Chapter 4

9.3K 319 2
                                    

Isabella

Napag alaman kong may tinutuluyan palang villa si lola Feli malapit sa palasyo.

Umuwi lang sya sa kanyang lumang bahay ng maniginip tungkol sa pagdating ko.

Pero dito pala sya namamalagi dahil sya ay kailangan ng palasyo bilang punong babaylan.

Umuuwi lang sya sa villa isang beses sa isang linggo ngunit dahil sa insidente na naganap kahapon ay minabuti nyang doon muna ako mamalagi.

Para na rin daw makalayo ako sa ikalawang prinsipe.

Kung tutuusin, maliit lang ang bahay ni lola Feli, pero maayos. May kusina, sala, dalawang kwarto, at isang banyo.

Sinubukan kong pumasok sa kwarto at nabigla ng mapansing isa pala itong library.

Kahit maliit ang kwartong ito ay puno ng mga librong makakapal at maalikabok.

Paalis na sana ako ng makuha ng isang libro ang atensyon ko. May nakaipit na piraso ng papel sa loob nito na syang kinuha ko.

"Magno Empire" naalala ko ang binanggit ni lola Feli kahapon.

"Makinig kang mabuti Bella. Ang ikalawang prinsipe ng Magno Celestial ay kilala bilang mapusok na prinsipe. Kaya sana ngayon palang ay iwasan mo na sya, ayokong mapahamak ka."

Hindi ko alam kung hanggang kaylan ako mananatili sa lugar na ito ngunit kahit papaano ay dapat may alam ako tungkol dito.

Mabilis kong kinuha ang piraso ng papel at binasa.

Ang Emperyong Magno, ito ay nahahati sa dalawa: Magno Celestial at Magno Imperial.

Magno Celestial was ruled by the great king Nicholas Xavier Chamberlain and Queen Emery Veronica Chamberlain.

The Princes and Princesses

Alexander Stephan- First prince
Alexus Stephan- Second Prince
Agatha Victoria- Third born. First princess
Alex Gabriel Stephan and Amelie Victoria- Twins. Third prince and second princess.

Magno Imperial was ruled by the great king Augustus Genevianna together with Queen Eliza Laura Genevianna.

Kristoff Lawren- The only prince

The whole Genevianna Palace together with King, Queen, and Prince, disappeared leaving no traces behind.

Ito ang nilalaman ng kapirasong papel na binasa ko.

Leaving no traces behind?

"Pero paano yon nangyari?" Isang araw naglaho nalang bigla ang palasyo kasama ang hari at reyna kasama ang nag iisa nilang anak?

Nakapagtataka pero kung naglaho ang Magno Imperial ay hindi ba dapat kasama ang mga mamamayan nito?

Kung ganon ay sino ang namuno sa mga mamamayan na iyon?

Paanong hindi manlang nila nakita na nawala ito? Napakalaki ng isang palasyo para biglang maglaho sa isang iglap lang.

Marahil ang librong pinagmulan ng kapirasong papel na ito ang naglalaman ng buong pangyayari.

Pero nasaan ito?

Naghanap pa ako ng librong maaaring pinagmulan nito ngunit wala na akong nahanap.

Puro patungkol na ito sa pang gagamot at mga halaman.

Lumingon lingon ako sa maliit na library ni lola Feli. Mukhang wala rito ang libro na hinahanap ko.

Biglang pumasok sa isip ko ang nag iisang lugar na maaaaring naglalaman ng impormasyon tungkol dito.

Chamberlain Palace

__________

Alexus

Naglakad lakad ako sa paligid ng palasyo. Bawat madaanan kong mga katulong at kawal ay nagbibigay galang sa akin.

Hindi ko alam kung saan ako tutungo ngunit namalayan ko nalang na dinala ako ng paa ko papunta sa hardin ng palasyo.

Kung saan ko nakita ang magandang babaeng iyon kahapon.
Umupo ako sa ugat ng malaking puno at pumikit.

Ngunit sinong niloko ko? Alam ko sa sarili kong nag aantay ako ng muli nyang pagbabalik.

Nalalapit na ang taunang selebrasyon sa palasyo at lahat ng mamamayan ay imbitado.

Kahit papaano ay umaasa ako na darating sya sa selebrasyon na iyon.

Nakatulala ako at namamahinga sa ilalim ng puno ng maramdaman na parang may tumusok sa dibdib ko.

Pinakiramdaman ko ito at tiningnan kung may tumusok na kung anong bagay dito ngunit wala.

Iwinaglit ko ang mga naiisip at namahinga.
__________

Amelie Victoria

Malalim ang aking iniisip habang nakatanaw sa makulimlim na kalangitan.

Mukhang may hindi magandang mangyayari.

Nang biglang may pumasok sa vision ko.

Nakita ko ang prinsipe Alexus na halos mangitim na ang buong katawan habang nakatanikala ang kamay at paa at may namumulang mga mata.
Pilit na nagwawala ang prinsipe.

"M-My mate. K-Kailangan ko s-sya"

Halos hindi na makilala ang kanyang boses at lumalabas na ang kanyang pangil.

Pilit syang pinakakalma ng inang reyna ngunit parang wala syang naririnig at mukhang uhaw na uhaw.

Inabutan sya ng dugo ng amang hari at agad nya itong ininom.

Ngunit bigla nalang nyang isinuka ito. Mababatid ang labis na pag aalala ng hari at reyna.

"H-Hindi ito ang dugo na kailangan ko. D-dalhin ninyo sya sa a-akin, m-mamamatay na a-ako."

Hirap na hirap itong magsalita habang nakahawak sa kanyang lalamunan.

Ito ang aking vampire gift ang makakita ng nakatakdang mangyari sa hinaharap.

I'm a seer.

Sa oras na makita ito ng vision ko, alam kong ito ay magaganap.

"Kailangang malaman ito ng amang hari at inang reyna. "

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon