Chapter 12

7.9K 225 5
                                    

Isabella

Matapos kumain ay marahan akong hinila ng prinsipe Alexus pabalik sa kanyang kwarto.

"Let's talk Bella" sambit niya matapos isara ang pinto.

Nagdiretso ako sa balcony ng kaniyang kwarto at tanaw na tanaw dito ang bayan.

Humawak ako sa railings.

Umiihip ang malakas na hangin dahilan kung bakit nililipad ang aking buhok.

Napakapayapa ng lugar na ito.

Mararamdaman mo ang lamig na dulot ng hangin at ang sariwang simoy nito. Hindi gaya sa mundo na kinagisnan ko.

Pero kahit ganon ay masasabi kong nami miss ko na ang lugar na iyon.

Kailan kaya ako makakabalik? O makakabalik pa ba ako?

Naramdaman kong sumunod ang prinsipe Alexus sa akin at tumanaw rin sa bayan.

Ilang minutong nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Hmm a-anong pag uusapan natin prinsipe?"

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Siguro ay dahil seryoso na naman ang kaniyang aura.

"Call me Alexus." Napatingin ako sa kanya. Gaya kanina ay nakatanaw parin siya sa bayan.

Seryoso ba siya?

"I am" sambit nya ng basahin nya ang iniisip ko.

Walang mababakas na kahit anong emosyon sa kanya. Napabuntong hininga ako.

Hindi ko magawang basahin ang iniisip niya.

"O-Okay A-Alexus. Yun lang ba?"

Siya naman ngayon ang tumingin sa akin ngunit pinanatili ko naman ang tingin sa bayan.

"I've been waiting for you all my life. I should be happy that your here, right in front of my eyes." Agad akong napatingin sa kanya.

I can feel the sincerity and sadness in his beautiful eyes.

"Pero hindi ko magawa. Sa tuwing nakikita kita natatakot ako na baka may mangyaring masama sa iyo dito sa mundo na may taliwas na paniniwala. Kaya... kung sakali man na may pagkakataon kang makabalik sa mundo ninyo, gusto kong malaman mo na hindi kita pipigilan kahit masasaktan ako." Nanatili akong nakatitig sa kaniya.

"B-bakit mo sinasabi ang mga ito?" Naramdaman kong kumikirot ang puso ko.

"Kung inaakala kong mamatay ako sa pagka uhaw sa dugo mo ay nagkakamali ako. Mas mamamatay ako sa kalungkutan pag ikaw mismo ang nawala. Pero hangga't nabubuhay ako, ipinapangako kong poprotektahan kita."

Natulala ako sa sinabi niya.

Tumalikod na siya sa akin at naramdaman na tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

Ginamit ko ang aking bilis upang humarang sa pinto bago pa man siya makalabas.

Nagulat siya sa ginawa ko.

"Don't you dare walk away from your mate." Sambit ko at agad ko siyang hinala para sa isang mahigpit na yakap.

Naramdaman kong nanigas siya sa ginawa ko ngunit yumakap din pabalik.

Alam ko sa sarili kong may puwang na siya sa puso ko at kung patuloy niya itong gagawin ay hindi na niya kakailanganing kunin ang loob ko dahil kusa ko ng ibibigay.
__________

Yun ang naging huling pag uusap namin makalipas ang isang linggo dahil pinakiusapan siya ng amang hari na sumama sa kaniya sa pagpupulong.

Isang linggo na rin akong hindi naglalalabas ng kwarto dahil nag aadjust pa ako sa mga nangyayari.

Naglakad lakad ako at natagpuan kong dinala ako ng mga paa ko sa lugar na matagal ko ng gustong puntahan.

Ang library

Agad kong hinanap ang librong kailangan ko ngunit bigo ako.

Hindi ako nawalan ng pag asa dahil alam kong hindi ko man mahanap ang librong kailangan ko marami namang librong maaaring naglalaman ng mga impormasyon na kailangan ko.

At hindi nga ako nagkamali. Agad lumawak ang ngiti ko ng mabasa ang pamagat ng librong nakita ko.

"Ang Anim na Emperyo"

Umupo ako sa malapit na silya at agad nagulat ng makarinig ng tikhim sa gilid.

"P-Prinsipe Gabriel" sa sobrang tuwa ko kanina ay hindi ko napansin ang presensya niya na kanina pa pala nandito sa loob.

"Gabriel nalang" saka siya ngumiti ng matamis.

Hindi tulad ni Alexus na seryoso at minsan mapaglaro. Si Gabriel ay masayahin at mukhang masayang kausap.

"Ang anim na Emperyo" tumagilid ang kaniyang ulo at binasa niya ang librong nilapag ko sa mesa.

"Hindi ko alam na interesado ka pala sa mundong ito" tiningnan ko siya at napabuntong hininga.

"Naisip ko kasi na, kung may misyon ako sa mundong ito kailangang may alam rin ako tungkol dito."

Umupo siya sa katapat kong upuan.

"Kung tutuusin kasi ay hindi mo naman kailangang basahin iyan. Naglalaman lamang iyan ng mga pangalan ng namumuno sa bawat emperyo ganun na din ng mga prinsesa't prinsipe. Pero kung gusto mo ay maaari kong ikwento sa iyo ang tungkol sa anim na emperyo."

Nakakatuwa dahil mukhang mahilig magbasa si Gabriel ng libro.

Ngumiti ako ng malawak at tumango.

Kung sa bagay, sa kapal ng libro na ito at puro pangalan lang naman ang nandito ay hindi nga ito masyadong mahalaga.

Ang Anim na emperyo ay tinatawag na Frealia Aghanym at ito ay binubuo ng

Magno- May dalawang nasasakupan

Selenim- May apat na nasasakupan

Fahrizza- May tatlong nasasakupan

Quinoa- May limang nasasakupan

Azalei- May apat na nasasakupan

Iris- May tatlong nasasakupan

"Kung ganon ay emperyong Magno ang may pinaka konting nasasakupan. Ang Magno Imperial at Magno Celestial." Sambit ko ng narinig ang mga sinabi ni Gabriel.

"Ngunit kahit ang emperyo natin ang may pinaka konting nasasakupan ay hindi ito nabubuwag. Marami ng nagtangkang sumakop dito ngunit hindi nila ito natatalo. Hindi tulad ng limang emperyo na basic powers ang meron..." Tumitig ako kay Gabriel at nag antay sa susunod niyang sasabihin.

"Ang Emperyong Magno ay nagtataglay ng elemental powers. Na siyang dahilan kung bakit hindi nila ito masakop."

Elemental powers?

Her Human BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon