Chapter 16

7K 210 14
                                    

Alexander

Nakatulala ako sa balkonahe ng palasyo ng naramdaman ko ang presensiya ni ama.

"Amang hari" yumuko ako at bumati sa kanya.

Hinawakan lamang niya ang aking ulo.

"Mukhang malalim ang iniisip ng susunod na magiging hari ng Magno Celestial." Sambit niya at tumanaw sa bayan.

Tumanaw rin ako sa bayan. Alam kong darating ang araw na ipapasa niya sa akin ang kaniyang katungkulan, ngunit alam kong hindi pa ako handa.

"Sa totoo lang ama ay nangangamba ako." Saglit siyang napatingin sa gawi ko.

Isang malaking pagsubok ang darating at hindi kami nakasisiguro kung ito ay mapagtatagumpayan namin.

"Maaari ko bang malaman ang iyong saloobin prinsipe?"

Huminga ako ng malalim saka nagsalita.

"Kung tutuusin ama ay marami ng pagsubok na kinaharap ang ating emperyo at lahat ng ito ay ating napagtagumpayan sa tulong ng Magno Imperial. Hindi biro ang pinagsamahan ng dalawang emperyo dahil noon pa man ay magkapatid na ang turingan nito. Ngunit sa kanilang pagkawala ay naging malaking dagok ito. Ang mga mamamayan nila ay ating pinamunuan, wala namang problema rito dahil patuloy nating sinisiguro ang kanilang maayos na pamumuhay, ngunit kung mangyayari ang isang digmaan ay hindi natin ito kakayanin ng wala ang kanilang tulong." Mahabang usal ko.

Napabuntong hininga ang amang hari saka ipinatong ang kamay sa balikat ko.

Kung titingnan ay hindi manlang siya kakikitaan ng kahit katiting na  pangamba.

Hindi gaya naming magkakapatid na nananahimik lang ngunit sa loob namin ay mababakas ang takot.

"Makinig kang mabuti anak."

Humigpit ang hawak niya sa balikat ko at mariing tumitig sa akin.

Sa tuwing tinatawag niya akong anak ay lumalambot ang puso ko.

"Nararamdaman kong malapit na ang kanilang pagbabalik." Sambit niya bago tuluyang umalis.

Naiwan akong tulala at mas lalong naguluhan.

Hindi ko alam kung paano nasabi ni ama ang mga iyon ngunit naniniwala ako sa mga salita niya.
__________

Isabella

Sinabi ni Alexus na magaganap ang kanilang pagsasanay sa isang malawak na lupain di kalayuan sa palasyo.

Gumamit kami ng kabayo patungo rito.

Pansin kong walang puno rito sa parte na to. Malamang ay itong lugar na ito ang kanilang pinag eensayuhan dahil bakas ang mga bitak na lupa.

Dumiretso si Alexus sa kaniyang mga kapatid na ngayon ay nasa gitna.
Pansin kong lumapit ang inang reyna sa magkakapatid.

"Gaya ng dati gagamitin ko ang aking kapangyarihan sa inyo. Sa oras na magawa ko na ito ay maghihiwahiwalay ang kinalalagyan niyo. Mapupunta kayo sa kagubatan at lalabanan ang mababagis na hayop..." Tiningnan ng reyna isa isa ang kaniyang mga anak.

"Madali naman pala" ani Gabriel.

"Easy" ani Alexus na parang tamad na tamad.

"Is that it?" -Alexander.

Pansin kong nakikinig lang ang dalawang prinsesa.

"Ngunit hindi ninyo gagamitin ang elemental powers." Huminga ng malalim ang reyna saka tumalikod at bumalik sa kaniyang pwesto.

Sabay sabay nanlumo ang mga prinsipe, hindi tulad nila Agatha at Amelie na kalmado lang at mukhang inaasahan na ang sasabihin ng reyna.

"What?!" Sambit ni Alexus.

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon