Chapter 25

5.6K 209 6
                                    

Isabella

Kinabukasan ay muli kaming nagsanay hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin nito ngunit pakiramdam ko may nagbago.

Mas maingat at mas maagap sa bawat galaw si Alexus na tila takot na baka may magawa siyang mali sa prinsesa.

Pansin ko ring ang pagiging seryoso ng magkakapatid. Nararamdaman kong hindi komportable si Sabrina sa atensyong nakukuha niya kaya nagsalita na siya.

"Ako parin si Sabrina, kaya't kung maaari ay manatiling ganon ang turing nyo sa akin."

Tumango lang sila bilang pagsang ayon.

Di tulad kahapon na nandito ang hari at reyna, ngayon ay ang magkakapatid nalang.

Ibinaling ko ang atensyon kay Louis, pansin ko kasing malalim ang kanyang iniisip.

"Maaari ba akong magtanong Loius?" Pakiramdam ko ay isang kasalanang saktan ang lalaking ito.

"Ano yon binibining Isabella?" Magalang niyang sagot at bahagyang yumuko.

Bakit ba napaka bait ng isang to?

"Minsan ba ay naranasan mo ng umibig?"

Kahit nagsasayaw kami ay hindi naman na ito naging mahirap dahil medyo nakakabisado ko na.

Pinamulahan siya ng pisngi at napaiwas ng tingin.

Hala ang cute!

Natawa ako sa naging reaksyon nya. Mukhang alam ko na ang sagot.

"O-Oo" kandautal nyang banggit.
Kinurot ko ang ilong niya na sandaling nakapagpatigil sa kanya.

"Sigurado akong maswerte ang babaeng iyon dahil alam kong mabuti ang iyong kalooban." Nakangiting sambit ko.

"Maaari ba akong magsabi ng sikreto binibining Isabella?" Pansin kong magaan na ang loob niya sa akin.

"Maari Louis" napangiti siya sa naging sagot ko.

Inilapit niya ang kanyang bibig sa tenga ko.

"Ang totoo kasi nyan ay matagal ko na siyang gusto. Matagal na rin akong sumusulyap sa kanya mula sa malayo, alam kong hindi nya ako mapapansin dahil may iba siyang gusto, hanggang isang araw ay napanaginipan ko ang babaeng itinakda sa akin sobrang saya ko dahil siya yon" bakas ang kasiyahan sa kanyang boses.

"Sino naman ang maswerteng babaeng yon?" Tanong ko.

"Si S-Sabrina" bahagya niyang hininaan ang boses.

Nanlaki ang mata ko sa narinig at sumilay ang isang malaking ngiti.

Sigurado akong bagay sila.

"K-Kaya lang, isa pala siyang prinsesa at dukha lang ako." Marahan kong tinapik tapik ang balikat niya.

"Hindi nasusukat sa karangyaan ang pagmamahal Louis, at isa pa hindi rin magtatagal ay malalaman nya rin."

Namula ang pisngi nya sa sinabi ko at gaya ko ay napangiti rin siya.

Napatingin ako kay Sabrina na ngayon ay kasayaw si Alexus, nakita kong pasulyap sulyap siya kay Louis.

Mukhang nararamdaman na nila ang koneksyon sa isa't isa.

Matapos ang pagsasanay ay natagpuan ko ang sariling nasa kwarto ni Agatha kasama si Amelie.

"Bella nais mo bang sumama sa amin ni Amelie sa sikretong lawa?" Sambit ni Amelie.

Agad akong natigilan sa narinig ngunit hindi ko ito ipinahalata.

Hindi naging maganda ang nangyari sa akin sa lawa na iyon kasama si Alexus. Namula ang pisngi ko sa naalala.

Napatingin ako sa kanila at mukhang hinihintay nila ang sagot ko.

"S-Sige" maikling sagot ko

"Ayos ka lang ba Bella? Parang namumula ka?" Ani Agatha at napaiwas ako ng tingin.

"Ahh O-Oo" nagkibit balikat sila at umalis na kami.

Hindi gaya ng huling punta ko rito na maliwanag dahil sa araw, ngayon naman ay malapit ng dumilim dahil papalubog narin ang araw.

"Parang ang tagal kong hindi nakapunta rito." Ibinuka ni Agatha ang kamay niya saka umikot ikot.

Itinapat niya ang kamay niya sa tubig at agad akong namangha sa nakita. Lumulutang ito. Gaya ng nangyayari kapag walang gravity, ang kaibahan nga lang ay hindi lang hugis bilog ang kaya niyang gawin.

"Power of Water" mahinang sambit ko.

Napatingin sa akin si Amelie at napakunot noo.

"Ahhh oo nga pala, hindi pa namin nababanggit sayo kung ano ang taglay naming Elemetal power." Huminga siya ng malalim saka nagpatuloy.

Agatha- Power of Water

Alexus- Power of Fire

Gabriel- Power of Ice

Alexander- Power of Earth

"Ako at si Ama ay taglay ang power of Nature pero isa rin akong seer, bihira lang mangyari na dalawa ang vampire gift na taglay ng isang bampira" sabi nya saka muling humarap kay Agatha na ngayon ay naglalaro na ng tubig.

"Kung ganon ay dalawa rin ang taglay ni Alexus?" Tinaasan niya ko ng kilay dahil sa sinabi ko.

May nasabi ba akong mali?

"Dalawa?" Bakas ang pagtataka sa kanyang ekspresyon.

"Dahil bukod sa taglay nya ang Power of Fire ay kaya nya ring makapang hipnotismo." Natigilan siya sa sinabi ko at agad bumunghalit ng tawa. Kumunot ang noo ko sa kanya.

Ilang minuto lang siyang tawa ng tawa at natigil rin ng mapansin nya ang seryosong reaksyon ko.

Nagpunas pa siya ng mata na para bang naiyak pa sa katatawa saka malalim na huminga.

"Ang totoo kasi nyan ay hindi dalawa ang taglay nya. Ang hipnotismo ay magagamit mo lamang sa itinakda sayo." Mariin akong napatitig sa kanya.

"Kung ganon ay pwede ko rin siyang isailalim sa hipnotismo ko?"

Bakit ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito?

Tumaas baba ang kilay nya bilang sagot.

"Maaari ko rin bang makita ang kaya mong gawin?" Napangiti si Amelie saka tumango.

Gaya ng ginawa ni Agatha ay itinaas rin ni Amelie ang kamay niya ngunit itinapat niya sa puno.

Hindi maalis ang pagkamangha ko dahil parang nagkaroon ng sariling buhay ang puno na iyon saka gumalaw ang kanyang sanga at kumaway sa amin.

"Nakakatuwa ang taglay mong kapangyarihan Amelie"

"Ngunit bawat kapangyarihan ay may limitasyon. Sa oras na lumampas ka rito ay katawan mo na ang kokontrolin ng kapangyarihan mo. Kapag hindi mo ito napigilan ay maaari mo itong ikamatay."

**
It's exactly one month since I've decided to wrote this story.

Feel free to comment your thoughts and please vote.

Thank you!

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon