Chapter 32

6.1K 231 5
                                        

Isabella

"Isabel gising!" Mga salitang narinig ko na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

Nararamdaman ko rin ang malakas na pag yugyog mula sa balikat ko.

Nagmulat ako ng mata at agad bumugad sa akin si Zaira.

"Bakit ba palagi nalang ganito ang paraan mo ng pag gising sa akin?" Inaantok pa ako.

Inirapan lang ako ni Zaira saka inalalayang makaupo sa sofa.

"Ang ingay mo. Kanina ka pa sigaw ng sigaw, at ng puntahan kita ay nananaginip ka pala." Umupo siya sa tabi ko at mariin akong tinitigan.

Sumilip ako sa labas ng bintana at napansing madilim pa sa labas.

"Pasyensya na Zaira" kinagat ko ng mariin ang aking labi at tumingin sa kaniya.

Huminga siya ng malalim at napasandal sa upuan saka tumitig sa kisame.

Halatang nagising siya ng dahil sa akin.

"Punasan mo ang luha mo" maikling usal ni Zaira.

Agad akong napahawak sa pisngi ko at napagtantong basang basa ito. Mabilis ko namang sinunod ang sinabi niya.

"Okay ka lang ba Isabel?" Tumingin siya sa akin.

Napabuntong hininga nalang ako bilang sagot saka yumuko.

Naramdaman kong bahagya niyang hinawakan ang balikat ko dahilan para muli akong mapatingin sa kaniya.

"Maaari ko bang malaman ang panaginip mo?" Tanong ni Zaira at mababakas ang pag aalala sa kaniyang boses.

Malamang ay nagtataka siya kung ano ang napanaginipan ko na siyang dahilan para umiyak ako at sumigaw.

"Maaari ba muna akong magtanong sayo?" Tila natigilan siya sa naging sagot ngunit kalaunan ay tumango siya sa akin.

"Bakit malaki ang galit ng mga bampira sa mga tao?" Usal ko. Saglit siyang napatitig sa akin.

Inalis niya ang kamay sa balikat ko at muling sumandal.

Ibinalik niya ang tingin sa kisame saka pumikit.

"Hindi naman lahat ng bampira ay galit sa tao. Nagkataon lang na itinuturing silang kahinaan para sa atin." Sambit ni Zaira.

"P-Pero bakit?" Naguguluhang tanong ko.

"May isang insidente ang naganap noon na kinasangkutan ng isang tao. Siya ay itinakda sa isang hari, nung mga panahong iyon ay wala pang vampire law ngunit isang araw ay napabalitang inagaw ng isa pang hari ang taong itinakda, dahil bukod sa hindi pa nito nahahanap ang itinakda sa kaniya ay naniniwala siyang ang dugo ng isang tao ay nakapagbibigay ng ibayong lakas." Nagmulat ng mata si Zaira at tumingin sa akin ng diretso.

Bigla akong nakaramdam ng kaba para sa sarili ko dahil sa mga binanggit niya.

"Nang dahil sa pangyayaring iyon ay nagkaroon ng digmaan. Naging magkakaanib ang limang emperyo laban sa isa. Hindi naman naging mahirap kumbinsihin ang ibang emperyo dahil malaki ang inggit nila sa isang emperyong iyon, ngunit kahit gaano pa man sila karami ay hindi nila natalo ang lakas ng emperyong ito."
Nanlumo ang buong pagkatao ko.

Tama ba ang hinala ko sa mga oras na ito?

"A-Anong emperyo ang tinutukoy mo Zaira?"

"Magno" diretsong sambit niya.

"Anong panglan ng haring iyon?" Mabilis ang bawat pintig ng puso ko habang hinihintay ang sagot niya.

"King Alessandro Chamberlain"

Nanlamig ako sa narinig, nagsimula na ring manginig ang katawan ko, dahil sa mga oras na ito ay may nabubuong konklusyon sa isip ko.

"Matapos ang digmaan ay marami ang bampirang namatay sa hanay ng limang emperyo at lumipas ang ilang taon ay napabalitang pumanaw na ang haring Alessandro. Ginamit na pagkakataon iyon ng limang emperyo upang pasikretong bumuo ng isang batas na kung tawagin ay vampire law. Naniniwala kasi silang kasalanan iyon ng tao, dahil kung hindi siya napadpad sa mundo natin ay walang agawan na magaganap sa pagitan ng dalawang hari at higit sa lahat ay maraming inosente ang namatay dahil sa digmaang iyon." Ani Zaira.

Tuluyan na akong nawalan ng lakas sa narinig.

Walang kwenta!

Napakawalang kwenta ng batas na iyon. Kung tutuusin ay kasalanan iyon ng bampira at hindi ng tao. Kung hindi lang sana nang agaw ang bampirang iyon.

"Queen Diana Chamberlain" bulong ko.

Mabilis na napatitig sa akin si Zaira dahil sa sinabi ko.

"Paano mo nalaman ang pangalan niya?" Mababakas ang pagkabigla sa reaksyon niya.

"Hindi ba't tinanong mo ako kanina kung ano ang napanaginipan ko?"
Tumango si Zaira bilang sagot.

"Siya ang napanaginipan ko. Kung paano siya pinatay."

Muli kong naramdaman ang sakit ng panaginip ko kaya't muling tumulo ang luha ko.

Napatingin ako sa reaksyon ni Zaira na gulat na gulat at tila kinakabahan.

"Nakita ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa ni Haring Alessandro, ngunit inagaw siya ng Haring Esperon dahil bukod sa dugo ni Reyna Diana ay umiibig din siya rito pero ayaw ng reyna sa kaniya, kaya minabuti na lamang ng Haring Esperon na patayin nalang siya." Tuloy tuloy ang pagpatak na luha sa mga mata ko habang binabanggit ito.

"H-Hindi maaari" mahinang bulong ni Zaira at patuloy sa pag iling.

Napakunot ang noo ko sa tinuran niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan na ako sa reaksyon niya.

Nanatali siyang walang imik at wala sa sarili.

"Zaira! Anong hindi maaari?" Banggit ko.

Humarap siya sa akin at nabigla ako ng umiyak siya sa harapan ko.

"Alam mo bang bihira lang ang managinip para sa isang bampira? Ito ay nangyayari lamang kung ipapabatid sa iyo kung sino ang nakatakda sayo at ang isa naman ay nais magbigay ng pahiwatig."

Hinawakan ni Zaira ang pisngi ko at tumitig diretso sa mga mata ko.

"Lahat ng panaginip natin ay may dahilan. Ikaw Isabel, sa iyo nagpakita ang reyna Diana, hindi ito basta panaginip lang dahil ipinakita niya sa iyo kung paano siya pinatay. Isa lang ang ibig sabihin nito..."

"Nasa panganib ang buhay mo."

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon