Chapter 28

5.5K 191 15
                                    

Isabella

"Sunog!"

"Tulungan nyo kami!"

"Nasusunog ang aming mga tahanan!"

Napamulat ako ng mata sa ingay na bumungad sa akin.

Anong ingay ba yon?

Tiningnan ko ang sarili at nadatnang ganito parin ang pwesto ko mula ng maupo ako dito.

Kung ganon ay nakatulog pala ako at nanaginip. Madilim na rin ang paligid.

Napatayo ako sa aking pwesto ng makita ang isang makapal na usok na umaakyat sa kalangitan.

"Tulungan nyo kami!"

Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang may kalakihang apoy na kasalukuyang tumutupok sa ilang kabahayan.

Apoy

Nanlaki ang mata ko.

S-Si Alexus ba ang may gawa nito?

Nakaramdam ako ng presensya sa malapit at agad kong nakita ang isang babaeng tumatakbo.

Nagtama ang aming paningin. Sa kanyang gilid ay may natanaw akong malaking anino.

Nang luminaw ito at nakita ko ang kabuuan nito ay agad nanlaki ang mata ko.

D-Dragon?

Kung ganon ay sa Dragon na iyon nagmula ang sunog.

Ibinalik ko ang tingin ko sa babae. Nang makita nya ang reaksyon ko ay bumakas sa kanyang eskpresyon ang takot.

Inilagay nya ang kanyang isang daliri sa labi na parang sinasabing wag akong maingay.

Binilisan nya ang takbo at agad na tumalon sa malapit na bangin.

Natulala ako sa nakita. Agad bumuka ang pakpak ng dragon at sumunod sa bangin.

Pag-angat nito ay nakita kong lumipad sila ng mataas at agad ring nawala dahil natatakpan na sila ng makapal na ulap ng gabi.

Tiningnan ko ang kabayo at nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ito sa gilid.

Sandali lang ako at babalikan kita.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at tumakbo ako sa malapit na kinaroroonan ng apoy.

"S-Saan nanggaling ang sunog na ito?"

"Kapag nagtagal pa ito ay mas lalong lalaki ang apoy at madadamay ang ibang kabahayan."

Narinig ko pa ang ilang hikbi ng mga bampirang nasunugan, mga boses na hindi ko na maintindihan, at mga tunog ng nasusunog na kahoy na tila paulit ulit na pumapasok sa utak ko at palakas ng palakas.

Napapikit ako ng madiin at sinubukang huminga ng malalim upang kalmahin ang sarili dahil nag uumpisa ng sumakit ang ulo ko.

Nagmulat lang ako ng mata ng mapansing tumahimik ang lahat.

Nagkatinginan ang ilan, at yung iba naman ay natulala.

Anong nangyari bakit bigla silang natahimik?

Nawala ang pagtataka ko ng may pumatak na tubig sa aking mukha.

Napangiti ako ng mapagtanto ang nangyayari.

Mula sa mangilan ngilang patak ng tubig ay lumakas ito at naging ulan.

Sa isang iglap ay natauhan ang mga bampira at agad bumakas ang pagtataka sa kanilang mukha.

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon