Chapter 43

5.6K 206 5
                                    

Isabella

Bawat salitang lumabas sa bibig ni Prinsipe Amir ay tumatatak sa isipan ko.

"Hindi ko alam kung paano ka napunta sa kanila ngunit malinaw sa akin na sila ang tumayong magulang mo sa loob ng dalawampung taon."

Paulit ulit kong nakikita ang masasayang ala ala ko kasama sila mommy at daddy nung nasa mundo pa ako ng mga tao.

Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko at nanlabo ang paningin ko dahil sa luhang hindi ko namalayang kasalukuyang pumapatak kasabay ng pag ikot ng paligid.

Ngayon ay ramdam na ramdam ko ang panghihina. Unti unting bumabawi ang katawan ko sa mga dugong nawala sa akin.

Bumibigat ang talukap ng mata ko at pakiramdam ko ay malapit na akong mawalan ng malay.

"Isabel! Isabel!" Nag aalalang tawag sa akin ni Zaira na nakayakap sa akin.

"Kailangan nating makarating agad sa Magno upang dalhin siya kay Prinsipe Alexus, siya lang ang makapagpapabalik ng lakas ni Isabella" ani prinsipe Amir.
__________

Zafira

Mahigit dalawang oras na kaming naglalakbay sa himpapawid, malapit na ring mag umaga dahil bahagya ng tanaw ang papasikat na araw.

Ilang oras na ring natutulog si Isabel sa kandungan ko. Mainam na ito, upang kahit papaano ay mabawi niya ang lakas niya.

Naramdaman kong bumababa na ang lipad namin kaya't inakala kong malapit na kami, ngunit ng ibaling ko ang tingin sa ibaba ay napansin kong isa itong malawak na lupain.

Magno Imperial ito ah?

"Fuego... Sa Magno Celestial ang punta natin" utos ko kay Fuego ngunit sa kauna unahang pagkakataon ay hindi niya ako sinunod.

Patuloy siya sa paglipad pababa hanggang sa tuluyan kaming lumapag dito.

Napatingin ako kay kamahalan, kahit siya ay bakas ang pagtataka ngunit pinili nalang manahimik habang buhat buhat si Isabel.

"Fuego pakiusap, dalhin mo kami sa Magno Celestial" pakiusap ko kay Fuego ngunit sa kauna unahang pagkakataon ay nagawa niya akong suwayin.

Naging isang puting usok siya at tuluyang pumasok sa kwintas ko.

Nakakapagtaka, ni minsan ay hindi ako sinuway ni Fuego, ngayon lang.

"Bakit naman dito mo kami dinala Fuego? Ngayon pa na nanganganib ang buhay ni Isabel." Usal ko sa sarili.
__________

Isabella

Natagpuan ko ang sarili sa isang palasyong hindi pamilyar sa akin.

Bawat makita ko rito ay naghuhumiyaw ng karangyaan. Mula rito sa kinatatayuan ko ay tanaw ang daan palabas dito.

Sinimulan ko ng humakbang ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako ay bigla akong natigilan ng marinig ang pamilyar na musika.

Pero sa pagkakataong ito ay mas malinaw at mas malakas ito na tila nasa malapit lang ang nasa likod ng magandang musika.

Namalayan ko nalang na tinatahak ko na ang daan taliwas sa pintuang palabas ng palasyo.

Nakakita ako ng pigura at habang lumalapit ako ay mas nagiging malinaw sa akin ang itsura niya.

Tuluyan akong natigilan sa kinatatayuan ng makilala ang lalaking pinagmumulan nito.

Mula sa kung saan ay sumulpot ang asawa niya at sandaling humalik sa kaniyang labi.

Hindi ba't sila ang nakita kong nagtatampisaw sa talon mula sa panaginip ko?

Sa isang iglap ay biglang naging isang puting usok ang plauta at nawala, na siyang dahilan para matulala ako.
Pamilyar ang kapangyarihang iyon.

Natatandaan kong nagiging isang puting usok si Fuego sa tuwing tinatawag siya ni Zafira at ganoon din ang nangyayari kapag muli na siyang babalik sa kwintas.

May dumating na isang binata na agad yumakap sa kanila at lumuhod sa kaniyang ina saka hinalikan ang tiyan nito. Bakas ang saya sa kaniyang mukha.

Dun ko napansin ang umbok sa tiyan ng kaniyang ina.

Hindi ko alam kung bakit ganito kasaya ang puso ko dahil sa nakikita.

Biglang naalala ko ang mga salitang binanggit ni Zaira sa akin.

"I-Ikaw ang nawawalang prinsesa!"

Agad rumagasa ang luha sa mata ko at masayang tiningnan ang pamilyang nasa harapan ko.

Kung gayon ay ako ang batang nasa sinapupunan ni ina sa panaginip kong ito.

"Ama, ina... at kapatid ko" Napatakip ako ng bibig upang pigilan ang emosyong biglang kumawala sa akin.
Nakarinig ako ng hindi pamilyar na boses mula sa isipan ko.

"Ang iyong pagkabuhay ay magmimitsa ng kasakiman at pagkabulag sa iba. Ikaw ang susi sa digmaan at kapayapaan."

"Ang pagdaloy ng buhay ang siyang kikilalanin. Anak... panahon na upang kami ay palayain." Napatingin ako sa pamilyang nasa harapan ko at nakitang nakangiti sila sa akin.

"A-Ama"

Nagising ako sa isang malambot na damuhan at agad rumehistro sa akin ang lugar.

Magno Imperial

Mula sa malayo ay nakita kong nakasakay ang prinsipe Amir sa isang kabayo at kausap si Zaira.

"Mabilis nakarating sa ibang emperyo ang nangyari kaya't sigurado akong sa mga oras na ito ay hinahanap na nila si Isabella, isa pa ay bali balitang sinunog ni Prinsipe Alexus ang silid ng Haring Emerson. Sigurado akong tinitipon na niya ang mga namumuno sa iba pang emperyo upang magsagawa ng sikretong digmaan laban sa Magno. Sasamantalahin nila ang pagkakataong wala ang tulong ng Magno Imperial" Humarap ang prinsipe kay Zaira.

"Kailangan ko ng bumalik sa Arandin, may mahalaga akong kailangang gawin." Ani Prinsipe.

"Kung gayon ay mag iingat kayo prinsipe." Pagpapaalam ni Zaira. Yun lang at agad siyang umalis.
Alam kong hindi lang ito ginagawa ng prinsipe Amir para sa akin, dahil sigurado akong nais niya ring masiguro ang kaligtasan ni Amelie na siyang itinakda sa kanya ganun din ang pamilya nito.

"Isabel!" Tumakbo si Zaira upang yakapin ako.

"Kumusta ang iyong kalagayan?" Tanong niya

"Maayos na ang pakiramdam ko Zaira" usal ko.

Sinungaling. Kahit kaunti ay hindi nabawasan ang bigat ng pakiramdam ko. Sinabi ko lang ito upang hindi mag alala si Zaira.

"Hintayin mo ako rito Zaira. May kailangan lang akong puntahan" nakita ko ang pagtutol sa kaniyang reaksyon.

"Saan ka pupunta Isabel? Hindi maaari, baka mapahamak ka, sasama ako sayo!"

"Hindi ako papayag Isabel. Huling beses na iniwan kita ay napahamak ka, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari na namang masama sayo, at isa pa ay tingnan mo ang sarili mo, ni hindi ka nga makalakad ng maayos." Sermon sa akin ni Zaira.

"Pakiusap Zaira, magtiwala ka sa akin." Natigilan siya sa narinig.

Kalaunan ay nakarinig ako ng isang malalim na buntong hininga.

Hindi man sang ayon sa akin si Zaira ngunit alam kong malaki ang tiwala niya sa akin.

"Hihintayin kita, pakiusap mag ingat ka Isabel"

"Pangako babalik ako" sandali akong yumakap sa kaniya saka tumalikod at umalis.

Muli kong narinig ang magandang musikang nagmumula sa plauta. Parang may sariling buhay ang paa ko at dinala ako nito sa tapat ng talon.

Kailangan kong gawin ito.

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon