Chapter 22

5.9K 197 13
                                    

Isabella

Matapos ko silang iwanan sa kusina ay mabilis akong humanap ng lugar para hindi matagpuan ni Alexus.

Ngunit naisip kong kahit saan naman ako magpunta ay mahahanap niya ko.

Kaya minabuti kong pumunta nalang sa loob ng kwarto niya at nag diretso sa kanyang balkonahe.

Hindi gaya ng huli kong punta rito, ngayon ay malinis na ulit ang kanyang kwarto at wala narin ang mga bubog na nag kalat.

Umupo ako sa sahig at isiniksik ang sarili sa pinakagilid.

Mahahanap niya rin naman ako, pero medyo matatagalan nga lang dahil alam niyang wala akong balak pumunta sa kwarto niya.

Niyakap ko ang tuhod ko at dito ipinatong ang baba ko.

Umiihip ang hangin dahilan para lumutang ang isip ko.

Siguradong sa mga oras na ito ay nanunuyo na ang lalamunan ni Alexus.

Ayon sa nabasa ko tungkol sa vampire mate ay kapag kulang ang nainom niyang dugo mula sa itinakda sa kanya ay hindi siya titigil hanggat hindi siya nakakainom ng sapat mula rito. Uminom man siya ng ibang dugo ay panandalian lamang ang epekto nito dahil siguradong babalik ang pagkauhaw nya.

Hindi ko naman sana balak gawin yon kung hindi niya lang ako pinasok sa kwarto ko kagabi. Matapos niya kong paghahalikan at hawakan kung saan saan ay iiwan niya ko.

Nasaan ang hustisya don?!

Ni minsan ay hindi ko inakalang mauuhaw ako sa isang lalaki. Ang lahat ng ipinararanas sa akin ni Alexus ay bago sa aking katawan.

Pakiramdam ko ay ilang oras na akong nakaupo rito kaya't bahagya akong nagtaka na hanggang ngayon ay hindi parin ako nahahanap ni Alexus. Nakakaramdam na rin ako ng awa para sa kanya.

Minabuti ko nalang na pumasok sa kaniyang palikuran. Pinuno ko ang tubig ng bath tub at nilagyan ito ng mabangong sabon.

Tinanggal ko ang lahat ng saplot sa katawan saka ito tinupi at inilapag sa gilid.

Inilubog ko ang katawan sa tub. Agad akong binalot ng lamig ngunit hatid nito ay kaginhawaan.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako, nagising lang ako ng marahas na bumukas ang pinto ng palikuran.

"There you are baby girl"

Napatingin ako kay Alexus na ngayon ay namumula ang mata. Lumalabas na rin ang kanyang pangil.

Napakunot ang noo ko sa kanya.

"Tsh. Tigilan mo yan, para kang manyakis." Nakairap kong tugon.

Natigilan siya sa naging sagot ko at agad napanganga. Bakas ang pagkagulat sa kaniyang guwapong mukha.

Akala naman niya ay matatakot ako sa kanya. Kanina ay inihanda ko na ang sarili kung sakali man na matagpuan niya ko.

Tumayo ako mula sa bath tub hindi alintana ang mariing titig niya sa akin.

Nakita at nahawakan naman na niya ang katawan ko kaya't ano pang dapat kong ikabahala?

Nagdiretso ako sa shower upang magbanlaw. Napatingin ako sa kanya. Ganun parin ang itsura niya. Alam kong pigil na pigil siya sa oras na ito.

Naptitig ako sa mga mata niya at namalayang kusa na akong lumalapit papunta sa kanya.

Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ang nangyayari.

"A-Alexus...itigil mo ito!" Pinanlakihan ko siya ng mata ngunit ngumisi lang siya sa akin.

Hindi maaari!

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon