Chapter 50

5.9K 207 17
                                    

Death

Isabella

Lahat ng bagay ay may katapusan. Gustuhin man nating mangyari ito o hindi, darating ang araw na ang buhay na hiniram natin ay muling babawiin ng lumikha.

Inaamin kong takot akong mamatay, ngunit kung ito ang itinakdang maganap sa akin ay wala akong magagawa.

Kailangan kong tanggapin ang kapalarang ibinigay ng propesiya.

Ngunit kung may isang bagay man akong lubos na pinanghihinayangan sa mga oras na ito, iyon ay ang... hindi ako nagbigyan ng pagkakataong makasama ang tunay kong pamilya.

Nakaramdam ako ng lamig na nagmumula sa pisngi ko senyales ng pagdaloy ng luha.

Nasasaktan ako... kung kailan ako napamahal sa mundong ito ay saka naman wawakasan ang buhay ko.

Nasasaktan ako... dahil kung kailan ko muling naramdamang may nagmamahal sa akin ay hanggang dito nalang ito.

Naramdaman ko na ang dulo ng punyal sa dibdib ko ng marinig ang isang malakas na kidlat dahilan para matigilan ang lahat. Dahil rin dito ay hindi naituloy ang tangkang pagbaon ng punyal sa akin.

Kidlat?

Nagmulat ako ng mata at nakita ang madilim na kalangitan.

"Anong nangyayari?" Tanong ni Haring Emerson. Bakas sa ekspresyon niya ang matinding pagkagulat.

Napatingin ang lahat sa kalangitan ng marinig ang isang malakas na alingawngaw at nagbuga ito ng apoy.

Si Fuego... at nasa likod niya si Zaira!

Nagsimulang magtakbuhan ang mga bampirang narito palabas sa bulwagan.

Hindi pa man ako nakakahuma sa bilis ng pangyayari ay nakarinig ako ng sigaw mula sa kung saan.

"Itigil mo yan Emerson! Ikaw mismo ang lumalabag sa sarili mong batas! Wala kang karapatang patayin ang anak ko!"

"Anak?"

Napatingin ako sa lalaking nagsalita. Nanlaki ang mata ko. Sa kauna unahang pagkakataon ay nasilayan ko ang kaniyang mukha ng hindi sa panaginip.

At sa gilid niya ay nakatayo ang buong pamilya ni Alexus kasama si... ina at kapatid ko?

Muling nag unahan sa pagpatak ang luha ko.

Nandito sila para iligtas ako.

"Augustus?" Nakarinig ako ng pagtawa mula kay Haring Emerson kaya't ibinaling ko ang tingin sa kaniya.

"Maligayang pagbabalik Augustus at sa iyong pamilya... ngunit hindi niyo gugustuhing masangkot sa babaeng ito, at anong kahibangan ang narinig ko?" Itinuro niya ako.

"Siya? Siya ang anak mo? Wag mo kaming gawing tanga dahil iba ang sinasabi ng dugo niya!" Sigaw ni haring Emerson.

Sino ba namang maniniwala na isa akong tunay na bampira kung hanggang ngayon ay mas lamang parin ang pagiging tao ko.

Muli niyang kinuha ang punyal at ng akmang itatarak niyang muli sa dibdib ko ay biglang may naghagis ng bolang apoy sa kaniya na agad niyang naiwasan.

"Not my mate"

Bumakas ang matinding galit sa mukha ni Haring Emerson at sumigaw "MAGHANDA PARA SA DIGMAAN!"

Nanlaki ang mata ko ng rumehistro sa akin ang sinabi niya. Ilang sandali pa ay narinig ko ang tunog ng mabibigat na yapak at mga espada.

Hindi dapat ganito ang mangyari!

Hanggang sa tuluyang sumugod ang mga kalaban. Napalibutan ako ng mataas na yelo mula kay Gabriel na para bang pinoprotektahan ako sa anumang uri ng pag atake.

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon