Chapter 5

8.9K 317 16
                                    

Isabella

Nakatitig lang ako sa kahon na ngayon ay nakapatong sa ibabaw ng higaan ko. Ibinigay ito sa akin ni lola Feli kanina saka umalis.

" Bella... nalalapit na ang taunang selebrasyon sa palasyo, lahat ay imbitado. Tayo, bilang mamamayan ng emperyong ito ay inaasahan ang ating pagdalo."

"Ngunit wala po akong damit na gagamitin". Lumapit sya at inabot sa akin ang isang puting kahon.

Agad namang nagpabalik balik ang tingin ko kay lola at sa kahon.

"Wag kang mag alala Bella. Naisip ko na ang tungkol dyan at alam kong babagay sayo yan" sabay ngiti ng matamis.

Mabilis ko syang dinaluhan at niyakap ng mahigpit.

"Salamat lola Feli"  matagal tagal na rin mula nung maramdaman kong may nagmamahal sa akin bukod sa mga magulang ko.

Mabilis ko itong itinago ang kahon at naghanda sa pagpunta ko sa palasyo.

Kailangan ko pang alamin ang tungkol sa nawawalang kaharian kasama ang hari at reyna.

Kung tutuusin ay hindi na dapat ako nangingialam dito.

Ngunit may nagtutulak sa akin upang tuklasin ang katotohanan.
__________

Isa sa mga bagay na magaling ako ay matandain ako sa lugar. Nakarating na ako sa palasyo kaya alam ko na rin kung paano bumalik dito.

Dumiretso ako sa likod ng palasyo kung saan nandoon ang silid para sa mga babaylan. Ingat na ingat ako sa pagpunta rito.

Dapat ang punta ko ay sa library ng palasyo, ngunit mas mainam kung tatanungin ko muna si lola Feli, at isa pa... may iniiwasan ako.

Kung tutuusin, sa mundo ng mga tao ang katumbas nitong silid na ito ay hospital.

Ngunit ang meron lang dito ay kama at mga halamang gamot na kapwa mga babaylan rin ang nangangalaga.

Hindi na nila kailangan ng mga aparto dahil ang kanilang kapangyarihan ang ginagamit nila upang mang gamot, sa tulong na rin ng mga halaman.

Agad napansin ni lola Feli ang aking presensya at mabilis nagpaalam sa iba pang babaylan.

"Ano ang iyong sadya Bella?" Napanguso ako sa sinabi ni lola. Alam na alam nya kung kailan ako may kailangan.

"Hmm a-ano kasi lola. May nabasa akong isang pirasong pahina ng libro sa loob ng library mo sa villa tungkol sa Emperyong Magno..." hindi pa ako tapos magsalita ng siya na ang tumapos para sakin.

"Kung paano ito nawala?" Tumingin sya sa akin ng diretso. Tumango ako bilang sagot.

Hinawakan nya ng marahan ang aking braso at umupo kami sa silyang malapit.

"Hindi na ako magtataka kung bakit mo ito natanong. Sino ba namang hindi mabibigla kung ang isang napakalaking palasyo ay bigla nalang nawawala na parang bula kasama ang hari, reyna at ang nag iisang prinsipe." Tumitig ako sa kanya. Naghihintay ng susunod nyang sasabibin.

"Ang totoo nyan ay walang nakakalam kung paano ito nawala. Ngunit bali balita na may kinalaman ang dark witch sa pagkawala nito." Nanlaki ang mata ko sa narinig.

Dark witch?

"D-Dark wi-" hindi pa ako tapos magsalita ng tumayo na si lola Feli at inilahad ang kamay sa akin.

"Saka na natin ito pag usapan Bella. Sa ngayon ay kailangan ko ng bumalik sa silid ng mga babaylan dahil inaantay na nila ako." Kung sa bagay, may susunod pa naman.

Agad kong inabot ang kanyang kamay at tumayo.

"Wag mo sanang kalimutan ang ibinilin ko sayo." Alam na alam ko kung ano ito.

Yung dapat ay layuan ko ang ikalawang prinsipe dahil maaari akong mapahamak.

Umalis na ito ngunit hindi pa man nakakalayo ay lumingon muli.

"Kung nais mong magtampisaw ay may malapit na lawa sa bandang kanluran ng palasyo, at wag kang mag alala. Walang pumupunta roon dahil konti lang ang nakakaalam non" at tuluyan ng umalis si lola Feli.

Kung sa bagay, mula ng mapunta ako sa mundong ito ay hindi pa ako ni minsan nakaligo.

Ngumiti ako at pinuntahan ang tagong lawa na sinasabi ni lola Feli.
__________

Malayo palang ako ay naririnig ko na ang pagbagsak ng tubig mula sa isang maliit na talon.

Malayo palang ako ay naririnig ko na ang pagbagsak ng tubig mula sa isang maliit na talon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tuluyan akong napanganga ng makita ang tagong lawa na sinasabi ni lola.

How can this breath-taking lake kept hidden all this time?!

They gotta be kidding me!

Kung sa bagay, nasa mundo nga pala ako ng mga bampira at hindi sila normal. Lahat ng imposible ay maaaring maging posible sa lugar na ito.

Mula sa berdeng mga halaman na bumubuhay sa kulay ng lawa na ito, hanggang sa mala kristal na tubig na syang nagpapakita ng repleksyon ng kalangitan.

Sa sobrang pagkasabik ay mabilis akong lumapit papunta rito.

Hindi na ako nagdalawang isip pa ng hubarin ko ang lahat ng kasuotang meron ako sa katawan, at iniwan ito sa gilid.

Pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa tubig. Napatitig ako sandali sa asul kong mga mata at napangiti.

Agad akong lumangoy.

Ang lamig na dulot ng tubig sa aking katawan ay hatid ang kaginhawaan.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Pakiramdam ko nagbalik ako sa mundo ng mga tao.

May ibat ibang uri rin ng maliliit at makukulay na isda na mabilis lumalangoy palayo kapag palapit ako.

Nagpalutang lutang ako at tumitig sa asul na kalangitan.

"Mommy, daddy... kamusta na kayo?"

Pumatak ang isang butil ng luha sa aking mga mata at nagsunod sunod na ito.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang iniwan na nila akong mag-isa.

Lumusong pa ako sa mas malalim na parte. Mas malalim mas malamig ang tubig.

Ngunit hindi ko inaasahan na may matutulis na palang bato sa parteng ito ng lawa at huli na ng mapansin na nahiwa ang binti ko.

Ang aking dugo ay humahalo sa tubig. Agad akong umahon.
Binalot ako ng matinding kaba.

Hindi ako maaaring masugat...

Napatingin ako sa kamay ko, nandito parin ang singsing.

Isa man akong bampira sa kanilang paningin ngunit hindi nito mababago ang katotohanan na isa parin akong tao at ito ang dugong nananalaytay sa akin.

Ngunit sa aking pag ahon ay sinalubong ako ng dalawang pares ng berdeng mata.

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon