak na punyal ni Haring Emerson, na ngayon ay gumuguhit sa balat ko.

"Ang dugo mo... Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ganoon nalang kabaliw si ama kay Diana noon." Dinilaan niya ang paligid ng kaniyang labi.

"Gusto mo bang maging reyna ko?" Nanginig ang katawan ko sa narinig.

"P-Pakawalan mo ako...P-Pakiusap" nagmamakaawang sambit ko.

Tinawanan niya ako ng malakas saka umiling iling. Pinasadhan niya ng tingin ang kabuuan ko.

"Napakaganda at napaka amo ng mukha mo" naramdaman ko ang palad niyang sumasayad sa balat ko.

"Mapulang labi" pilit kong iniiwas ang mukha ko sa bawat haplos niya.

"Mala porselanang balat" bumaba ang hawak niya sa leeg ko.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paglapat ng tingin niya sa dibdib ko.

Patuloy na bumaba ang tingin niya sa katawan ko. Kinikilabutan ako sa mga titig niya.

Natigil ang tingin niya sa kamay ko.

Hinawakan niya ito at tinanggal ang singsing mula sa daliri ko at ibinalibag sa kung saan.

Hindi ko ito inasahan kaya't wala akong nagawa upang pigilan ito.

Lumanghap siya sa hangin at napangiti.

"Ito pala ang dahilan kung bakit naitatago mo ang totoo mong pagkatao."

"M-Maawa ka...s-sa akin" patuloy sa panginginig ang katawan ko.

Inilapit niya ang mukha sa akin at bumulong.

"Kahit magmakaawa ka ay hindi kita pakakawalan. Kailangan mong mabuntis upang magkaroon ng prinsipe ang Grendin at siya ang papalit sa akin."

Naalala ko ang sinabi ni Zaira sa akin noon.

Sinabi niyang tanging ang Quinoa Grendin lang sa buong Frealia Aghanym ang hindi binibigyan ng propesiya ng itinakda.

Kinabahan ako ng malala sa sinabi niya, ngunit ayokong mawalan ng pag asa.

"Sigurado akong mahahanap ako ni Alexus." Sambit ko.

Muli siyang natawa sa sinabi ko.

"Yun ay kung mahahanap ka niya. Ginagamit ko ang kapangyarihan ko upang itago ang amoy mo at presensya sa kwartong ito. Hindi siya pwedeng lumikha ng anumang gulo dahil alam niya ang maaaring mangyari" pagtutukoy nito sa digmaan.

"At isa pa..."

Naramdaman kong dinidilaan niya ang dugong lumalabas sa leeg ko.

"Kawawang Alexus. Mukhang ako ang makakauna sayo"  gumapang ang kamay niya sa mga hita ko.

Nagsimulang pumatak ang luha sa mga mata ko, kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan.

Napansin kong natigilan siya sa pag inom sa akin at napatitig sa bintana, ngunit kalaunan ay nagpatuloy sa pag inom.

Bakit?

Bakit kailangang mangyari rin sa akin ang nangyari kay Reyna Diana?

Ito ang dahilan kung bakit niya ipinakita sa akin ang panaginip kong iyon. Gusto niya akong balaan. Ngunit hindi ko naisip na ang nangyari sa kaniya ay nangyayari sa akin ngayon.
Sinubukan kong magpumiglas ngunit mas lalo lang bumibigat ang pagkakadagan ni Haring Emerson sa akin.

Habang tumatagal ay nararamdaman ko ang panghihina ng katawan ko.

"Alexus... tulungan mo ako" Sambit ko sa aking isipan. Nagbabakasakaling maririnig niya ako.

Ngayon ko pinagsisihan na umalis ako mula sa pagkakayakap niya.

Unti unting bumigat ang talukap ng mata ko ngunit hindi nakaligtas sa pandinig ko ang narinig bago tuluyang pumikit ng mga mata ko.

"Bella!"

"Bella! Nasaan ka?"

"Hintayin mo ako hahanapin kita."

Sa mga oras na ito ay alam kong batid na ng lahat ng dumalo sa pagdiriwang ang totoo kong pagkatao. Dahil bago ako nawalan ng malay kanina ay sinugat ako gamit ang kuko.
__________

Alexus

Pakiramdam ko ay mababaliw na ako.

Matapos marinig ang boses ni Bella sa isipan ko ay paulit ulit ko itong naririnig. Wala akong ibang balak gawin ngayon kundi ang hanapin siya.

Dahil narinig ko ang boses niya malamang ay nasa malapit lang siya.

Ngunit saan?

Narinig ko man ang boses niya ay hindi ko naman maramdaman ang presensya niya.

Naghiwa hiwalay kami nila Gabriel at Amelie upang hanapin si Bella.

Pinilit kong ikalma ang sarili at huminga ng malalim. Hindi ko siya magagawang hanapin kung nawawala ako sa sariling katinuan, kaya't kailangan kong huminahon.

Pumikit ako at pinakiramdaman ang paligid. Nakarinig ako ng ibon, nung una ay mangilan ngilan lang ito, ngunit kalaunan ay biglang dumami at pakiramdam ko ay sa iisang direksyon lang ang punta nito.

Pinakinggan ko kung saan ito papunta at napagtantong sa loob ito ng palasyo.

Maaari kayang...

Nanlaki ang mata ko at walang sabi sabing dumiretso sa loob. Nakita kong bukas ang pinto sa loob ng isang silid at doon ako nagpunta.

Pagkarating ko roon, hindi pa man ako nakakapasok ay nakilala na ng pang amoy ko ang dugo na humahalo sa hangin.

Pagpasok ko ay wala akong inabutan sa loob ngunit natigil ang tingin ko sa kama na may mga patak ng dugo.

Bella

Kumuyom ang kamao ko. Sumabog ang pagtitimpi na natitira sa sarili ko.

Power of Conceal

Kung gayon ay ginamit ni Haring Emerson ang kapangyarihan niya para hindi ko maramdaman ang presensya ni Bella.

Naglabas ako ng malaking apoy mula sa kamay ko at sinunog ang buong kwarto.

Alam kong makakarating ang ginawa ko sa lahat ng emperyo ngunit wala na akong pakialam sa maaaring mangyari.

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon