Chapter 24

5.7K 171 25
                                    

Isabella

Tatlong hakbang paharap at maglalapat ang mga kamay saka sasabayan ng marahang pag ikot habang nakaalalay ang kaniyang kamay sa aking likod.

Ilang oras na rin mula ng mag umpisa kaming sumayaw ni Louis at masasabi kong magaling siyang magturo dahil agad ko rin naman nakakabisado.

Nakadagdag pa ang kaniyang malumanay na boses at magaang hawak. Mga ilang araw lang ay sigurado akong kabisado ko na ang buong sayaw.

At ang natitirang araw marahil ay gagamitin nila upang pagandahin ang bulwagang ito.

Napatingin ako kay Alexus at Sabrina na gaya ko ay kanina pa nag umpisang sumayaw. Pansin ko ang galing nya sa larangang ito.

Kaya pala siya ang napili ng dalawang prinsipe upang maging kapareha ni Alexus.

Kung sa bagay ay magaling rin naman si Alexus sumayaw.

Binuhat ni Alexus si Sabrina saka nito hinawakan ang kanyang leeg pababa sa mga dibdib nito.

Agad akong napairap. Nag- iinit ang ulo ko.

Napatingin ako kay Agatha at tinaasan niya ako ng kilay na parang sinasabing... ano ng balak ko?

"Madali kang matuto binibining Isabella" bulong ni Louis saka siya humawak sa bewang ko upang iangat.

Pansin kong balewala lang sa kanya ang bigat ko kaya't agad kong ipinulupot ang binti ko sa bewang nya. Sandali siyang natigilan ngunit nagpatuloy parin.

Para talaga siyang anghel.

Pakiramdam ko tuloy ay ginagawan ko siya ng kasalanan. Muli akong napatingin sa gawi nila Agatha at sumilay ang isang nakakalokong ngiti.

Bumaba ako at pinaglapat ni Louis ang kamay namin habang nasa bewang ko ang isang kamay niya.

Lumapit ako at bahagyang idinikit ang dibdib ko sa dibdib niya. Natigilan siya sa ginawa ko ngunit nagpatuloy parin.

Pasimple akong tumingin kila Alexus at nakita kong madilim ang tingin nya sa akin.

Kalaunan ay muling tumayo ang hari at sinabing maaari muna kaming magpahinga na mabilis naman naming sinang-ayunan.

Naupo muna ako sa tabi nila Amelie at Agatha.

"Ang galing mo Bella" ani Amelie.

"Hindi ko inakalang mahusay ka sa ganito" papuri ni Agatha.

Namahinga muna kami ng isang oras at nakita na naman ang hari at reyna.

"Kailangan bang kumpleto kayong nanonood sa amin?" Naguguluhan kong tanong.

Medyo nahihiya kasi ako kapag alam kong nanonood ang hari at reyna.

"Hindi naman. Marahil ay na miss lang ng hari at reyna ang kanilang sayaw noon. Pagdating naman kay Gabriel at Alexander sigurado akong nais nilang suportahan si Alexus." Banggit ni Amelie.

"At kami naman ay nandito para suportahan ka" sambit ni Agatha na nagpangiti sa akin.

Hindi na siya kagaya nung dating Agatha na nais akong patayin dahil sa pagsampal ko kay Alexus.

"Maaari na ulit kayong magsimula" pagpapatuloy sa amin ng hari.

Ngunit sa pagkakataong ito ay sumabay sila ng reyna sa pagsayaw.

Nakarinig ako ng mga sipol sa paligid, alam kong nagmula ito sa mga prinsipe. Napahagikgik naman si Agatha at Amelie sa isang sulok.

Kaya pala nanonood ang hari at reyna kanina ay upang alamin ang hakbang na noon ay ginawa rin nila.

Sa kanilang pagsasayaw ay ramdam na ramdam ang pagmamahal nila sa isa't isa. Napangiti ako sa nakikita at ipinagpatuloy rin ang pagsasayaw.

Sabay sabay kaming binuhat ng aming mga kapareha ngunit agad kaming napatingin kay Sabrina.

Nanlaki ang mata namin dahil dumulas ang pagkakahawak niya sa leeg ni Alexus dahilan upang bumagsak siya. Pigil ang aming bawat paghinga.

Natigilan kami sa nakita, hindi siya tuluyang bumagsak dahil lumutang siya sa hangin. Isa isa kaming nagkatinginan dahil sa aming napagtanto.

Si Sabrina...

Kung gayon ay nahanap na ang nawawalang prinsesa na siyang nagtataglay ng Power of Wind.

Natigil ang aming iniisip ng may magsalita. Agad ring tinulungan ni Alexus si Sabrina upang makatayo.

"P-Papaano mo n-nagawa iyon?" Tanong ni Alexus.

Nanatiling walang imik si Sabrina at tila siya ay naguguluhan rin sa nangyayari.

"Hanggang ngayon ba ay hindi mo parin alam ang vampire gift mo?"
Sambit ni Alexus at tila natauhan naman si Sabrina sa nangyari.

"H-Hindi p-pa, ngayon lang ito nangyari" banggit ni Sabrina.

"Maligayang pagbabalik prinsesa" maikling sabi ni Gabriel na siyang nagpatunay sa hinala ko.

Yumuko siya upang magbigay galang at nasundan ito kaya't ganun din ang ginawa ko.
__________

Ilang oras na ang nakalipas magmula ng matapos ang aming pagsasanay at hanggang ngayon ay nananatiling lutang ang isip ko.

Narito ako sa hardin at sumalampak sa sahig at niyakap ang tuhod ko saka tumulala.

Pansin kong nadadalas ko ng gawin ang bagay na ito. Naramdaman ko ang presensya ni Gabriel at umupo sa tabi ko.

"Malalim ata ang iniisip mo Bella."
Huminga ako ng malalim saka sumagot.

"Papaanong nangyaring ngayon niya lang nalaman iyon Gabriel?"
Saglit siyang tumingin sa akin at ibinalik rin ang tanaw sa hardin.

"Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay maagang nalalaman ng mga bampira sa mundong ito ang kanilang kapangyarihan. Minsan ay natatagalan rin gaya ni Sabrina, matagal na pala naming nakakasama ang prinsesa ng Magno Imperial ngunit hindi namin siya makikilala kung hindi niya pa aksidenteng nagamit ang kapangyarihan niya." Sambit ni Gabriel.

Kung sa bagay, ang elemental powers ay mga prinsesa't prinsipe ng Magno lang pala ang nagtataglay.

"Ngayong nagbalik na siya ay nararamdaman kong malapit na ring magbalik ang nawawalang palasyo pati na rin ng hari, reyna at prinsipe Kristoff." Ani Gabriel.

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon