Special Chapter

8.3K 348 71
                                    

Kristen Lara

Pagdanak ng dugo na nagmula sa mga kagat

Pagguhit ng sakit sa iba't ibang parte ng aking hubad na katawan, na siyang nagpapatunay na hindi ito isang panaginip.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.

Isang buwan na ang lumipas mula ng makabalik ako sa mundo ng mga bampira, at sa isang buwan ring iyon ay opisyal akong ipinakilala sa buong Magno bilang nawawalang prinsesa ng Magno Imperial na nagngangalang Kristen Lara.

Akala ko ay hindi nila ako matatanggap, ngunit sinalubong ako ng malakas na palakpakan at matamis na ngiti sa kanilang labi.

Nung una ay naguguluhan ako sa mga pangyayari dahil wala pa akong masyadong maalala, ngunit may pagkakataong mapapanaginipan ko ang mga bagay na nangyari noon, minsan ay mapapatitig ako sa isang lugar at biglang may mga ala ala akong makikita.

Nakatulong rin sa muling pagbalik ng ala ala ko ang mga bampirang minsan ng naging malapit sa akin, na dati ay sa panaginip ko lang nakikita.

Gaya ni Amelie at Gabriel, madalas ay dinadalaw nila ako dito sa palasyo ng Magno Celestial upang ipadala ang mga sulat na nagmula kay Alexus, minsan naman ay si Agatha ang bumibisita sa akin, ngunit gaya noon ay may pagka masungit parin siya.

Madalas rin akong dalawin ni Zaira kasama si Fuego, at dahil doon ay nakakarating kami sa iba't ibang lugar.

Silang magkakapatid ang madalas na naghahatid ng mga sulat ni Alexus. Dahil mahigpit na ipinagbawal ni Ama na hangga't hindi pa kami tuluyang naikakasal ay hindi niya ako maaaring mahawakan at makausap.

Magmula kasi ng makabalik ako sa mundong ito at matapos ang pagkikita namin ni Alexus sa pamilihan ng Magno, agad akong nawalan ng malay at siya mismo ang nagbalik sa akin sa Amang hari at Inang reyna.

Sinabi nila na ang naganap na ritual noon sa pagitan namin ni Alexus sa sikretong lawa ay parte lamang ng kasal ngunit ang seremonya ay naganap kanina na dinaluhan ng mga bampira mula sa iba't ibang emperyo.

Mula ng sunduin ako ng karwahe papuntang palasyo ay hindi na maalis ang kaba sa dibdib ko, lalo pa ng marinig ko ang hiyawan ng mga bampira sa paligid, mas lalo akong kinabahan ng lumakad ako sa gitna ng pulang karpet at sa gilid ay nakatayo ang amang hari, inang reyna, mahal na prinsipe Kristoff at ganun din ang magkakapatid na Chamberlain, si Zaira, prinsipe Amir at ang anak nila ni Amelie na si Prinsipe Alterius na buhat buhat ng Reyna Emery.

Sandali akong napatingin sa suot ko. Ito rin ang ginamit ni Ina ng siya ay ikasal noon. Mababakas ang saya sa mukha ng reyna ng makita niya ako kanina.

Lahat sila ay nakasuot ng magagandang kasuotan na mas lalong nagpatingkad sa kanilang kagandahan at kagwapuhan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lahat sila ay nakasuot ng magagandang kasuotan na mas lalong nagpatingkad sa kanilang kagandahan at kagwapuhan. Bawat malampasan ko ay binibigyan ako ng
matamis na ngiti dahilan para kahit papaano ay maibsan ang kaba sa dibdib ko.

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon