Chapter 19

6K 208 3
                                    

Isabella

Matapos ang naging pag uusap namin ni lola Feli ay bumalik na kami sa loob.

Saglit akong natigilan ng mapansing wala na ang presensya ni Alexus sa loob ngunit naiwan ang amoy niya rito.

Naalala ko ang bagay na iyon.

Napatingin ako kay lola Feli, sandaling bumuka ang bibig ko ngunit isinara ko rin ito.

Alam kong pansin niya ang pag aalinlangan ko.

"Bakit Bella?" Sambit ni lola Feli.
Hindi ako mapakali. Kailangan kong malaman ang dahilan.

"M-May nabanggit po kasi sa akin si lolo Manuel tungkol sa selebrasyon kung saan ipapakilala ako bilang itinakda kay Alexus ngunit bakit wala silang nabaggit sa akin?"

Pansin kong natigilan siya sa narinig at hindi alam ang isasagot.

Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa amin bago ko siya narinig magsalita.

"Wala akong karapatang magsalita tungkol doon pero kung nais mo talagang malaman ay ang prinsipe Alexus ang dapat mong tanungin. Pasyensya na Bella." Yun lang at umalis na siya.

Nasa tapat na siya ng pintuan ng kanyang kwarto ng magsalita siyang muli.

"Bukas ay babalik na rin ako sa palasyo, kung nais mo pang manatili rito ay-" ani lola Feli ngunit hindi ko na siya pinatapos.

"Sasama po ako" matapos marinig ang aking sagot ay tuluyan na siyang pumasok sa loob.

Naiwan akong nakatanga at naguguluhan.

Bakit pakiramdam ko ay pati si lola Feli ay may itinatago sa akin?
__________

Gaya ng sinabi ni lola Feli ay bumalik na siya sa palasyo at kasama ako.

Hindi ko na siya tinanong dahil pansin kong ayaw niyang pag usapan ito.

Nagpaalam siya sa akin at nagdiretso siya sa likod ng palasyo kung saan naroon ang silid ng mga babaylan.

"Bella!"

Papasok na ako sa loob ng palasyo ng tinawag ako ni Amelie at niyakap ng mahigpit.

"Ayos ka lang ba?" Sambit niya. Bakas ang pag aalala sa kaniyang mukha.

Sinipat niya ang buong katawan ko at nakahinga siya ng maluwag ng mapansin maayos ang aking kalagayan.

"Ayos lang ako Amelie. Salamat" ngumiti ako.

Napansin ko ang pamilyar na pigura ng isang lalaking nakatayo sa balkonahe ng kaniyang kwarto habang mariing nakatitig sa akin.

Bakas ang frustration at kalungkutan sa kaniyang mukha. Nasasaktan akong makita siyang nagkakaganyan dahil sa akin.

Hihilain pa sana ako ni Amelie sa kung saan, ng mapatingin niya sa tinitingnan ko.

Huminga siya ng malalim saka nagsalita.

"Sa tingin ko ay kailangan niyong mag usap." Sa isang iglap ay nawala siya sa harapan ko. Tuluyan na akong pumasok sa loob.

Gaya ni Amelie ay sinalubong ako ng yakap ng reyna at pansin kong naroon sa kaniyang likod ang hari kasama si Alexander, Gabriel at Agatha. Ramdam ko ang kanilang pag aalala.

"Paumanhin Bella" sambit ng hari at bahagyang yumuko.

Tipid lang akong ngumiti bilang sagot.

Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin ako sa kanila at tinahak ang daan patungo sa kwarto ni Alexus.

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon