Chapter 10

8.1K 270 18
                                    

Lola Feli

Nasa silid ako ng mga babaylan noon ng pinatawag ako ng prinsesa Amelie. Yumuko ako sa kanya upang magbigay galang.

"Nais ko sana kayong makausap punong babaylan" bumakas ang pagkabigla sa aking ekspresyon ngunit agad rin akong nakabawi.

"Ikinararangal kong ikaw ay makausap Prinsesa."

Marahan nya akong hinila sa bakanteng upuan malapit sa hardin.

"Tungkol ito sa iyong apong si Bella punong babaylan." Agad akong kinabahan. Napatitig ako sa prinsesa.

Alam na ba niya?

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa." Sambit nya at diretsong tumitig sa aking mga mata.

"Alam na namin kung saan sya nagmula at ang dahilan ng kaniyang pagdating sa mundo natin"

"P-Papaano?" Sambit ko.

Alam kong darating ang araw na malalaman at malalaman nila ang tungkol sa totoong pagkatao ni Bella.

Ngunit hindi ko parin maiwasang kabahan dahil sa maaaring mangyari sa kanya.

"Isang araw ay nagkaroon ako ng vision kay Alexus at naroong nabanggit nya ang mate nya, ngunit hindi nya ito napanaginipan dahil ang nakatakda sa kanya ay isang tao, at ng araw ring iyon ay ipinagbigay alam ko sa hari, reyna at mga kapatid ko ang tungkol rito." Dire diretso nyang sabi.

Nanlaki ang mata ko ng may mapagtanto ako.

"Si Bella ay..."

"Ang itinakda para kay Alexus" dugtong nya sa sasabihin ko.

Tuluyan na akong nawalan ng boses sa mga nalaman ko.

"Maaari ko bang malaman kung paano mo siya natagpuan?"

Tumango ako at sinimulang alalahanin ang lahat.
__________

Ako ay nasa Villa na tinitirhan ko nang magbigay ng pangitain ang propesiya sa akin.

Nakakita ako ng isang magandang babae na mapupunta sa mundo natin na magmumula sa mundo ng mga tao.

Pamilyar ang lugar kung saan ko sya matatagpuan.

Sa aking lumang bahay.

Ako ang itinalaga upang kupkupin sya at gabayan.

Mabilis akong nagpunta roon at tama nga ang ipinakita ng pangitain ko.

Nanduon sya at walang malay.

Malayo pa lamang ay naaamoy ko na sya.

Kahit hindi sya nasugat ay amoy na amoy ang kanyang sariwang dugo.

Agad akong nakaramdam ng kaba para sa babaeng iyon.

Alam kong may misyon sya sa mundong ito ngunit papaano nya magagawa iyon kung ganitong masyadong nang aakit ang amoy nya.

Ngunit may isang bagay na pumukaw sa atensyon ko.

Ang singsing

Nakalagay ito sa malapit na lamesa.
Unang tingin ko palang sa singsing na iyon ay alam kong hindi ito basta basta.

Nararamdaman ko ang kapangyarihan na bumabalot rito.

Agad ko itong kinuha at isinuot sa kanya, at tama ang hinala ko.

Ito ay singsing na magkukubli sa kanyang totoong pagkatao.

At sa isang iglap ay nawala ang amoy ng kanyang sariwang dugo.
__________

Bago matapos ang pag uusap namin ng prinsesa nung araw ding iyon ay hiniling nya sa akin na tulungan ko siyang pagtagpuin muli ang landas ng prinsipe Alexus at ni Bella.

Tinulungan ko ang prinsesa Amelie dahil alam kong mas ligtas si Bella sa kamay ng Prinsipe Alexus.

Ang plano ay nag-umpisa sa pagpunta ni Bella sa Sikretong lawa ng Magno Celestial.

Sinabi kong wag siyang mag alala dahil walang nagpupunta roon ngunit lingid sa kaalaman nyang sinusundan siya ng prinsipe.

Hanggang sa araw ng selebrasyon sa palasyo ng magpaalam akong pupunta sa lamesang nakalaan para sa babaylan.

Hindi ko dapat siya iiwan non ngunit pansin ko ang pagsulyap ng prinsipe kay Bella ng palihim at ng mapatingin ako sa gawi ng prinsesa ay sinenyasan nya ako.

Alam kong hindi hahayaan ng prinsipe na may mangyaring masama sa kanya. Lalo pa at alam nitong siya ang itinakda sa kanya.

At ngayon? Mag iisang linggo ko na siyang hindi nakikita gaya ng prinsipe Alexus magmula nung gabi ng selebrasyon.

Nabalitaan ko nalang na hinimatay sya sa loob ng palikuran dahil sa kakulangan sa pag inom ng dugo.

Umaasa ako na nasa mabuti ang kanyang kalagayan.

Alam ng lahat na ang pag iibigan ng tao at bampira sa mundong ito ay ipinagbabawal.

Pumatak ang butil ng luha sa mata ko hanggang sa mag sunod sunod na ito.

Hindi maaaring maulit ang nakaraan.
__________

Alexus

Matapos himatayin ni Bella ay mabilis ko siyang dinala sa kwarto ko.
Alam kong matatagalan pa siya bago magising dahil sa kakulangan niya sa dugo.

Kaya minabuti kong bihisan nalang siya. Tutal naman ay nakita ko na rin naman ang buo nyang katawan.

Ilang araw na rin akong hindi lumabas sa kwarto ko at walang ginawa kundi ang titigan sya.

Alam kong sa mga oras na ito ay iniisip ng mga kapatid ko na may ginagawa kami ni Bella.

Ngunit wala na akong pakialam. Isipin nila kung ano ang gusto nilang isipin.

Ang tagal naman niyang magising.

Panay panay ang sabunot ko sa aking buhok dahil sa pagpipigil.

Gustuhin ko mang gawin iyon ay hindi maaari. Nais kong gawin iyon ng may pahintulot nya at isa pa, nirerespeto ko sya.

Hinawakan ko siya sa pisngi at pinagmasdan ang napaka ganda nyang mukha.

Nung una ko palang siyang nakita sa hardin ay iba na ang naramdaman ko ngunit isinawalang bahala ko lang ito.

Muli ay may naalala ako.

Inalis ko ang pagkakahawak sa kanya at napakuyom ang kamay ko.

Vampire Law

Dahil naniniwala ang hukuman na isang kahinaan lamang at walang maidudulot na mabuti ang mga tao kaya nila ginawa ang batas na ito.

Nakaramdam ako ng sakit mula sa aking palapulsuhan at agad napatingin dito.

Hindi ko namalayang bumaon rito ang kuko ko dahil sa sobrang pagka inis.

Walang kwentang batas at basurang hukuman.

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon