Chapter 29

5.5K 185 16
                                    

Isabella

"Isabel gising!" Nagising ako dahil may marahas na yumuyugyog ng mga balikat ko.

"Gumising ka na" patuloy parin sya sa pagyugyog kaya naman dumilat na ako at naupo. Pansin kong nanlalata ako at ang sakit ng ulo ko.

Tumingin ako sa babaeng nasa harapan ko.

Ano nga ulit ang pangalan nya?

"Bakit Zaira?"

Oo tama, Zaira nga yata yon.

"Zafira" inirapan nya ako.

"Magandang umaga rin Zaira" may pagka sarkastiko kong sabi.

Hindi ko nakakalimutang tinawag nya akong Isabel ng gisingin nya ako kanina, kaya magmula ngayon ay tatawagin ko na siyang Zaira.

Napahawak ako sa ulo ko ng muling maramdaman ang sakit. Agad akong pinuntahan ni Zaira at dinala papasok sa kwarto nya.

Nang makahiga ako ay nawala siya saglit sa harapan ko at pagbalik ay may dala na syang basang twalya at inilagay sa noo ko.

"Nilalagnat ka" maikling banggit nya.
Napataas ang kilay ko. Kaya pala masakit ang ulo ko at masama ang pakiramdam ko.

Pinasadhan nya ng tingin ang damit ko. Napakunot ang noo nya ng mapagtantong medyo basa pa ito.

Pumunta sya sa closet nya saka inabot sa akin ang isang damit, walang sabi sabi syang lumabas at agad naman akong nagpalit ng damit at bumalik sa pagkakahiga.

Maya maya ay muli syang pumasok at may dalang isang basong dugo.

"Habang nagpapahinga ka ay tatanungin na rin kita" hindi pa man ako pumapayag ay magsimula na siya.

Kung sabagay ay ayos na ito kaysa naman palayasin nya ako, wala naman akong mapupuntahan.

"Saang emperyo ka nagmula?" inabot niya sa akin ang baso.

Umupo ako at nasapandal sa kama saka sumagot.

"Magno" tumango tango siya pansin kong mas lalo syang naging interesado. Umupo na rin siya sa malapit na silya saka nagpatuloy sa pagtatanong.

"Anong ginagawa mo rito sa Quinoa?" tumaas ang kilay nya sa akin.

"Naglayas ako" dire diretso kong sagot. Wala naman akong balak magsinungaling sa kanya dahil nakikita kong mabuti ang kanyang kalooban.

"Bakit?"

"Hindi na mahalaga iyon." Sandaling tumalim ang tingin nya sakin.

"Bakit mo nagawa yon?"

Mukhang mapilit ang isang to.

Uminom muna ako ng dugo saka humarap sa kanya. Huminga ako ng malalim at napilitang sumagot.

"Nagawa kong maglayas dahil inakala nilang tinulak ko ang prinsesa Sabrina, hindi nalang ako nagpaliwanag at agad umalis."

Hindi naman nya kilala si Sabrina dahil kamakailan lang namin nalaman na siya ay isang prinsesa.

"Prinsesa? Sa pagkakatanda ko ay walang prinsesang nagngangalang Sabrina sa Emperyong Magno?"

Naguguluhan nyang tanong.

"Kamakailan lang napag alaman na siya ang nawawalang prinsesa ng Magno Imperial." Sagot ko. Pansin kong kumbensido na sya.

"Saka na ulit ako magtatanong" aalis na sana sya ng hawakan ko ang kamay nya.

Hindi ko nakakalimutan ang nakita ko nung gabing iyon.

"Sandali, ako naman ang magtatanong sa iyo."

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon