Chapter 17

6.1K 203 15
                                    

King Nicholas

Matapos uminom sa akin ng mahal kong reyna ay iniwan ko muna siya sa aming silid upang makapagpahinga.

Kapag nagsasanay ang aming mga anak ay ginagamit niya ang kaniyang kapangyarihan.

Ito ay hindi lamang para sa kanila ngunit para rin sa kaniya. Pansin kong matagal na niyang magamit ang kaniyang kapangyarihan at nagagawa na niya itong kontrolin ngunit hindi maiiwasang manghina siya pagtapos.

Tumanaw ako sa bayan mula rito sa balkonahe. Mataas ang parteng ito kaya't tanaw na tanaw ang mga bampirang ngayon ay nasa labas.

Nariyang may mga batang bampira na nagtatakbuhan, may mga namimili, at may masayang nagkukwentuhan.

Umihip ang isang marahas na hangin.

Mukhang hindi maganda ang panahon.

Napatingin ako sa namumuong dilim mula sa kalangitan. Sa isang iglap ay bumuhos ang malakas na ulan dahilan upang magsipagtakbuhan papasok sa kani kanilang bahay ang mga bampirang kanina ay aking natanaw.

Naramdaman kong nagsisimula ng pumatak ang malakas na ulan mula dito sa kinatatayuan ko.

Napagpasyahan ko ng bumalik sa loob ngunit napukaw ang atensyon ko ng isang bagay na mabilis dumaan sa aking harapan.

Sa sobrang bilis ay halos hindi ito mapapansin ng isang normal na bampira.

"Bella?" Tinitigan ko siya ng mariin at agad napakunot ang aking noo ng mapansin ang mga luha sa kaniyang mata.

Sa isang iglap ay nawala siya sa aking paningin.

Maya maya ay natanaw ko ang prinsipe Alexus na tumatakbo na tila may hinahabol.

Di rin nagtagal ay sumulpot ang kaniyang mga kapatid. Gaya niya ay hingal na hingal ang mga ito.

"Tsk" si Agatha. Na ngayon ay masama ang tingin kay Alexus.

"Hanapin mo siya Alexus!" Sambit ni Amelie sa kinakabahang tono.

Pansin ko ang panlulumo sa mukha nila Gabriel at Alexander.

Pansin kong dumating ang isang magandang babae.

Agad akong kinabahan ng makilala ang kaniyang pamilyar mukha.

"S-Sabrina"
__________

Isabella

Nanlambot ako ng makita kung paano hinalikan ng babaeng iyon si Alexus.

Tila pinipiga ang puso ko sa nasaksihan kanina, kaya't bago pa man nila maramdaman ang presensya ko ay tumalikod na ako at mabilis na tumakbo.

Nakarinig ako ng mura ngunit hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa pagtakbo.

Sa mga oras na iyon ay wala akong ibang inisip kundi ang makalayo sa kanila.

Nakita kong dumilim ang kalangitan at kasabay ng pagbagsak ng malakas na ulan ang pagbagsak ng mararahas na luhang nagmula sa aking mga mata.

Tila sinasalamin nito ang aking nararamdaman.

Takbo lang ako ng takbo at hindi alam kung saan ako pupunta.

Kalaunan ay nakaramdam ako ng pagod. Tumigil ako at inilibot ang tingin sa paligid.

Nasaan ako?

Nakatayo ako sa gitna ng apat na naglalakihang mga bato. Di kalayuan ay nakarinig ako ng lagaslas ng tubig na nagmumula sa isang talon.

Ang kaninang malakas na ulan ay napalitan ng ambon at tuluyang nawala.

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon