Chapter 44

5.6K 229 11
                                    

Isabella

"Ito ang tatandaan mo Bella. Lahat ay hiram lang natin at darating ang araw na muli natin itong ibabalik dahil mayroon talagang nagmamay-ari nito. Kaya't dapat nating sulitin ang bawat minuto na kapiling natin ito."

"Sana ay mapagtagumpayan mo ang misyon mo."

"Nandito lang kami palagi ng mommy mo, gagabayan ka namin. Tapusin mo ang bagay na hindi namin napagtagumpayan noon anak."

"Panahon na para malaman mo ang totoo"

Ngayon ay naiintindihan ko na.

Naiintindihan ko na kung bakit ganoon ang mga pahiwatig sa akin nila Mommy at Daddy sa bawat panaginip ko...

Dahil hindi nila ako totoong anak.

Ngunit ni minsan ay hindi ko naramdaman iyon sa piling nila.

Pinuno nila ako ng buong pusong pagmamahal na dapat ay hindi para sa akin kundi para sana sa totoong anak nila.

Kung walang batas na pumigil noon sa pag iibigan nila ay sigurado akong masaya silang naninirahan sa mundong ito at may masayang pamilya.

Kung hindi dahil sa walang kwentang batas na iyon at sa bampirang nagpatupad nito.

Nalamukos ko ang kamay dahil sa galit na lumukob sa akin.

Pangako Mommy at Daddy. Tatapusin ko ito at hindi na muling mangyayari ito kanino man.

Pinagpatuloy ko ang paglusong sa tubig hanggang sa malalim na parte nito.

Lahat ng panaginip ay may dahilan. Ipinakita ito upang ako mismo ang tumuklas sa natatagong kahulugan.

Sa mga oras na ito ay wala na akong pag aalinlangan dahil matapos ang panaginip kong iyon ay naging nalinaw na sa akin ang totoo kong pagkatao.

"Ang pagdaloy ng buhay ang siyang kikilalanin. Anak... panahon na upang kami ay palayain." Mga salitang mula sa aking panaginip kasabay ang musikang nagmumula sa plauta.

Alam ko ang dahilan kung bakit ito binaggit sa akin ni ama... yun ay dahil ito ang paraan kung paano ko sila muling maibabalik sa mundong ito.

Gamit ang mahabang kuko ay sinugat ko ang sarili ko sa iba't ibang parte ng katawan ko saka pumikit at inilubog ang sarili sa ilalim ng tubig dahilan para humalo ang dugo ko rito.

Malinaw sa akin ang nais iparating ni Ama.

"Ang pagdaloy ng buhay ang siyang kikilalanin" na nangangahulugan ng dugo mula sa akin.

Hindi ko alam kung paano magigising ang pagiging bampira ko, ngunit naniniwala akong sa kanila parin ako nagmula. Dugo parin nila ang nananalaytay sa akin.

Habang nakalubog ay naramdaman ko ang paglakas ng agos ng tubig na para bang may enerhiyang dumadaloy dito papunta sa katawan ko.

Alam kong hindi lang ito basta talon. Sa likod ng kakaibang ganda nito ay may kapangyarihang nagpapagalaw nito.

Ang nagtataglay ng Power of Energy... Si Ama.

King Augustus Genevianna

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakalubog sa tubig ngunit naramdaman ko ang unti unting pagbabaw ng hininga ko.
__________

Zafira

Nakaramdam ako ng kakaibang lakas na nagmumula hindi kalayuan sa lugar na tinatapakan ko. Isang pambihirang lakas na ngayon ko lang naramdaman.

Ginamit ko ang bilis ko upang makita kung ano ang nangyayari. Alam kong dito sa talon nagpunta si Isabel at pinakiusapan niya akong manatili, ngunit hindi ko hahayaang mapahamak siya.

Pagkapunta ko sa talon ay natigilan ako ng makitang kulay pula ang tubig nito. Agad kong napansin ang liwanag na nagmumula sa gitnang parte ng tubig at nanlaki ang mata ko ng mapagtantong ito ay si Isabel.

"Isabel!"

Akmang lalangoy na ako upang sagipin siya ng marinig ko ang boses ni prinsipe Alexus.

"Bella!"

Saglit siyang tumingin sa akin at agad ring lumusong sa tubig. Ilang segundo lang ang lumipas at mabilis niyang nasagip si Isabel.

Tumakbo ako sa kinaroroonan nila.

"Prinsipe Alexus, ikaw lang ang makakatulong sa kanya. Umalis na kayo rito."

Puno ng dugo at sugat ang katawan ni Isabel at mapapansin ang sobrang putla niyang balat. 

Maya maya ay unti unting yumanig ang lupa.

"Prinsipe Alexus umalis na kayo! Kung patuloy na mauubusan ng dugo si Isabel ay maaari niyang ikamatay!" Sigaw ko dahil parang wala sa sarili ang prinsipe ng makita ang kalagayan ni Bella.

"M-Maraming salamat" ani prinsipe ng matauhan sa sinabi ko. Yun lang at nawala na sila.

Nagawa na ni Isabel ang parte niya, ngayon ay panahon na upang ang pamilya niya ang tumulong sa sarili nila.

Lumutang ang pulang tubig papunta sa apat na naglalakihang bato at dumiretso sa pinaka sentro nito.

Tumigil ang pagyanig ng lupa ngunit napalitan ng nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa kalangitan dahilan para mapatakip ako sa mata.

Nang imulat ko ang mata ko ay napansin kong sandaling nabalot ng makapal na hamog ang lugar at nagbalik sa normal ang kulay ng tubig.

"Matagal itong hinintay ng lahat. Ang pagbabalik ng kaharian ng Magno Imperial."

Lumingon ako upang makita kung sino ang nagsalita mula sa likod at napagtantong ito ay si lolo.

"Lolo Manuel!" Agad ko siyang sinalubong ng yakap.

Ngayon ko lang ulit siya nakita pagkalipas ng ilang buwan.

Hindi na ako nagtatakang nakita ko siya rito dahil bata pa lamang ako ay sinabi niya sa akin na hindi sa lahat ng pagkakataon ay makakasama ko siya dahil may pamangkin siyang kailangang bantayan dito sa Magno.

"Masaya akong makita ka ulit apo." Nakangiting sambit niya sa akin.

"Matagal ko po kayong hindi nakita."

"Tingnan mo apo" tiningnan ko ang itinuturo ni lolo. Ito yung apat na bato na ngayon ay nababalutan ng puting usok.

Pamilyar ang bagay na iyon

Ilang segundo ang lumipas ay mapapansin na unti unting nagbabago ang itsura nito. Nang tuluyang mawala ang usok ay napalitan ito ng isang magandang gazebo.

Kumalat ang puting usok na tila may mahika, sa bawat madaanan nito ay nagkakaroon ng iba't ibang uri ng magagandang bulaklak na nagbibigay buhay sa lugar, napansin kong nagkaroon ng dalawang daanan na kumokonekta sa gitna.

Tuluyan akong natulala ng makitang unti unting naaninag ko ang pagkabuo ng isang malaking palasyo.

Genevianna Palace

Hindi pa man ako nakakabawi sa pagkamangha ng makita kong umapaw ang tubig mula sa talon at napuno ng tubig ang ilalim ng dalawang daanang kumokonekta sa kaharian.

Kung kanina ay isa lamang itong malawak na lupain at walang makikita bukod sa nagtataasang damo. Ngayon ay nasa harap ko ang isang malaking palasyo na may nagkalat na mababangong bulaklak at berdeng tubig mula sa talon. Sa sobrang linaw nito ay nakikita ko ang repleksyon ng palasyo sa tubig.

 Sa sobrang linaw nito ay nakikita ko ang repleksyon ng palasyo sa tubig

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hindi ako makapaniwala. Nasa harap ko na ang palasyong nawalang parang bula dalawampung taon na ang nakalilipas."

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon