Chapter 46

5.9K 222 22
                                    

The Ritual Part 1

Isabella

Magmula ng mamatay sila mommy at daddy ay nagunaw ang mundo ko. Ang mga pangarap na binuo ko kasama sila ay unti unting nawala.

Lumipas ang apat na taon ay nasanay akong mag isa at hindi ko inakalang mapupunta ako sa lugar na ito.
Ipinangako ko sa sarili kong hindi na ako muling tatakbo anuman ang problemang dumating sa akin. Dahil alam kong sa laban kong ito ay hindi ako nag iisa, dahil palaging may gumagabay sa akin.

Ilang oras na ang lumipas mula ng huling pag uusap namin ni Alexus, hindi ko na rin siya nakita pagtapos non.

Magmula kanina ay nanatili lang akong nakaupo sa balkonahe niya at hindi ko namalayan ang paglipas ng oras. Natatanaw ko na rin ang papalubog na araw ngunit hindi pa rin ako umalis dito.

Tuluyang nilamon ng dilim ang liwanag at sumilay ang bilog na buwan. Natauhan lang ako ng bumukas ang pinto ng silid at may nagsalita sa gilid ko.

"Nasabi na sa amin ni Alexus ang plano." Ani Agatha

"May natitira ka pang oras para maghanda sa magiging ritual... yun ay kung pumapayag ka."

Wala pa rin siyang pinagbago.

Sandali akong tumingin sa kaniya at napagpasyahang tumayo.

"Pumapayag ako." Pinal na sagot ko.

Ngumiti siya sa akin at naglahad ng kamay. Iginiya niya ako papasok sa palikuran ni Alexus.

"Babalik ako maya maya, sa ngayon ay magbabad ka muna diyan sa bath tub." Na agad ko namang sinunod.

Naglagay ako ng mabangong sabon sa tubig at isa isang tinanggal ang saplot ko sa katawan saka inilubog ang katawan sa bath tub.

Sumandal ako at pumikit.

Nagtagumpay kaya ako na muling maibalik ang palasyo kasama si Ama, Ina at kapatid ko?

Mula kasi ng mawalan ako ng malay sa talon ay hindi ko na alam ang nangyari.

Ito ang unang beses na makikita ko sila.

Saglit lang akong nagbabad. Kinuha ko ang tuwalyang nakita ko at ginamit. Agad kong nakilala ang pamilyar na mabangong amoy na nagmumula rito.

Kay Alexus ito.

Bumukas ang pinto ng silid at iniluwa nito si Agatha, Amelie at ang Reyna.
Yumuko ako upang magbigay galang sa Reyna.

"Magandang gabi Reyna Emery" ngumiti siya sa akin at bumati.

"Magandang gabi rin Bella, masaya akong makita kang muli."

Iniabot niya sa akin ang isang puting robe pati ang mga damit panloob.

"Ito ang iyong susuotin. Bagay na bagay ito sa iyo." Sambit ng reyna na may malapad na ngiti sa kaniyang labi.

Mas mukha pa siyang excited sa akin.

Muli akong pumasok sa palikuran upang isuot ang robe at panloob na ibinigay ng reyna. Matapos nito ay tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin.

Napalunok ang ng mariin.

Bakat ang kurba ng katawan ko sa robe na ito at halos kalahati lang ng binti ko ang natatakpan bukod dito ay madulas at manipis ang tela.

Buti nalang at may damit panloob ito dahil pakiramdam ko ay lantad na lantad ang katawan ko.

Agad lumawak ang ngiti sa kanilang labi ng lumabas ako.

"Napakaganda mo Bella." Ani Reyna. Pinamulahan ako ng pisngi sa sinabi niya.

"Salamat po"

Mula sa likod ay naramdaman kong sinuklay ni Amelie ang buhok ko.

"Ayusin ko muna ang buhok mo." Matapos nito ay inaya na nila akong lumabas.

"Nasaan si Alexus?" Tanong ko.

"Naghahanda na rin" ani Agatha.

Dumaan kami sa likod na pinto ng palasyo. Napansin ko rin na wala akong suot na pangyapak.

Tumigil si Agatha at Amelie sa tapat ng pinto.

"Hanggang dito nalang kami." Sambit ni Amelie. Nagtataka man ay nagawa kong magpasalamat sa kanila.

"Halika na, inaantay ka na ni Alexus." Pag aaya ng Reyna. Tumango ako at sumunod sa kaniya.

Ramdam ko ang lamig ng hangin na tumatama sa aking balat. Mas lalo akong gininaw sa suot ko.

Hindi ko rin alam kung bakit ako kinakabahan sa mga oras na ito.

Ilang minuto kaming naglalakad ng reyna ng matanaw ko ang Haring Nicholas, nagbigay galang ako sa kaniya ng makalapit kami.

"Magandang gabi, Bella"

"Magandang gabi rin po Haring Nicholas."

"Ang ganda niya hindi ba?" Tanong ng reyna.

"Parehas kayong maganda sa paningin ko." Ngumiti sila ng matamis sa isa't isa.

"Hanggang dito nalang kami Bella."

Kinuha ng hari ang kanang kamay ko saka humalik, yumakap naman ang reyna sa akin.

"Naghihintay na siya..." bulong ng reyna saka sila nawala sa harapan ko.
Tuluyan akong binalot ng kaba ng wala na sila.

Ano bang nangyayari sa akin?

Tumingala ako sa kalangitan at napansin ang bilog na buwan. Makikita rin na mapula ito.

Huminga ako ng malalim at diretsong tumingin sa kubo na nakahanda hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.

"It's now or never Bella" usal ko sa sarili.

Humakbang ako at tinungo ang may kalakihang kubo. Natigilan ako ng marinig ang pag agos ng tubig sa hindi kalayuan.

Malapit nga pala dito ang sikretong lawa.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad. Nasa tapat na ako ng kubo kaya muli akong huminga ng malalim para humugot ng lakas. Bubuksan ko na sana ito ng biglang may lumiyab na apoy sa paligid.

Napatingin ako sa kabuuan ng lugar.

Isa itong malaking bilog na nag aapoy at sa gitna ng bilog na iyon ako nakatayo pati itong kubo.

Sa itsura nito ay ramdam kong wala na akong kawala.

"Alexus?"

Binuksan ko ang pinto ng kubo at napansing wala si Alexus doon.

"Alexus nasaan ka?"

"You came baby girl" nagbigay kilabot sa akin ang boses niya, mas lalo tuloy akong kinabahan.

"Nasaan ka? Bakit ayaw mong magpakita?"

Pansin kong namatay ang apoy sa paligid.

"Pwede ka pang umalis kung gusto mo."

Ano bang pinagsasasabi niya?

"Pumunta ako rito dahil ito ang desisyon ko. Ngayon ay sasabihin ko sa iyong... hindi ako aalis. Kaya't pakiusap Alexus, magpakita ka na."

Muling nagliyab ang apoy ngunit sa pagkakataong ito ay mas malakas.

Unti unting kong nakita ang papalapit na anino papunta sa akin at ng makalapit ito ay muli kong nakita ang gwapo niyang mukha.

"Kung yan ang iyong desisyon ay hindi na kita pakakawalan pa..."

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon