Chapter 26

5.6K 219 24
                                    

Isabella

Nang makauwi kami mula sa sikretong lawa ay nagdiretso ako sa aking silid.

Dahil sa sobrang kapaguran ay agad rin naman akong nakatulog. Nagising ako dahil pakiramdam ko ay may humahawak sa aking pisngi.

Nagmulat ako ng mata at wala akong naramdamang presensya ninuman sa loob ng kwarto ko.

Tumingin ako sa bintana at nakita ang madilim na labas.

Bakit napapadalas yata ang gising ko tuwing ganitong oras?

Nakarinig ako ng mahinang yapak sa tapat ng pinto ko at pansin kong papalayo ito.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko para sundan ito.

Lumabas ako at nakitang walang kahit sino sa mahabang pasilyo.

Dahan dahan akong lumakad. Muli ay nakarinig na naman ako ng mga yapak paakyat sa hagdan.

Para bang may nagtutulak sa akin na sundan at tingnan kung saan man ang punta ng yapak na ito.

Natigilan ako ng makarating sa ikatlong palapag ng palasyo.

Ngayon lang ako nakapunta rito
Kahit madilim ay nakikita ko parin ang kabuuan ng lugar.

Narinig ko ang yapak na sinusundan ko kanina sa loob ng isang silid.

Ginamit ko na ang aking bilis para makarating sa tapat ng pinto.

Huminga ako ng malalim saka pinihit ang handle ng pinto.

Bumungad sa akin ang isang painting ng babaeng may katandaan na ngunit mababakas parin ang ganda nya.

May kamukha siya.

Binuksan ko ang ilaw sa gilid at doon napansing kahawig niya ang haring Nicholas.

Binasa ko ang maliit na sulat sa ibabang parte ng painting.

Queen Diana Chamberlain

Napatakip ako ng bibig.

Siya ang ina ni Haring Nicholas!

Pansin kong may kumislap sa lamesang katabi ng painting.

Isang punyal?

Natigilan ako sa nakita, mga ilang minuto rin akong nakatitig dito at balak na sanang umalis ng marahas na bumukas ang pintuan.

"Bella!"

Napatingin ako kay Alexus na mukhang gulat na gulat na makita ako sa kwartong iyon.

Agad akong binalot ng kaba ng makita ang reaksyon niya.

"P-Pasyensya na h-hindi ko sinasadya" nauutal kong sagot.

Pakiramdam ko ay maiiyak na ko at nagsimula na ring mangatog ang tuhod ko.

Tila natauhan siya sa kanyang reaksyon saka lumambot ang tingin sa akin kaya agad siyang lumapit at niyakap ako.

"Sorry"

Kalaunan ay lumabas na rin kami.

"Anong ginagawa mo sa kwartong yon Bella?" Nag aalalang tanong ni Alexus.

"N-Nagising kasi ako kanina ng may marinig na yapak papunta sa kwartong iyon kaya agad ko itong sinundan" sambit ko habang nakayuko.

"Yapak?" Napakunot ang noo nya.

"O-Oo"

"Hindi maaaring pumasok sa silid na yon. Wag na sana itong maulit" ramdam ko ang diin sa bawat salita nya.

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon