Chapter 30

5.7K 201 6
                                    

Amelie Victoria

"Ano na little sis, wala pa rin ba?" Mas lalong nangunot ang noo ko.

"Ano ba Gabriel! Sinabi ng bihira lang akong makakita sa vision ko" ang kulit naman kasi nya. Kanina pa sya tanong ng tanong.

"Okay okay" tinaas nya ang dalawang kamay nya na parang sumusuko.

"Basta sabihan mo kami agad kapag may nakita ka na ha?"

Ang kulit talaga.

"Oo na. Maaari ka ng lumabas" napanguso sya sa binanggit ko ngunit lumabas rin pagtapos.

Hindi lang naman sya ang nag aalala para kay Bella, kundi lahat kami. Masyado lang talagang makulit si Gabriel.

Magmula kasi ng umalis si Bella dalawang linggo na ang nakakaraan, wala na kaming naging balita sa kanya.

Gaya ng ginawa namin noon ay ipinagbigay alam agad namin ito kay babaylang Feli na agad ring nagpunta sa villa na tinitirhan nya, nagbabakasakaling muling matatagpuan doon si Bella ngunit kinabukasan ay umuwi rin siya agad at ibinalita sa aming wala doon si Bella.

Hindi na rin natuloy ang selebrasyon ng pagpapakilala sa kanya at pansin ko ring wala sa sarili si Alexus magmula ng umalis sya.

Alam kong hindi lang ako ang nakapansin sa pagbabago ng pakikitungo ni Alexus kay Bella.

Magmula kasi ng kinuha nila Gabriel at Alexander si Sabrina bilang kapares ni Alexus, ay nag iba sya lalo na ng malaman nyang isang prinsesa pala si Sabrina.

Siguro ay nagi guilty si Gabriel sa ginawa nila kaya sya pabalik balik sa kwarto ko para magtanong.

Ngunit inaamin ko rin na lahat kami ay may kasalanan kung bakit umalis si Bella.

Inaamin kong nadismaya rin ako sa kanya ng makita si Sabrina sa sahig at inakala kong sya ang may gawa non. Ngunit nagkamali ako.

Humihinga at nakakakita ang kalikasan.

Ilang minuto matapos umalis ni Bella ay binitiwan ni Alexus si Sabrina at tumakbo paalis.

Unti unti na ring nagsi alisan ang iba at kaming dalawa nalang ni amang hari ang naiwan.

Dun ko napagtantong isang pagpapanggap lang ang ginagawa ni Alexus para lumayo ang loob ni Bella sa kanya.

"Minsan ay nagagawa nating manghusga ng hindi inaalam ang buong istorya" usal ng amang hari habang nakatitig sa kagubatan.

Lumapit ako sa kanya hanggang sa magpantay kami at gaya nya ay tumitig rin ako sa gubat.

"Lagi mong tatandaan Amelie. Huwag kang basta basta magtitiwala sa nakita lamang ng iyong mata. Matuto kang makinig at buksan ang iyong isip." Kalamadong sambit ni ama, naguguluhan man ngunit tumango ako.

Nakatitig lang ako sa kagubatan ng marinig ang boses ni Bella.

"Ano iyon prinsesa Sabrina?"

Maya maya ay biglang pumasok ang mismong eksenang naganap.

"Alam kong batid mo na ang pag-iibigan namin ni Alexus simula nung mga bata pa kami..." -Sabrina

"Kaya?" -Bella

"Hindi ka ba naaawa sa sarili mo Bella? Paano ka nakasisiguro na kaya ka niyang mahalin ng mas higit kaysa sa akin samantalang kadarating mo lang sa buhay nya." -Sabrina

Nanlaki ang mata ko sa mga salitang tinuran ni Sabrina. Hindi ko inakalang lumabas ito sa bibig nya.

"Hindi ako ang dapat mong tanungin ng ganyan prinsesa Sabrina, tanungin mo ang sarili mo." -Bella

Nakita at narinig ko ang buong pangyayari. Sa huli ay sinampal niya si Bella at sinadya niyang itapon ang sarili nya sa sahig upang maging masama ang tingin namin kay Bella.

Nang marinig ko ang paghingi nya ng paumanhin ay tuluyan ng pumatak ang luha ko.

Hindi manlang namin sya hinayaang makapagpaliwanag dahil agad namin siyang hinusgahan.

Yun lang at tuluyan ng nawala ang eksenang iyon.

Tumingin ako sa direksyon ni Ama na tahimik lang.

Hindi nagsisinungaling ang kalikasan.

"Kung ganon ama, bakit nanatitili kayong tahimik at hindi pinigilan ang pag alis ni Bella?" Naguguluhang tanong ko sa amang hari.

Tumingin siya sakin saglit at ibinalik ang tanaw sa paligid.

"May dahilan ang lahat." Saka siya tipid na ngumiti sa akin.
__________

Huminga ako ng malalim at lumabas ng kwarto ko. Nag diretso ako sa kwarto ni Alexus.

Nadatnan ko siya sa balkonahe na tulala at mukhang wala sa sarili.

"Dalawang linggo ka ng ganyan" sabi ko ngunit hindi manlang nya ako pinansin.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na walang kasalanan si Bella. Bakit ba hindi mo pa rin sya hanapin?"

Nang marinig nya ang pangalang Bella ay saglit syang napatingin sa akin.

Gumuhit ang sakit sa kanyang mukha.
Kahit pilitin nyang lumayo kay Bella ay hindi mawawala ang pagmamahal nya dito.

"Madali lang para sa iyong sabihin yan dahil hindi mo alam ang nararamdaman ko ngayon" napatingin ako sa pagyukom ng kamay nya.

"Hanggang ngayon ba ay iniisip mo parin yon?" Pagtutukoy ko sa digmaang maaaring sumiklab sa oras na malaman nilang isang tao si Bella.

"Maraming buhay ang mawawala sa oras na piliin kong isalba ang pag iibigan namin." Nagpantig ang tenga ko sa narinig.

Ibig bang sabihin non ay hahayaan na nyang mamatay si Bella?

Agad dumiretso ang palad ko sa mukha nya na bahagya nyang ikinabigla ngunit maya maya ay isinawalang bahala.

"Wala kang karapatang pangunahan ang magaganap ayon sa propesiya Alexus. Lagi mo ring tandaan na hinding hindi kami papayag na mawalan ng kapatid."

May diin kong sambit sa kanya saka tuluyang umalis.

Alam kong alam nya ang pinupunto ko. Sa oras na mamatay si Bella ay ilang taon na lang rin ang itatagal ng buhay nya dahil maaaring mamatay sya sa kalungkutan.

Nangyari na ito kila Grandma at Grandpa noon.

Pabalik na sana ako sa aking silid ng makita ang dalawang unipormadong lalaki na pumasok sa silid tanggapan ni ama.

Naningkit ang mata ko ng tingnan kong mabuti ang kanilang kasuotan.

Kung hindi ako nagkakamali ay sila ang tagapagbalita ng Quinoa.

Anong ginagawa nila rito?

May dala dala silang puting papel at ng maibigay ito kay ama ay agad rin silang umalis.

Bumaba ako at agad nag diretso sa tanggapan ni ama. Yumuko ako upang magbigay galang. Naabutan ko siyang kasalukuyang binabasa ang sulat.

"Ama ano ang sinadya nila?" Tanong ko matapos niyang basahin ang sulat.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at ibinigay sa akin ang puting papel na agad ko namang binasa.

Ito ay isang imbitasyon para sa magaganap na masquerade ball sa Quinoa. Agad akong nawalan ng gana.

"Kung natatandaan mo, nung nakaraang taon ay si Alexander at Agatha ang ipinadala ko upang dumalo rito. Tutal naman ay nabasa mo na, nais kong kayo naman ni Alexus at Gabriel ang dumalo."

Bahagya akong nalungkot sa narinig.

Ang totoo kasi nyan ay taon taon syang namimili sa aming magkakapatid kung sino ang ipapadala sa ganitong uri ng kasiyahan, bukod sa nais nya kaming makipagpalagayang loob sa mga prinsesa't prinsipe ng iba't ibang emperyo ay alam kong may mas malalim syang dahilan.

Ang isang nasasakupan ng emperyong Quinoa ang dahilan kung bakit namatay si Grandma.

Ang Quinoa Grendin

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon