Chapter 20

6K 192 19
                                    

Isabella

Nanlaki ang mata ko. Parang nabingi ako sa sinabi nya.

"A-Anong sinabi mo?"

Tama ba ang pagkakarinig ko?

"I said you need to give yourself to me" ani Alexus. Natulala ako sa narinig.

"Yan ang dahilan kung bakit ayoko pa sanang ipaalam sayo kasi alam kong hindi ka pa handa."

May naalala akong isang bagay. Tila nadagdagan ang bigat sa pakiramdam ko.

"D-Did you do it with her?" Lutang ako ng binanggit ito.

"What?!" Ani Alexus. Tila siya ay nabigla sa tinanong ko.

"I said. Did you do it with Sabrina?" May diin sa bawat salitang lumalabas sa akin.

Muli ay napasabubot siya sa kaniyang buhok. Ramdam kong nawawalan na siya ng pasyensya.

"Y-Yes" banggit niya ng hindi makatingin sa akin.

Ginamit ko ang bilis ko at lumabas ng kwarto saka ako dumiretso sa hardin.
Naramdaman kong pumapatak na naman ang mga luha ko.

Hindi man lingid sa kaalaman ko na isa siyang mapusok na prinsipe ngunit ang imaheng iyon na ginagawa nila ni Sabrina ay nakakadurog ng puso.

Alam ko namang wala akong karapatang makaramdam ng selos kasi unang una ay hindi pa kami magkakilala nung mga panahong iyon. Pero ang isipin na, mula bata sila ay magkasama na sila at kalaunan ay nagkaroon ng relasyon. Parang mas ipinamumukha sa akin ng tadhana na ako ang sumira sa kanila.

Naging komplikado lang ang lahat ng dumating ako.

Kung bakit ba kasi isa kong tao?

Kung sana ay isa na lang rin akong bampira ay hindi na magiging magulo ang lahat. Ngayon ay malalagay pa ang Magno Celestial sa kapahamakan dahil sa akin.

Wala akong dulot na maganda sa mundong ito.

Naramdaman ko ang presensya ng hari at reyna kaya mabilis kong pinunasan ang luha ko.

Nang makalapit sila ay yumuko ako bilang pagbibigay galang.

"Paumanhin Bella kung hindi namin kaagad sinabi sayo." Natahimik ako sa sinabi ng hari.

Tumabi sa akin ang reyna at hinawakan ang aking kamay.

"Napagpasyahan namin na ang selebrasyon ng pagkilala sa iyo ay gaganapin sa huling araw ng buwan. May dalawang linggo pa kayo ni Alexus upang paghandaan ang magaganap sa ritual."

Kailangan naming paghandaan ang bagay na iyon?

Bumakas ang pag aalala sa mukha ko. Napansin ito ng reyna kaya't agad siyang natigilan at tila ngayon lang rumehistro sa kanya ang sinabi nya.

"Ang ibig kong sabihin ay ang tradisyunal na sayaw bago maganap ang ritual."

Nakahinga ako ng maluwag sa narinig.

"Sa susunod na araw ay darating ang mga magsasanay sa inyo ni Alexus para sa sayaw." Maikling singit ng hari.

"Maaari ko po bang hilingin na sa mismong araw nalang ng ritual kami mag pares ni Alexus?"

Sana'y maintindihan nila.

"Maaari Bella" sambit ng reyna
Matapos non ay umalis na rin sila.

Kung ganon sa huling araw ng buwan ay ibibigay ko na sa kanya ang bagay na matagal ko ng iniingatan.
__________

Alexus

"You should be happy now. She's back" sambit ni Alexander na mas lalong nagpakunot ng noo ko.

Kung bakit ba naman kasi pumasok ang dalawang ito sa kwarto ko.

"Bumalik nga siya pero wala namang balak tumabi kay Alexus. Kawawa namang ang kapatid natin." Ani Gabriel na umiiling iling pa at halatang nagpipigil ng tawa.

"Pumunta ba kayo dito para bwisitin ako?" Hindi na maalis ang kunot sa noo ko.

Pero alam kong kahit papaano ay nabawasan ang bigat sa loob ko dahil sa kanila.

"We're here to help you actually" banggit ni Alexander at tumaas taas pa ang dalawa niyang kilay.

Napairap ako sa narinig. Ayan na naman at may pumasok na namang kalokohan sa isip nila, idadamay pa ko.

"Wag kang mag alala Alexus pagseselosin lang natin siya para tabi na ulit kayo matulog." Nagkatinginan ang dalawa saka ngumiti sa isa't isa.

Kahit kailan talaga ay may pagka isip bata ang dalawang ito.

"Kapag ako ay napahamak. Kayong dalawa ang mananagot." Sabi ko sa dalawa.

"Kaya nga isa itong sikreto" sambit ni Gabriel.

Lumapit ang dalawa sa akin saka ibinulong ang kanilang plano.

Kumunot lalo ang noo ko sa narinig.

"Sa oras na pumalpak ang planong ito ay isusumbong ko kayo kay ama at ina" agad silang namutla sa sinabi ko.
__________

Agatha

Papasok na ako ng kwarto ko ng mapansing pumasok si Gabriel at Alexander sa kwarto ni Alexus.
Ano na naman kayang binabalak ng dalawang to?

Batid namin ang pinagdadaanan ni Alexus at Bella. Malamang ay may gagawing kalokohan ang dalawa at idadamay pa si Alexus.

Napairap ako at natagpuan ko ang sariling palihim na nakikinig sa kanilang pinag uusapan.

Kumunot ang noo ko ng hindi ko narinig ang kanilang plano. Pero isa lang ang alam ko, binabalak nilang pag selosin si Bella.

Agad kong hinanap si Amelie saka si Bella at pinapunta sila sa kwarto ko.
Humarap ako kay Bella.

"Siguradong may pinaplano ang dalawa para pag selosin ka Bella, yan ay ayon sa narinig ko. Dapat ay maging handa ka."

"Kung ganon ay hindi lang dapat sila ang may plano. Dapat tayo rin." Ani Amelie.

Napatingin ako kay Bella na tahimik na nakikinig sa usapan namin.

"Kung nais nila akong pagselosin ay ganon din ang dapat nating gawin. Ikaw na ang bahalang mag plano Agatha at susundin ko." Sambit ni Bella.

Napangiti ako sa sinabi niya. Sa totoo lang ay may plano na talaga ako.

Sigurado kasi akong gagamitin ng dalawa si Sabrina para pagselosin si Bella.

Ibinulong ko ang plano ko at wala akong narinig na tutol. Kailangan ko rin ng tulong ni Amelie.

"Sa susunod na araw magaganap ang ating plano."

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon