Chapter 48

6K 194 17
                                    

The Abduction

Isabella

Nagising ako dahil sa bagay na kumikiliti sa leeg ko. Nagmulat ako ng mata at sumalubong sa akin ang nakakasilaw na liwanag dahilan para muli akong mapapikit.

"Good morning baby girl" rinig kong bati ni Alexus. Napamulat ako ng mata at nakita ko ang malawak na ngiti sa kaniyang labi.

Nakapatong siya sa akin at ginagawaran ako ng halik sa leeg.

"Alexus hindi ka parin ba nagsasawa? Dalawang oras palang ang tulog natin magmula ng tumigil ka."

"Hinding hindi ako magsasawa sayo." Nagbaba siya ng mukha upang halikan ako ngunit agad akong umiwas.

Napakunot ang noo niya saka nagtaas ng kilay.

"May itatanong muna ako." Matagal ko ng gustong malaman ang sagot sa tanong na ito.

"Ano yon Bella?"

"Kung ako ang nawawalang prinsesa ng Magno Imperial, sino si Sabrina?" Tanong ko. Bahagya siyang natigilan ngunit kalaunan ay nagsalita rin.

"Hindi lingid sa kaalaman namin na isa siyang ampon ng kinikilala niyang magulang. Bukod doon ay hindi pa niya natutuklasan ang vampire gift niya, kaya nung panahong nagsasanay tayong magsayaw at nakita nating lumutang siya sa hangin ay inakala naming kapangyarihan niya iyon, hindi namin naisip na sa iyo nagmula dahil akala namin ay isa kang tao." Pagpapaliwanag niya.

"Paano niyo nalamang ako ang nawawalang prinsesa?"

"Nakita ng vision ni Amelie ang paggamit mo ng kapangyarihan mo para muling maibalik ang nawawalang palasyo, kasama ng ama, ina at kapatid mo." Napangiti ako sa narinig.

Kung gayon ay nagtagumpay ako.

"Bukod doon ay matagal na palang alam ni ama na ikaw ang nawawalang prinsesa." Ani Alexus.

"Ha? Paano nalaman ni Haring Nicholas at bakit hindi niya sinabi sa akin?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Naalala mo nung may pagsasanay kaming magkakapatid sa bulwagan?"

"Oo... yung hinalikan ka ni Sabrina" nanlaki ang mata niya at inubo siya ng malala sa narinig. Ako naman ngayon ang napakunot noo.

"O-Oo yun nga... N-Nakita ka ni ama na tumakbo ng sobrang bilis na hindi mo namalayang lumulutang ka na sa hangin... yun ang unang beses na nagamit mo ang kapangyarihan mo" kanda utal na sambit niya.

"Pero hinalikan ka parin ni Sabri-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ng ikulong niya sa magkabilang palad ang mukha ko saka ako hinalikan sa labi.

"Shut up now, I love you" ani Alexus sa pagitan ng aming mga labi.

Lumalim ang halik niya at gumapang ang mga kamay niya sa iba't ibang parte ng katawan ko.

"Ahh! A-Alexus!"

Sa isang iglap ay nagawa niya akong padapain at walang sabi sabing muling ipinasok ang kahabaan niya sa akin.

At muli niya akong inangkin sa hindi ko mabilang na pagkakataon.
__________

Nang makabalik kami sa palasyo ay napansin ko ang kakaibang ngiti sa mga labi ng magkakapatid na tila nang aasar. Narito rin ang hari at reyna. Yumuko kami upang magbigay galang.

Pinamulahan ako ng mukha ng maalala na silang lahat ay alam ang nangyari sa loob ng kubong iyon.

Sa sobrang hiya ay agad akong nagpaalam at dumiretso na ako sa kwarto ni Alexus, siya naman ay naiwan muna dahil panay ang tanong ng magkakapatid.

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon