Chapter 9

8.3K 283 12
                                    

Isabella

Iminulat ko ang aking mga mata at unang bumungad sa akin ang matinding liwanag.

Napatakip ako ng mata at dahan dahang dumilat.

Nilibot ko ang tingin sa paligid at mabilis na rumehistro sa akin ang lugar kung nasaan ako dahil minsan na akong nakapunta rito.

Naaninag ko ang pamilyar na pigura na siyang nakaupo sa tabi ng kama na hinihigaan ko.

Agad akong natauhan at mabilis na lumayo sa kanya.

Ngunit biglang sumakit ang ulo ko kaya napasandal ako sa headrest ng kama. Pinagmasdan ko sya.

"A-Anong g-ginagawa ko rito P-Prinsipe Alexus" hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o dahil ito sa sakit ng ulo.

Gaya ng inaasahan. Hindi nya ako pinansin. Kaya minabuti kong tingnan nalang ang kabuuan nya.

Nakasuot sya ng puting polo. Pansin kong bukas ang tatlong butones nito.

Sumisilip ang matitipuno nyang dibdib habang malalim ang binibitiwang hininga.

Tumikhim sya at binawi ko ang tingin sa dibdib nya.

Niluwagan nya ang suot na neck tie habang naka titig sa akin ng seryoso.

Lumunok ako ng mariin.

Bakit uminit bigla sa loob ng kwarto nya?

Pansin kong ilang minuto na pala kaming nagtititigan kaya ako na ang unang kumalas.

Dumiretso ang aking paningin sa suot kong damit. Nanlaki ang mata ko sa pagkabigla.

B-Bakit ganito ang k-kasuotan ko???

Nakasuot ako ng itim na evening dress at lantad na lantad ang aking mga dibdib. Ni hindi manlang nangalahati ang haba ng tela nito kaya malayang nakikita ang mapusyaw kong binti.

Napatingin ako sa kanya.

Gustuhin ko mang itanong kung sino ang nagpalit sa akin ngunit hindi ko magawa.

Minabuti ko nalang ulit na wag nalang magsalita dahil mas nangibabaw ang takot sa akin.

Napaiwas ako ng tingin.

Hindi ako sanay na seryoso sya, dahil kadalasan ay nakakalokong ngisi ang nakikita ko.

Ngunit mukhang mas gugustuhin ko pang makita iyon kaysa naman sa seryoso niyang mukha dahil mas nakapanginginig ngayon ang kanyang aura.

A-Anong amoy yon?

Tanong ko sa sarili ng may maamoy na mabango at agad ko itong hinanap.

His bleeding wrist

Hindi ko ito napansin kanina dahil nauna akong inakit ng katawan nya.

Nagbalik ang pamilyar na init sa aking mata at napahawak sa lalamunan ko.

Tumayo sya at nilapitan ako ngunit hindi ako gumalaw.

Inilapit nya sa ilong ko ang kamay nyang kasalukuyang dumudugo. Naramdaman kong humahaba ang mga pangil ko.

Hinawakan ko ito at mabilis nasaktan ng matusok nito ang daliri ko.

Mabilis akong nagtatakbo sa palikuran ng kanyang kwarto ng manumbalik ang pagkahilo ko.

Sumuka ako at mabilis na nagmumumog.

Paglabas ko ay nakita kong naka abang ang prinsipe Alexus sa labas ng banyo.

Lalampasan ko na sana siya ng mabilis nya akong itinulak sa pader at agad akong napangiwi sa lakas nito.

"Now drink" pambabasag niya sa mahabang katahimikan.

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon