Chapter 31

5.7K 206 4
                                    

Isabella

Mabangong simoy ng hangin na nagmumula sa mga bulaklak

Malawak na lupain na may nagtataasang damo

Mga huni ng ibon na nagmumula sa mga puno

Hindi ko man alam kung saan ito ngunit nasisiguro kong sa mundo ito ng bampira.

Inilibot ko ang tingin sa paligid at nakita ang anino sa hindi kalayuan.

Lumapit ako at napagtantong nagmumula ang anino sa dalawang bampirang magkayakap.

Bakit hindi nila napapansin ang presensya ko?

Napansin kong nasa mataas na cliff kami at mula rito ay tanaw ang dagat sa ilalim. Makikitang humahampas ang alon sa naglalakihang bato.

"Mahal na mahal kita" narinig kong usal ng lalaki sa babaeng kayakap nya at nakita kong humiga sila sa damuhan na may nakalatag na kumot at nagsimulang maghalikan.

Agad akong napaiwas ng tingin.

Umupo ako sa kinatatayuan ko at niyakap ang tuhod. Mula rito ay rinig na rinig ang mga ungol na nagmumula sa kanila.

Napagtanto kong isa itong pangitain. May nais ipabatid sa akin ang panaginip kong ito.

Mula sa malawak na lupain ay umikot ikot ang paningin ko at napunta sa ibang lugar. Natagpuan ko ang sariling nasa isang kwarto.

Teka pamilyar ang kwartong ito...hindi ko lang maalala.

Napatingin ako sa babaeng kasalukuyang nakatalikod sa akin habang nagsusuklay. Pinagmasdan ko ang repleksyon nya sa salamin.

Napakaganda niya. May mala anghel na mukha, porselanang balat, matangos na ilong, at natural na mapupulang labi.

Bumukas ang pinto at agad siyang tumayo upang salubungin ng halik sa labi ang lalaking kapapasok lang.

Mas lalong na depina ang kanyang makisig na pangangatawan.

Pansin kong nakasuot sila ng pormal na kasuotan na mukhang may pagdiriwang na pupuntahan.

"Handa ka na ba mahal ko?" Tanong ng lalaki.

"Basta't nasa tabi kita ay lagi akong handa." Sabay silang nag ngitian at muling humalik sa isa't isa bago lumabas ng silid.

Muling naulit ang pag ikot ng paligid at napunta na naman ako sa ibang lugar.

Sa pagkakataong ito ay natagpuan ko ang sarili sa isang bulwagan na may makukulay na ilaw at nag gagandahang palamuting nakapalibot sa paligid.

Nangingibabaw ang tunog ng malamyos na musika. May mga bampirang nasa sulok at umiinom, may mga kumakain, may mga nagkukwentuhan at nagsasayawan at ang iba naman ay walang pakialam.

Sinundan ko ng tingin ang babae at lalaki na nakita ko kanina at nagtungo sila sa gitna habang mabagal na nagsasayaw.

Pansin ko ang bawat bampirang napapatingin sa magkasintahan.

Magaan at maingat ang bawat paghawak ng lalaki sa babae na parang isang babasaging gamit.

Sumasayaw sila na para bang wala ng nakikita kundi ang isa't isa lamang.

Mapapansin ang hindi maputol na titigan nila habang may matamis na ngiti sa kanilang mga labi at mula rito ay ramdam ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa.

Hindi maiwasang makaramdam ako ng inggit sa mga oras na ito.

Ni minsan ay hindi ako nagawang isayaw ni Alexus ng ganon at ni minsan ay hindi ko narinig na lumabas sa kanyang bibig ang dalawang salitang matagal ko ng hinihintay na sabihin niya sa akin.

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon