Chapter 36

5.6K 197 7
                                    

Isabella

Nasa kalagitnaan ako ng pagtulog ng marinig ang pamilyar na musika na siyang dahilan para magising ako.

Ang musika na narinig ko noon sa gilid ng talon.

Mga ilang minuto lang ay nawala na rin ito.

Napatingin ako sa bintana at napagtantong mag uumaga na dahil bahagya ng sumisilip ang liwanag ng araw.

Napagod ako kahapon dahil buong araw kaming nagsanay ni Zaira, ngunit sa pagkakataong ito ay nag iingat siya na baka masugatan na naman ako. Yun marahil ang dahilan kung bakit napasarap ang tulog ko dahil sa sobrang kapaguran.

Bumukas ang pintuan ng silid at iniluwa nito si Zaira.

"Magandang umaga Zaira" at ginawaran ko siya ng isang matamis na ngiti.

"Magandang umaga rin Isabel" ngumiti rin siya sa akin.

Nang pumunta kami sa bayan upang mamili ng pagkain ay pansin kong iba rin ang aura sa paligid.

Para bang ang lahat ay masaya at magaan ang pakiramdam. Kahit saan ko ilibot ang paningin ay nakangiting mga mukha ang nakikita ko.

Nag kibit balikat ako at nanatiling tahimik habang nakasunod kay Zaira na siyang namimili.

"Balita ko ay darating ang mga prinsesa't prinsipe ng iba't ibang emperyo mamaya!" Masayang turan ng babaeng halos kasing edad ko. Sa sobrang saya niya ay napahampas pa siya sa braso ng kasama niya. Agad nangunot ang noo ko.

Oo nga pala. Mamayang gabi gaganapin ang Masquerade Ball na magaganap sa Grendin, ang pinakamalaking emperyo ng Quinoa.

Kung sa bagay ay hindi naman ako pupunta. Wala akong pakialam, magsaya sila hangga't gusto nila.

Ang ideya ng Masquerade Ball ang sumakop sa pag iisip ko kaya't hindi ko namalayang nakauwi na pala kami ni Zaira sa bahay niya.

"Huy Isabel, kanina ka pa tulala, ano bang iniisip mo?" Tanong ni Zaira sa akin at nagpunta sa kusina na agad ko namang sinundan.

"Masquerade Ball" sagot ko.

Tumulong ako sa pagbabalat ng ibang mga sangkap na gagamitin niya sa lutuin habang siya ay nagsimula ng magluto.

"Oh anong meron sa Masquerade Ball?"

"Hindi ako pupunt-" hindi ko natapos ang sasabihin dahil agad lumingon sa akin si Zaira.

"Ha? Bakit hindi?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Narinig ko kasing pupunta raw ang mga prinsesa't prinsipe ng iba't ibang emperyo."

"Ano naman?"

"Alam mo ang dahilan Zaira" Napabuntong hininga siya sa sagot ko.

"Taon taon ay dumadalo ang mga prinsesa't prinsipe, ganun din ang mga hari't reyna kung minsan naman ay pinapadalo nila ang kanilang mga anak kung hindi sila makakapunta. Basta kailangang may representative sila dahil isa itong uri ng kabastusan kung wala ni isang dadalo. Isa pa ito ay pagpapatibay ng relasyon ng bawat emperyo dahil matapos ang naging digmaan ay sinimulan nilang ayusin ang lamat na nabuo sa pagitan ng isa't isa." Ibinalik niya ang atensyon sa pagluluto.

"Ngunit pagdating sa mga bampirang gaya natin na naninirahan dito sa Quinoa. Kailangan nating dumalo rito sa ayaw natin o sa gusto mapa bata man o matanda dahil isa na itong tradisyon."

"Pero ayoko talagang pumunta Zaira" Pagmamatigas ko dahilan para muli siyang mapalingon sa akin.

"Ako man ay ayoko ring pumunta. Mas gusto ko pang dito nalang sa bahay at mamahinga ngunit kailangan kong pumunta dahil sa ganitong paraan ay maipapakita ko ang pagmamahal ko sa emperyong ito." Kinuha niya ang mga sangkap sa akin at inilagay ito sa niluluto. Napatitig ako sa likod niya.

Hindi maitatanggi ang pagmamahal ni Zaira sa emperyong ito.

Lumapit ako sa kaniya upang panoorin kung paano siya magluto.

Halata ang galing niya sa larangang ito na tila sanay na sanay na sa ginagawa.

"Ngunit Zaira. Maaari ka namang dumalo doon kahit wala ako, at isa pa ay hindi naman nila malalaman na hindi ako pumunta."

"Pero Isabel nandito ka sa Quinoa at gaya ng sinabi ko kanina ay isang kabastusan ang hindi dumalo roon." Binitiwan niya ang hawak na sandok at humawak sa magkabilang balikat ko.

"Sige na Isabel. Ito ang unang beses na may kasama akong dadalo sa pagdiriwang na iyon." Gumuhit ang lungkot sa mga mata niya.

Parang kinurot ang puso ko sa isiping ako palang bukod sa lolo niya ang tanging nakasama niya.

"Pero ang prinsipe Alexus." Siya ang dahilan kung bakit nag aalinlangan akong pumunta.

"Hindi niyo naman makikilala ang isa't isa dahil may takip na maskara ang inyong mga mukha." Napabuntong hininga nalang ako sa naging sagot niya.

Ano pa bang magagawa ko?

Tumango nalang ako kay Zaira bilang pagpayag na sumama sa kaniya mamayang gabi. Nakita kong labis ang saya niya dahil sa pagpayag ko.

Kumuha siya ng plato at doon isinalin ang niluto niya. Nagsimula na rin kaming kumain.

"Ang sarap ng luto mo Zaira" kumento ko nang malasahan ang niluto niya.
"Salamat" ngumiti siya sa akin at nagsalin ng dugo sa baso.

"Oo nga pala. Wala akong damit na isusuot doon." Sambit ko ng maalala ang bagay na iyon.

Dahil totoo naman, wala akong perang pambili ng kahit ano, paano pa ang mamahaling kasuotan?

"Di na kailangan. Mayroong nakatago doon sa kabinet ko."

Matapos kumain ay nagpasya akong lumabas muna ng bahay sumandali. Pinagsawa ko ang mata sa ganda ng tahimik at malawak na lugar na ito.

Naramdaman ko ang presensya ni Zaira sa gilid ko. Napatitig rin siya sa kabuuan ng lugar na ito.

"Alam mo bang hindi ako dito pinanganak sa Quinoa?" Napatingin ako sa kaniya sa biglaan niyang pagtatanong at mga ilang sandali ay ibinalik ko rin ang atensyon sa paligid.

"Kung hindi rito ay saang emperyo?"

"Magno" sagot niya.

"Ngunit paano ka napadpad dito?"

"Dahil kay lolo. Sinabi niya sa akin na bata pa lamang ako ay nawalan ako ng ala ala sa mga magulang ko. Ngunit ibinigay raw ng ama ko sa akin ang kwintas na ito, dahil darating ang araw na makikilala niya ako dahil dito. Tinanong ko naman kay lolo kung sino ang ina ko ngunit sinabi niyang hindi raw niya maaaring pangunahan ang magaganap ayon sa propesiya dahil paglaki ko raw ay ako mismo ang kikilala sa kaniya." Sagot niya.

"Base sa kwento mo ay para bang hindi ka nila sabay na pinalaki."

"Tama ka. Sinabi rin ni lolo sa akin na ang mga magulang ko raw ay hindi ang talagang itinakda sa isa't isa, magmula raw ng makilala ni ama ang itinakda sa kaniya ay pinabayaan niya na kami ni ina. Nakakalungkot nga lang dahil hanggang ngayon ay hindi ko siya naaalala, gusto kong maramdaman niya na kahit may iba ng mahal si ama ay mahal na mahal ko siya at nandito lang ako para sa kaniya." Narinig ko ang pagsinghap niya senyales na umiiyak siya. Agad akong lumapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.

"Wag ka ng umiyak Zaira. Tutulungan kitang hanapin siya." Marahan kong tinapik tapik ang likod niya.

"Paano ko siya magagawang hanapin kung maging siya ay hindi rin ako naaalala? Bata palang ako ng magkahiwalay kami." Mas lalo akong nalungkot para kay Zaira. Lumakas ang hagulgol niya at humigpit ang yakap sa akin.

Ito marahil ang dahilan kung bakit sanay na siyang mag isa.

Nasasaktan ako para sa kaniya.

Kung ako ay pinuno ng pagmamahal ng mga magulang ko noong nabubuhay pa sila, siya namang kabaligtaran ko si Zaira, lumaki siyang mag isa at walang kinikilalang magulang.

"Hindi kita iiwan Zaira. Lagi lang akong nandito para sayo."

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon