Chapter 15

7.1K 214 2
                                    

Isabella

Ilang minuto na kaming naglalakbay ni Alexus ngunit hanggang ngayon ay hindi parin kami nakakarating sa sinasabi niya.

Sa una ay nababalot ng dilim ang aming dinadaanan ngunit nakita kong lumiwanag ang palad ni Alexus at naglabas ito ng apoy na siyang dahilan kung bakit sumindi ang mga ilaw sa magkabilang gilid ng daan.

Sa una ay nababalot ng dilim ang aming dinadaanan ngunit nakita kong lumiwanag ang palad ni Alexus at naglabas ito ng apoy na siyang dahilan kung bakit sumindi ang mga ilaw sa magkabilang gilid ng daan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Power of Fire" nanlaki ang mata ko.

Sa kauna unahang pagkakataon ay nakita ko ang kapangyarihan ni Alexus.

Hindi lingid sa kaalaman ko ang Elemental Powers dahil minsan na itong sinabi ni Gabriel ngunit iba parin pala kapag nakita mismo ng iyong mata.

Hindi ko mapigilang mamangha sa nakikita ko.

Ang aming dinadaanan na kanina ay madilim, ngayon ay nabalot ng liwanag ng apoy na mas lalong binubuhay ang tahimik na kagubatan.

Pansin kong matapos namin lampasan ang tapat nito ay kusa na rin itong namamatay.

"Malapit na ba tayo Alexus?" Hindi na matanggal ang ngiti sa labi ko.

"Just wait baby girl"

Di rin nagtagal ay nakakita ako ng liwanag sa hindi kalayuan.

Habang palapit kami ng palapit dito ay unti unti itong rumerehistro sa akin.

Nang una ay konting liwanag palang ang makikita ngunit habang tumatagal ay parami ng parami ang liwanag.

Ang liwanang palang ito ay nagmumula sa puno na mistulang may daan daang nagliliparang alitaptap.

Nang makababa kami sa kabayo ay hindi ko napigilang tumakbo palapit dito at agad lumawak ang ngiti ko ng mapansing may lamesa sa ilalim nito na para sa aming dalawa.

Nang makababa kami sa kabayo ay hindi ko napigilang tumakbo palapit dito at agad lumawak ang ngiti ko ng mapansing may lamesa sa ilalim nito na para sa aming dalawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ang gandaaaaa" itinaas ko ang kamay na parang mahahawakan ko ang mga liwanag.

"Mas maganda ka binibini." Natigilan ako sa narinig.

Humarap ako sa kanya at bumungad sa akin ang berde niyang mga mata.

Nangyari na ito dati ah!

"Maaari ba nating ulitin ang ating unang pagkikita? Dahil hindi ito naging maganda." Sambit niya saka kumindat sa akin.

Pinamulahan ako ng mukha.

Bihira ko lang siyang marinig na pormal magsalita at mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko.

"Kung sa bagay. Ang ating unang pagkikita ang hindi ko malilimutan dahil inakala mong ako ang ipinadalang magpapaligaya sayo at nais mong ako ay maghubad." Sambit ko.

Nanlaki ang kanyang mata at inubo ng malala.

Hindi ko maiwasang matawa sa naging reaksyon niya.

Dumiretso siya ng tindig at seryosong tumingin sa akin.

"Alexus Stephan Chamberlain, ikalawang prinsipe ng Magno Celestial." Saka itinaas ang kamay sa aking harapan na tila nakikipag kamay.

"Isabella Ava, nagmula sa mundo ng mga tao." Tinanggap ko ang kaniyang kamay.

"Ikinalulugod kong makilala ka magandang binibining nagngangalang Isabella."

Lumawak ang ngiti namin at mahigpit na niyakap ang isat isa.

Hinila ko siya paupo sa lamesang para sa amin.

Nilibot ko ang tingin sa maliit na lamesa.

Parang may kulang?

"Hmm Alexus, bakit pansin kong wala atang pagkain ang lamesang ito?" Tila hindi na siya nagulat sa narinig.

"Hindi na kailangan." Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ang totoo kasi niyan. Hindi naman nagugutom ang mga bampira sa pagkain, ngunit sa dugo. Pero maaari paring kumain kung iyong nanaisin." Ani Alexus.

Napairap ako sa hangin. Alam ko ang nais ng prinsipeng ito.

"Gutom na ba ang prinsipe Alexus?"
Sa isang iglap ay nagawa na niya akong maihiga sa lamesa at pumatong sa akin.

"Uhuh at ikaw ang pagkain ko." Ang dami talagang alam ng prinsipeng ito.

Kinuha niya ang kamay ko at dito ay ibinaon niya ang kaniyang pangil.

Naramdaman kong lumabas ang aking dugo mula rito at hindi niya hinahayaang may makalagpas.

"Tila nagutom ata ang prinsipe ko."
Inilapit niya ang kaniyang kamay sa akin at walang pag aalinlangang ibinaon ko ang pangil at dito uminom.
Hindi maalis ang aming tingin habang umiinom sa isat isa.

His blood taste heaven as always.

Nasa kalagitnaan kami ng pag inom ng makarinig kami ng tunog ng pagkabali ng kahoy.

Nanlaki ang mata ko ng mapagtantong masisira na ang lamesang ngayon ay hinihigaan namin.

"B-Babagsak tayo!" Sambit ko.

Agad binaligtad ni Alexus ang aming posisyon dahilan para siya ang tumama sa lupa.

"A-Alexus ayos ka lang ba?"

Napawi ang pangamba ko ng marinig ang kaniyang tawa na kinalaunan ay sinabayan ko na rin.

Nawala siya saglit sa aking harapan.

Sa isang iglap ay pinatay niya ang mga liwanag na nagmumula sa puno.

Sandaling kadiliman ang bumalot sa amin.

Naglabas siya ng apoy mula sa mga palad niya.

Namalayan ko nalang na nagliliyab ang lamesang hinihigaan namin kanina.

"Sa iba ang dala ng aking apoy ay kapahamakan... ngunit hindi sa iyo Bella." ani Alexus.

__________

Nagising ako ng marinig ang pagbukas ng palikuran.

Iniluwa nito si Alexus na natatakpan ng twalya ang pang ibabang parte.

Napatitig ako sa patak ng tubig na nagmula sa kaniyang buhok pababa sa kaniyang leeg na dahan dahang bumababa sa kaniyang dibdib.

Napalunok ako ng mariin at umiwas ng tingin.

Bigla akong nakaramdam ng inggit sa patak ng tubig.

Pansin kong natawa siya sa naging reaksyon ko.

"Every part of my body is all yours baby girl. Same as your body." Sabay kindat sa akin.

Napairap ako sa narinig.

Hindi ko maalala kung anong oras ba kaming nakauwi kagabi.

Ang alam ko lang ay punong puno ng kalandian ang prinsipeng ito dahil kung saan saang parte siya uminom mula sakin.

Pansin kong nagpunta siya sa kaniyang cabinet at doon naghanap ng damit.

Walang sabi sabi niyang tinanggal ang tuwalyang tumatakip sa kaniyang katawan.

Nanlaki ang mata ko sa nakikita at pinamulahan ako ng mukha.

Kahit nakatalikod siya sa akin ay kitang kita ko ang matambok niyang pwet.

Nagbalik ako sa katinuan ng magsalita siya.

"Magkakaroon kami ng pagsasanay mamaya. Nais kong makita ka doon. Maaasahan ko ba ang iyong pagdating Bella?" Sambit niya habang nagbibihis.

"Maaasahan prinsipe Alexus."

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon