Chapter 27

5.5K 208 2
                                    

Isabella

Ilang araw na akong naglalakbay at ilang araw na rin ang nakalipas matapos ang nangyaring insidente sa pagitan namin ni Sabrina.

Alam kong sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung saan ako pupunta at isa pa, wala rin akong matutuluyan.

Hindi maiiwasang makaramdam ako ng pagod at panghihina dahil bukod sa kulang ako sa tulog ay hindi pa ako nakakainom ng dugo.

Napagpasyahan ko munang bumaba sa kabayo ng matanaw ang bayan.

Pansin kong hindi masakit sa balat ang sinag ng araw, marahil ay maaga pa.

Rinig na rinig ang boses ng mga nagtitinda sa gilid ng kalsada. May mga bumibili at ang iba naman ay napadaan lang. Gumigilid sila pag may napapadaang mga kalesa.

Sa ngayon ay mas nanaisin ko ang ingay na tulad nito dahil kapag nag iisa ako ay muli akong nakakaramdam ng lungkot at naaalala ang mga nangyari.

Hawak ko sa isang kamay ko ang tali ng kabayo at pilingon lingon sa paligid. Kahit mukhang mababait ang nandito ay kailangan ko paring mag ingat.

Pansin ko ang pasimpleng tingin ng mga bampirang nadadaanan ko ngunit isinawalang kibo ko lang ito.

Nasaang emperyo kaya ako?

Naramdaman kong may bumangga sa kanang balikat ko dahilan upang mapaupo ako sa sahig.

Nilingon ko ang lalaking bumangga sa akin at nakitang mabilis ang lakad nya. Kumunot ang noo ko sa pagkairita.

Ni hindi manlang ako tinulungang makatayo!

Tatayo na sana ako ng makitang may nakalahad na kamay sa harapan ko.

Tiningnan ko kung sinong nagmamay ari nito. Medyo hindi ko makita ang kanyang mukha dahil natatakpan ng salakot ngunit mababakas na nakangiti sya.

Inabot ko ang kanyang kamay at marahan akong hinila patayo.

"Salamat" agad akong yumuko at muling ibinalik sa kanya ang tingin.

Namangha ako ng makita ang kulay brown nyang mata.

"Naniniwala akong ngayon lang kita nakita magandang binibini. Saang emperyo ka nagmula?" Sabi ng estrangherong lalaki.

Parang pamilyar ang aura ng isang to.

"Magno" maikling sagot ko.

Wala naman sigurong masama kung sabihin ko.

Natigilan ako ng alisin niya ang salakot na tumatakip sa kanyang mukha ngunit pansin kong nanatili syang nakayuko na parang may pinagtataguan. Kahit nakayuko ay masasabi kong gwapo sya.

"Ano ang iyong pangalan binibini?"
Sandali akong tumitig sa kanya at huminga ng malalim. Kahit ayokong sagutin ang tanong nya ay may nagtutulak sa akin upang sumagot.

"Isabella" napangiti sya at tumango tango.

Aalis na sana siya ng ako naman ang magtanong.

"S-Sandali ginoo. Anong emperyo ito?"

Ibinalik nya ang kanyang salakot at tumingin sa akin ng diretso.

"Quinoa"

Naglakad na siya at lumampas sa akin.

"T-teka maaari ko rin bang malaman ang iyong pangalan?" Sambit ko.

Tinanong nya ang aking pangalan at ang kanya ay hindi nya sasabihin?

Huminto sya sa paglalakad ngunit nanatiling nakatalikod sa akin.

"Amir" maikling sabi nya.

"Hanggang sa muli nating pagkikita binibining Isabella" ang huling sinabi nya bago nagpatuloy sa paglalakad.

Muli akong sumakay sa kabayo saka dumiretso sa isang kagubatan.

Tuluyang babagsak ang katawan ko kapag hindi pa ako nakainom ng dugo.

Itinali ko ang kabayo sa malapit na puno saka hinayaan itong kumain ng damo.

Pinakiramdaman ko ang paligid at nakarinig ng kaluskos, sa isang iglap ay natagpuan ko ang sarili kong iniinom ang dugo ng usang nakita ko.

Hindi na ito naging mahirap para sa akin dahil naalala kong minsan na akong tinuruan ni lola Feli sa bagay na ito.

Unang lapat palang ng dugo nito sa labi ko ay agad akong nanibago sa lasa.

Di hamak na mas masarap ang dugo ni Alexus.

Kumirot ang puso ko sa naalala. Alam kong kahit anong gawin ko ay hindi ko mapipigilan ang puso kong mahalin siya.

Umupo ako sa nakausling ugat ng puno saka itinaas ang tuhod ko at sumandal sa puno.

Kung ang rason ng propesiya para mapunta ako sa mundong ito ay dahil itinakda ako kay Alexus, ito ay naganap na. Nakilala na namin ang isa't isa ngunit nauwi lang sa ganito.

Kung ganon ay wala na akong nakikitang rason upang magpatuloy ang buhay ko sa mundong ito.

Umihip ang hangin at naramdaman ko ang lamig sa bandang pisngi ko.

Hinawakan ko ito at napagtantong umiiyak pala ako. Natawa ako sa sarili.

Ilang beses na ba akong umiyak sa mundong ito?

Pagod na ako. Gusto ko ng magpahinga, kahit saglit lang.

Hinayaan ko ang sariling tangayin ng antok.
__________

Nakarinig ako ng tawanan.
Inilibot ko ang tingin sa paligid at agad kumunot ang noo ko.

Ano na namang ginagawa ko sa lugar na ito?

Nakatayo ako sa gitna ng apat na naglalakihang bato, muli kong narinig ang tawanan hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.

Sinundan ko ang mga ito at habang palapit ako ay palakas ng palakas ang tunog.

Dinala ako nito sa tapat ng talon.
Ito yung talon kung saan ko narinig ang magandang musikang nagpakalma sa akin.

Nang makita ko ito ay agad bumungad sa akin ang isang masayang pamilyang naliligo.

Napatingin ako sa lalaking medyo may katandaan na ngunit bakas parin ang kakisigan, pansin kong nagwiwisikan sila ng tubig ng babaeng maganda at may maamong mukha. Sigurado akong sila ay mag-asawa.

Sa bandang sulok ay nakita ko ang isang binata na nakaupo sa malaking bato na nakatingin lang sa kanila at nakangiti.

Marahil siya ang kanilang anak, dahil pansin kong may pagkakahawig sila ng kanyang ama at bakas rin sa kanya ang kakisigan.

Ilang minuto pa ay nagwisikan na silang tatlo habang masayang nagtatawanan.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Parang nakikita ko ang sarili ko sa binatang iyon.

Kung nabubuhay lang sana sila mommy at daddy ay sigurado akong ganito rin kami kasaya.

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon