Chapter 13

7.5K 256 20
                                    

Isabella

Elemetal powers?

"Ang elemetal powers ay kinapapalooban ng Earth, Water, Fire, Ice, Lightning, Nature, Wind, and Energy." Napatulala ako sa mga nalaman.

"Ibig bang sabihin niyan ay hawak ninyo ito?" Tumitig ako kay Gabriel at naghintay ng kaniyang magiging sagot.

"Hmm let's say oo hawak nga namin pero, masasabi kong hindi lahat dahil kung matatandaan mo, ang Magno Imperial ay parte parin ng Emperyong ito kahit matagal na itong naglaho."

"Kung ganon ay hawak ninyo ang ibang elemental powers at yung natitira ay hawak ng Magno Imperial?" Sambit ko ng mapagtanto ko ang kaniyang mga sinabi.

"Exactly" Nakinig pa ako sa kanya at naghintay ng kasunod.

"Ang haring Augustus ang may hawak ng Energy at ang prinsipe Kristoff naman ang may hawak ng Lightning.
Ngunit lahat kami ay nagtataka, wala ni isa sa amin ang may hawak sa Power of Wind gayong nag iisa lamang ang kanilang anak." Napa isip ako sa kaniyang katanungan.

"Maaaring ito ay hawak ng Reyna Eliza." Umiling si Gabriel sa sinabi ko.

"Ang Reyna Eliza ay nagmula sa Emperyong Quinoa at taglay niya ang Power of Summoner."

"Maaaring napunta ito sa iba?" Gaya kanina ay umiling na naman siya.

"Hindi ito maaaring mapunta sa iba dahil ang elemental powers ay nakatakda lamang sa mga prinsesa't prinsipe ng Magno." Dahan dahan akong tumango, ngunit parang may kulang.

Agad akong natauhan ng mapagtanto ang isang bagay.

"Kung ganon ay maaaring may ikalawang anak ang hari at reyna ng Magno Imperial!" Agad akong tumitig kay Gabriel

"Nung una ay hindi nila pinansin ang ideyang yon dahil wala namang inanunsyo ang Reyna Eliza at Haring Augustus tungkol sa kanilang magiging ikalawang anak. Ngunit matapos kaming ipanganak ni Amelie at nalaman ang aming kapangyarihan, wala ni isa sa amin ang nagtaglay ng Power of Wind. Kung totoo man na may ikalawang anak ang Hari at reyna ay malamang siya ang nagtataglay ng Power of Wind at siguro kasing edad siya ni Agatha." Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng kalungkutan sa mga sinabi ni Gabriel.

"Ibig sabihin ay ng ipanganak kayo ay naglaho na ang Palasyo ng Magno Imperial kasama ang hari, reyna, prinsipe Kristoff at ang kanilang ikalawang anak." Tumango si Gabriel bilang sagot.
__________

Nakatulala ako habang naglalakad lakad sa pasilyo ng palasyo habang malalim ang iniisip.

Kung ganon ay hindi nag iisa ang kanilang anak.

Sa sobrang kaiisip ay muntik na kaming magkabanggaan ng prinsesa Amelie ng bumukas ang kaniyang pintuan.

Ngumiti siya sa akin.

Siguro ay sa kanya ko nalang itatanong ang tungkol sa bagay na iyon.

Lalampas na sana siya sa akin ngunit napansin niyang may sasabihin ako.

"Ano ang nais mong malaman Bella?" Masyado siguro akong halata.

"Prinsesa A-" hindi ko natapos ang sasabihin ko.

"Ikaw ay parte na ng pamilyang ito, tawagin mo nalang akong Amelie" muli ay ngumiti siya ng matamis.

Hindi gaya ng prinsesa Agatha ay masiyahin ang aura ni Amelie.

Marahan niya akong hinila papasok sa kaniyang kwarto.

Gaya ng kwarto ni Alexus ay halos ganito rin ang kwarto niya. Ang pinagkaiba nga lang ay ang kulay.

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon